Part title

18 1 17
                                    


"I was cleaning my house yesterday and there was so many stuff I needed to throw away. We all have something like that. Since I don't need them anymore, I was thinking if I should just get rid of them. But feelings are a strange thing. Once I remembered the memories associated with those items, I couldn't bear to throw them away so I ended up putting them all back in the drawers. Even though I know that I won't look through them again and knowing that it would be smart of me to get rid of them." This realization from the main character in the movie kept bugging my mind. As if it is a song that made me feel LSS.

Kaya eto na naman ako ilang taong paulit ulit ang routine. Walang sawang nanonood ng mga movies and web series na nakakarelate ako tuwing day offs ko sabay iniiyakan ang laptop or phones dahil tagos sa dibdib ang mga linya. Recently lang pinapanood ko ang W. H. Y. (What Happened to Your relationship) kasi tungkol sa break up and first love saka sudden goodbyes nang walang signs of love quarrels or misunderstandings. I really love this web series. Super good ! Binibigyan nya ako ng alibi sa mga nakakahuli sa aking umiiyak habang kumakain.

Kadalasan ko nang litanya ang
"Nakakaiyak kasi ang episode na to eh heart breaking". Palusot ko na lang sa mga di nakakaalam na may pinagdadaanan ako.

Madalas ko ding hirit sakanila ang isa pang  linya galing don sa pinapanood ko kanina. Tumayo ako bigla sa lamesa sabay bigkas ko sa harapan nila gamit ang poetic with mangiyak iyak tone :
" When you have something you should throw away but you can't losing it is the best option because I can't yet imagine the day I'll throw everything away with my own hands."

Hay ewan ko sayo , sabay make face ng mga kaibigan ko. Ang talino mo at ang seryoso mong tao pero may emotional side ka pala at medyo silently iyakin.

Natatahimik na lang ako bigla sa tuwing tinutukso nila ako. Sabay ngiti ng hindi umaabot sa mata dahil ayaw kong magpahalata. Alam kong pansin nila pero takot lang silang magtanong kasi kilala nila ako. Alam nilang di ko kakayanin pag nagshare ako. At nagpapasalmat ako sa concern nila at kung gaano nila kagaling pumili ng approach kung paano nila ako macocomfort kahit pa hindi nila alam ang exact reason. They are there to support me and make me feel better .

Pinangako ko sa sarili ko na balang araw pupuntahan ko mga lugar na nagpapaalala sa akin at sa mga alaala nya para alamin kong wala na ba talaga. Kaya naman today, nandito ako ngayon sa Paris to celebrate my birthday. First year na wala ka. Unang taon na di ako dumalo sa kaarawan mo, ganon ka din sa kaarawan ko. Unang taon na mag isa akong naglagay ng "Lovelocks" sa Pont des Arts foot bridge. Dahil sa apat na taong break tayo kinailangan nating magkita twice a year to celebrate our birthday with our closest friends ,who knew that we were engage, para magpanggap na tayo pa . Tatlong taon na pinipilit kong magmukhang masaya sa bawat pagkikita. Sa loob ng tatlong taong pagpapanggap at pagtatago, marahil ramdam mo na , na di ko na kayang ipagpatuloy pa. Kaya sa taong ito, na ikaapat na sanang taon, nagpapasalamat ako at tinapos mo na. Hindi ko alam kung pano at kailan mo ipinaalam sa kanila, sana naman naipaliwanag mo nang mabuti.

Masaya akong nakangiti ngayon, hindi dahil alam kong patago mo akong pinagmamasdan sa malayo habang unti unti kong tinutupad mag isa lahat ng mga pangarap natin sa lugar na to, pero dahil nakaya kong puntahan lahat ng mga venues na nasa listahan ng ating pre and post wedding bucket list. Salamat narin dahil nakikisabay ka parin palang nagcecelebrate sakin at naalala mo parin pala ako kahit wala nang tayo pero sana tumigil kana. Huwag mo nang gawin to para parusahan ang sarili mo sa mga kasalanang nagawa mo sakin.

I am now so happy that I am able to walk lightly towards these places that I kept avoiding for the past 4 years of my life. It's been 4years babe. Masaya ako dahil alam kong okay na ako. Malaya ko nang napupuntahan lahat ng mga lugar na nagpapaalala sa atin,sa mga masasayang alaala ng katagang "tayo" . Wala nang bakat ng lungkot sa tuwing nakikita ko Ang Eiffel Tower kung saan pinangako mong uulitin mong magpropose sakin bago ng takdang araw ng ating kasal. Di na ako umiiyak sa tuwing nababanggit ng mga kaibigan mo ang pangalan mo at sa tuwing nasasali sa usapan kung paano tayo kaideal at gaano tayo kasweet at perfect couple non sa mga occasions kasama mga mutual friends natin. Hindi na ako naiilang sa tuwing nakakasalubong ko sila. Lalong hindi na ako umiiwas sa mga birthdays and reunions pag may nagyayaya. Aaminin ko namimiss parin kita pero wala nang pait at sakit sa dibdib sa tuwing naaalala kita. Napapailing na lang ako at napapangiti sabay waglit ng mga alaalang yon sa isip ko. No more what if's Lexine. Take a grip to your hope and spend the rest of it for someone new . Ayon na naman ang paalala ng utak ko.
Tama okay na ako. Okay nang makinig sa paalaala ng utak ko dahil napagod na ang puso ko sa pagiging bossy sa pagde-decide on how to deal with my broken heart. Napuntahan ko na nga mag-isa lahat ng places na nabanggit sa movie na "Where Do Broken Heart Goes" eh .
Tang-ina gumastos lang ako ng pagkalaki laki sa Italy, Baguio at Sagada para lang umiyak at magkanda wala wala kasi di gumagana google maps ko sa liblib na mga lugar.

Simula nong nacall off ang wedding bago pa ipaalam sa aming magulang nagdecide na syang pakasalan ang ex nya nang biglaan. Okay naman kami. Walang naging away at problema pero bakit humantong sa ganon? Kaya ganon na nga lang ang trauma at ingat ko pagdating sa pag ibig. Not until someone is constantly sending me "Poke" sa Fb.
I got bored and make patol to his message just to entertain myself. And here goes the trouble... I gave myself a chance to know him better by making him my "breather". Total di naman nya talaga ako kilala kaya I am free to tell him all my frustrations , anger and sadness. Yeah, you heard it right, he is my breather . My silent freedom wall where I can write whatever I want to say. He is right now my comforter. Maybe you are asking where he really stands in my life , I don't know . Let's find out . Only God knows what's his role in my story.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fading Love Or HateWhere stories live. Discover now