Bestfriend

33 2 0
                                    

"Tin-tin" Tawag sa akin ni mommy.

" Yes mommy?" Takang tanong ko at lumapit sa kanya.

"Pakibigay mo nga ito kay mareng Lita at pakisabi narin na mamayang alas siete kaming aalis." Sabay abot sa akin ni mommy ang nakaplastik na ulam.

"Uhmm...ma ikaw nalang sana--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

"Nak! Paghindi ka pumunta babawasan ko baon mo,sige ka!" Takot nitong sabi sa akin.

Tss.Nakakaasar! Ayaw kong pumunta sa bahay nila tita Lita!Makikita ko pang yong mukong na yon!

"Oh? Ano pang tinutunga-nga mo dyan? Lakad na dali!" Bulyaw sa akin ni mommy.

"Opo! Ito na maglalakad na" tarantang sambit ko.

"Aba'y nagrereklamo kana--" bago pa ako maabutan ni mommy tumakbo na ako palabas ng bahay.

Gosssh!! Ang init! Balik nga ako sa bahay at kukunin ko yong payong...

Bago pa ako makabalik ng bahay at may naalala ako.

"Ay! Oo nga pala! Na kay mukong yong payong ko! Ano ba yan! Nakakaloka!" Naglakad nalang muli ako. No choice e!

Habang nagpalakad ako sa gilid ng kalsada sa hindi inaasahang pangyayari napatigil ako sa pamilyar na boses. Gossh! Boses palang niya mahihimatay na ako!ano ba yan! Ke landi-landi ko naman.

"Saan ka pupunta?"

Hinay hinay akong humarap sa kanya. Syempre paSlow motion pa akong nalalaman.

Pero pagkaharap po napanga nga ako.

Eh paano naman kasi! Pagkaharap ko walang tao! Eh nasaan si jack?!

"Sa bayan lang naman" sabay hagikgik nung babae.

Sandali! Di hindi ako yong tinanungan niya?

Nasaan ba siya--

Napatigil ako sa kakaemot ng makita ko siyang kasama si witch. Oo witch talaga! Mang-aagaw e. Makatawa akala mo may pinatay!

Nasa harapan sila ng coffee shop at sa gilid nun doon ako nagtago malapit sa basurahan. Hindi nila ako makikita rito kasi may poste e. Hoy! Hindi ako yon ah!

"Ah ganun ba" ngiting sambit ni jack.

No!!!! Dapat sa akin lang yang ngiting yan!!!

"Ahmm...jack" malanding pasuyo ni witch. Akala mo naman bagay niya! Parang naipit na daga!

Tapos biglang nagpout! Tsk! Wag! Nagmumukha kalang gorilla!

"Ano yon jelly?" Seryosong sabi ni jack habang tumitingin sa relos nito.

Matagal pa ba to? Pwedeng sumali sa eksena nila tapos sasampalin ko si witch? Charrot diko kaya yon. Whaaaa!

"May party kami mamayang gabi. Kung pwede lang sana...ahmm imbitahin kita--" sabay kapit nito sa braso ni myloves jack este jack pala. Secret lang yon ah!

Sasagot na sana si jack kaso sa maling apak ko napayakan ko yong butilya at napaupo ako.

Wrong move!

"Tin-tin?" Takang tanong ni jack.

Oh no! Huli ka balbon! Wrong wrong move! Ang sunga mo talaga tin-tin!!!!

Napayuko ako sa kahihiyan.

"Bes? Anong ginagawa mo dyan? Okay kalang ba?" Alalang tanong nito.

Hindi...hindi masakit! Ang sarap nga eh!

Bestfriend(One Shot Story)Where stories live. Discover now