Onsra

198 24 24
                                    

MIGS AND I are different, like we are living in a parallel universe and we're two different kinds of alien in two different planets.

Seryoso siya. Career-oriented. Masipag. Unlike me, na happy-go-lucky, sunod lang sa agos ng buhay at madalas, tamad. He always go for the things that he wants in life. Ako naman, I always settle for what's already there— not looking for more, not looking for things that I know I deserve.

I believe we clicked because of our differences.

Siguro, limang taon na kami pero minsan lang kami magkasama— tuwing libre lang siya. Ako naman kasi, madalas libre. Freelancer ako. Siya naman manager ng isang malaking international company.

Valentine's day is definitely not our day. Araw-araw naman pwedeng maging Valentine's, yuon ang sabi ni Migs. May point siya. But I knew that it was a 99.9% lie, pero siyempre, pinilit kong maniwala sa kasinungalingan na iyon.

Minsan, may hangganan din ang pang-unawa. May hangganan lang din ang mga tanong sa isip na kailangan na ng sagot. O kaya minsan, kailangan ng isang malakas na sampal para makita ang mga hindi totoong bagay na pikit-mata mong pinapaniwalaan.

I called Migs two weeks before Valentine's. May pinlano ako para sa'min. Nag-book ako sa isang resort na hindi pa namin napupuntahan, maiba lang sa mga typical dinner dates and hotel bookings namin. Unang beses ko lang itong ginawa. I wanted to surprise him, then talk to him about important things. Naisip ko, kung nagplano ako, baka mas malaki ang tyansang sumipot siya.

"Can you clear your sched on the 14th and 15th? Minsan lang naman, Migs. Ngayon taon lang."

Tumikhim siya. "I can't promise that yet. Gustuhin ko man, alam mo na. I'm busy. But I promise, I'll try."

I sighed. "Aasa ako."

"Tatawagan kita uli. I need to go. I love you," sabi niya.

Hindi ako sumagot. Binaba ko ang tawag na parang tangang umaasa na bigla siyang tumawag at sabihing sa amin naman ang mga araw na iyon. I sounded selfish. Alam ko namang selfish ako.

I called my bestfriend. Sinabi ko sa kanya ang plano ko at sinabi niyang hibang na ako.

"Hindi pupunta si Migs. He has his own priorities, you know," sabi ni Kevin.

What a pessimist! Pero sa loob ko, alam kong tama siya.

"Kung hindi kami natuloy..."

"Sayang pera mo," he coldly answered.

"Pwede bang samahan mo na lang ako?"

"Plan B for Valentine's? Hell, no!"

Kevin is the bestest friend ever. Sarcasm included. Pero siguro nga tama siya, hibang talaga ako.

NUONG GABI bago mag-fourteen, tinawagan ako ni Migs. Hindi raw siya makakapunta at babawi na lang sa susunod. Nagpanggap ako na okay lang. Inexpect ko rin naman iyon. Akala ko lang na may one percent chance na ibigay niya ang oras niya sa'kin sa mga araw na iyon.

The next day, I decided to go on with my trip without Migs. Tinawagan ako ni Kevin, tinanong kung natuloy kami and I said no.

Akala ko sasabihin niya 'I told you so', pero ang sinabi niya 'Pupuntahan kita'.

I wore my bathing suit under a bright yellow summer dress. Hinintay ko si Kevin at sinundo siya sa may lobby. He was wearing his blue button-down shirt and slacks. Naka-office attire pa.

Iisa lang ang kwarto na pinareserve ko at walang bakante. Kevin didn't find it awkward. Matagal na kaming magkaibigan kaya para sa akin at kanya, wala iyong malisya.

OnsraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon