Synopsis:

Isang classroom na binubuo ng dalawampung mga magaaral.

Section na bukod tanging ginagalang,

Section na bukod tanging kinatatakutan,

Section na puno ng kasinungalingan,

Section na misteryoso sa buong eskwelahan,

Section na bukod tanging pinamumunuan ng isang babae.

Chapter I

Secretary's POV

Hawak hawak ko ang mga librong isasauli ko sa library ng aming eskwelahan.
Napakatahimik, walang tao sa hallway, o kahit isang tao sa paligid. At mismong hangin na lang at paghampas ng sanga ng mga puno ang maririnig.

Sa palagay ko ngayon lamang tumahimik ang buong paaralan, mula nang mangyari ang di inaasahang pangyayare sa aming klase kamakailan lamang.
At mukang natahimik narin lahat ng issue sa pagkamatay ng aming principal.
Wala pang isang linggo ngunit parang limot na agad ang mga pangyayare.
Nakapagtataka, ngunit kung iisipin mo o makikialam ka pa, eh mas lalo pang lalala ang sitwasyon.

"Magandang umaga po Mrs. Perez, andito na po ang mga librong hiniram ng aming guro sa Science" sabi ko bago ilapag ang mga libro sa ibabaw ng mesa.
"Ahh ganun ba, sige ibaba mo nalamang diyan at ipapaayus ko nalang yan mamaya sa sekretarya ko". Sagot naman ng aming librarian na hindi inaalis ang paningin niya sa screen ng kanyang computer.
"Salamat po" muli kong imik bago umalis.
Lumabas ako ng library at tinahak ang daan pabalik ng aming classroom. Nasa dulong silid palang ako ay rinig ko na agad ang hiyawan, mga kalampag at tunog ng mga lamesa at upuan na mukang itinulak ng malakas. May away. Yan agad ang nasa isip ko. Hindi na iyon bago sa room namin, isa lang ito sa mga ordinaryong pangyayare. Nang maabot ko ang silid namin ay nakita kong kapit kapit ni Justine ang nagdurugo niyang labi at sapo nya ang kanyang tiyan.
"Mukang duwag ka naman eh.Hahaha sabi ko diba wag kang lalaban sakin." Sigaw ng siga sa room namin na si Phil.
Malaki ang katawan ni Phil at kitang kita ang bagsik nya tuwing nagagalit. Isa sya sa kinakakatakutan ng lahat sa room,at sa buong eskwelahan dahil kilala siyang anak ng Mafia Lord.
Napangiwi naman si Justine at umambang susuntokin niya si Phil. Ngunit naunahan siya nito at sinapak siya sa sikmura, na nagdulot ng pagkatumba ni Justine. Walang umaawat sa away at mukang nageenjoy lahat, alam kong sinasamantala ng lahat dahil walang guro at wala ang ibang officer ng klase.
Muling tindayakan ni Phil si Justine, at sabay din nun ang hiyawan ng mga kaklase namin.
" ANO LALABAN KA PA?" tanong ni Phil habang sinisipa sipa si Justine sa sahig, halos mapuno na ng dugo ang muka ni Justine dahil sa bugbog.
Nagkakaingay ang buong klase at nagkakaisa na tapusin na ni Phil ang lahat.
Muling inambahan ni Phil si Justine sa sikmura.....
Ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan at iluwal ang kaisa isang babae sa klase namin.Kahit nasa malayo palang ay mapapansin mo na agad ang kakaibang kulay ng buhok niya dahil sa kulay abo nitong kulay na itinerno nya sa uniform namin.Nakasuot siya ng paldang abo na hanggang sa itaas ng tuhod niya at polo na may necktie na may simbolo ng aming paaralan. Siya si Axel Vinthel Shinsie, o mas kilala sa tawag na President Sattori, dahil sa tattoo nito sa leeg na "Sattori".
Lumapit siya kay Justine at itinayo niya ito na may ngiti sa labi. "Diba binalaan ko na ang lahat na wala nang magiging gulo dito sa klase?" Malumanay niyang bigkas, na kung saan pangingilabutan ka sa bawat paglabas ng mga salita mula sa bibig niya. Walang maririnig na ingay kundi ang ang tunog lamang ng bintelador. "Ahem." Tikhim ni President.
Muli siyang lumakad at pumunta sa harap ng blackboard, at lahat naman kami ay sinusundan siya ng tingin.
"Justine at Phil" tawag niya sa dalawa.
Napaharap naman ang dalawa.
Kinuha niya ang itim na box sa bulsa ng kanyang uniporme at kumuha ng kapirasong papel doon.
"10 laps sa buong quadrangle" malumanay niyang sabi bago tumingin sa dalawa.
"Pero Pres....." reklamo ni Phil.
"Break the rules or Be suspend?" Muli niyang sabi.
Wala nang nagawa ang galit na si Phil at padabog na lumabas ng classroom.
"Dumaan ka muna sa clinic bago mo gawin ang iyong parusa" sabi naman niya kay Justine.
Muli siyang naglakad habang nakatingin sa akin.
" Mukang wala ka talagang paki alam kung nagkakagulo na dito Secretary Kio" panimula nya habang may ngiti sa labi niya ng makarating sa harap ko.
Ang lahat naman ay nagsipag upuan na sa upuan nila at ang iba ay may iba't ibang agenda na naman.
"Kararating ko lang" depensa ko, kahit na ang totoo ay wala talaga akong pakialam kung magpatayan sila.
"Sabagay,hindi na bago." Muli niyang sambit bago umalis sa harap ko at naupo sa tabing upuan ko.

Class President Has A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon