Prologue

6.9K 163 13
                                    


"Hoy batang hampas lupa, bumalik ka na lang sa baul mo. Kasing panget mo iyang baul ng lola ng lola mo!!!!" Nakatakip ang dalawang kamay ko para hindi marinig ang sinasabi ng batang lalaking ito na matanda lang sa akin ng tatlong taon.

Lagi nya akong tinutukso kaya naman palaging salubong kilay ko. Ano bang mali sa pagiging mahirap? Super duper arte naman ng supot na ito!!

Kasalanan ko ba mahirap ako? Alergic ba sya sa mahihirap? Palibhasa napakayaman ng pamilya nila kaya nagagawa nya ang gusto nya.

Nagulat ako ng may biglang bumuhos na malamig na tubig sa akin at pag angat ko ng aking paningin ay nakita ko itong batang lalaki na tumatawa ng malakas habang hawak ang isang mineral water na ibinuhos sa akin.

"Hahhaa nakakatawa kang tignan mas lalo kang naging pangit sa paningin ko!!kaya siguro wala kang mommy dahil pangit ka!!!"

Dito na nag umpisang tumulo ang aking luha sa mga mata, My mom died noong ipinapanganak nya ako pero hindi alam ng batang lalaking ito na patay na ang mommy ko.

Siguro kaya talaga siya maagang nawala because of me, dahil siguro sa malas talaga ako at di nya matanggap ito.

Kesa pakinggan pa ang mga masasakit nyang salita ay tumakbo ako paalis,hindi ko alam kung gaano na kalayo ang tinakbo ko dahil iyak lang ako ng iyak.

Pero nung papatawid na ako ay may isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aking mga mata at ang huling natatandaan ko lang ay ang isang malakas na busina at pagtama ng isang kotse sa aking murang katawan.

BlackAngel

Her Dominant Nerd (Deathrone #6) Lighting Zeus DeathroneWhere stories live. Discover now