Dear No One

25 5 7
                                    

Dear no one,
 
          Kung sino kaman, magustuhan mo sana ako. Kung bakit? Gusto ko nang magka lovelife at gusto rin kita kung sino kaman. Pero sana tanggapin mo na hindi pa talaga ako nakaka move on sa Ex ko. Prince lang naman ang pangalan ng gagong iyon. Hindi talaga bagay ang pangalan. Actually 1 year kami nun kaya mahal na mqahal ko yun. By the way matanggap mo sana ang kabaduyan ko ni hindi ko nga alam bakit nagsusulat ako ngayon para sa'yo, hindi naman kita kilala. Hoping for you kind consideration.
Mwuah mwuah. Sana sagutin mo na ako pag nagkita tayo.
    
                             Your future girlfriend,
                                       Kryztyz

'Tsk tangina mong sarili ka'. Kanina ko pa minumura sarili ko habang nagsusulat pero hindi ako tumigil malay ko ito na pala ang susi ng pag mu-move on.
'Aish gago hindi tatanggap sayo yung makabasa neto'. Binasa ko ulit yung nakasulat

"Gusto rin kita kung sino kaman. Pero sana tanggapin mo na hindi pa ako nakakamove on sa Ex ko" 

Ay wala eh gago talaga yung pagkasulat. Gusto ko rin sya pero hindi naman niya sinabi na gusto nya ako. Teka sino ba sya?! Naloloka na naman ako.

"Oy Kryz halika na!" Natigil ako sa pag iisip nang tinawag ako ni Jade, bestfriend ko.

"O wait lang susunod ako!" Sigaw ko pabalik.

Inilibing ko na kaagad ang sulat sa buhangin at sumunod kay Jade. Oh kita mo, ganyan ako kabobo at sa buhangin ko pa talaga naisipang ilagay.

"Anong ginagawa mo doon?" Tanong ni Jade na kasabay ko na sa paglalakad ngayon.

"Alam mo na, nag mu-move on" Sagot ko

"Naaay, ayus ayusin mo ha si Brianna ma e-engage na tapos ikaw nag mu-move on palang" Hay pinaalala pa talaga. Engagement party ni Brianna ngayon , yung isa pa naming kaibigan kaya nandito kami sa kanilang resort.

"Di katulad sa iba jan, swerte nga marami nagmamahal ay este nagkakagusto pero may balak pa yatang mag madre" Pinariringgan ko si Jade at alam kong pinandilatan na ako ngayon.

"Matikom mo yang bibig mo ah baka mamaya mamaya- ah wala lang mamaya engaged na si Bri" Sabi nya na may hilaw na ngiti.

May tinatago tong bata to ah! Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero sa halip na tanongin siya dumiretso nalang kami sa Venue kung saan gaganapin ang engagement party.

***

"Brianna Angela will you marry me?" Tanong ni King Evan na nagpapuno ng tilian sa venue

"Yes my King" Sagot ni Bri, And cliche moments, nag hug tapos nag kiss. Ganon naman talaga siguro pag engage kana.

"Jade powder room muna ako" Umalis muna ako, bitter eh tsaka naiihi na talaga ako pero I'm happy for them.

Malapit na sana ako sa CR pero may humarang sakin. Si tita Grace, mama ni Bri.

"Oh Kryz thank you for coming, I really appreciate that you and Jade became Brianna's bestfriends even though she's somewhat troublesome. I'm so happy for her" I couldn't agree more tita.

"By the way you really look wonderful tonight" 'I know right' gusto ko sanang sabihin.

"Thank you tita, same to you too" I answered

She's wearing a simple black gown with silver sequins with a small slit kung saan bagay na bagay talaga sa kanya. As for me, I'm wearing an off shoulder gray gown paired with a black choker which Scar gave to me.

"Well I should go ahead, nice talking to you and oh I saw Prince near the powder room, you might wanna go there and you know catch up" Huling sabi nya sabay talilkod, busy ata siya.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh I saw Prince near the powder room, you might wanna go there and you know catch up"

Wait

Wait....

Si Prince?!

Ba't di ko yun naisip, PINSAN SIYA NI KING! Kryz, PINSAN!

At yun nga nakita ko na sya malapit sa CR and so I gasp, at dahil bobo ako narinig talaga niya iyon kaya

Kaya...

Humarap siya sa sakin, tumalikod agad ako.
Asa! di ako haharap sa kanya nu mabilis akong naglakad pabalik kahit naiihi na talaga ako.

"Kryz wait" Rinig kong sabi nya tsaka ko naramdaman ang kamay niya sa balikat ko.

Ipinaharap niya ako sa kanya at tsaka na mind blown talaga ako sa mga susunod nyang sinabi.

***

Pinagmasdan ko siya habang may sinusulat. Parang timang lang, ngingiti tapos ngunguso at pinapalo niya sarili nyang ulo.

May tumawag sa kanya kaya umalis na sya pero inilibing nya muna yung sinulat nya. Bobo talaga sa buhangin pa talaga nya nilibing.

Nang tuluyan na silang umalis, lumapit ako at hinukay ko yung sinulat nya

Dear no one,
 
          Kung sino kaman, magustuhan mo sana ako. Kung bakit? Gusto ko nang magka lovelife at gusto rin kita kung sino kaman. Pero sana tanggapin mo na hindi pa talaga ako nakaka move on sa Ex ko. Prince lang naman ang pangalan ng gagong iyon. Hindi talaga bagay ang pangalan. Actually 1 year kami nun kaya mahal na mqahal ko yun. By the way matanggap mo sana ang kabaduyan ko ni hindi ko nga alam bakit nagsusulat ako ngayon para sa'yo, hindi naman kita kilala. Hoping for you kind consideration.
Mwuah mwuah. Sana sagutin mo na ako pag nagkita tayo.
    
                             Your future girlfriend,
                                       Kryztyz

Unbelievable, may signature pa, hhis is interesting

"Congrats Bud" Tinapik ko sa balikat si King tsaka umalis na

Nakatayo ako ngayon malapit sa public CR,
pinagmamasdan ko aking pinsan si Prince which I assume yung ex na di pa ma get over ng babaeng yun.

Lumapit na yung babae at nanlalaki ang matang tumingin kay prince

"Shit" Mura nya na narinig naman ng pinsan ko. Ang bang klaseng katangahan yun, nilakasan pa talaga yung boses

Tumalikod na yung babae pero hinawakan ni Prince yung balikat nya tsaka pinaharap sa kanya.

"Kryz I know hindi ka pa naka move on sakin so please forgive me and be mine again" Sabi nya which made Kryz speechless

Tsk walang kwentang diskarte sinisira nya apelyido namin.

"Hey Kryz, nandito ka pala" Tumingin silang dalawa sa'kin. Tinignan ko muna ng mariin si Kryz

"By the way I just came to say it's a yes" Naguguluhan silang tumingin sa'kin although I find her really Cute

"Anong yes sinasabi mo dyan?"

Inakbayan ko sya and whispered to her ears

"I know the letter is for me so I just came to say my anwer, it a yes, I like you too Kryz" I said slowly.

Before I left I added

"By the way its Knight, He maybe was your prince but I can be your Knight in shining armor" I kissed her cheeks and then left her dumbfounded.
























                                   

Dear No OneWhere stories live. Discover now