Malayang Pagsusulat

209 4 0
                                    

Pilipinas - isang bansa na noon ay walang pangalan, walang sinumang nag mamay-ari. Hindi paman ako nabuhay sa panahon kung saan nagsimula ang storya, ngunit ako ngayon ay mag sisimula ng bagong tanong kung saan masasagot n'yo ito ng madalian.

Ano na ba ang nangyayari sa ating bayan?

Sa panahon ng mga kastila, ako'y nagpakatatag sa pagsulat ng mga storyang makakapukaw sa inyong mga damdamin. Ako'y nag-aral at nag tapos, nag sulat at nag sakripisyo. Sa tingin ninyo, sino ako?

Sa aking mga nasulat na kwento, maraming Pilipino ang nag tamo ng pag-asang sila'y makakalaya pa sa himagsik na dala ng mga banyagang akala mong sinong umaangkin sa kung saan ay atin.

Bumalik ako sa Europa upang magpatuloy sa aking sinimulang aklat. Ikalawang atake sa aking sandatang pakpak na panulat ang aking dala ng ako'y bumalik sa inang bayan.

Sa mga nasabi ko sa aking libro, maraming tao na naman ang nasugatan dahil sa katotohanan na hindi nila ni minsan man ay itinama.

Pinaglaban ko ang Pilipinas, ang aking inang bayan, laban sa mga dayuhan hanggang kamatayan.

Ako ang nag simula ng unang hakbang tungo sa kapayapaan at kaligtasan ng ating bansa.

Isang daan at dalawamput tatlong taon na ang nakalipas mula noong ako'y namatay. Nilisan ko ang aking bayan at namuhay ng mapayapa sa lugar ng mga bayani at kapwa Pilipino na nag buwis ng buhay para ipag-laban ang lupalop ng angkan.

Isang araw, ako'y nag lalakad sa daan at nakita ko ang mga kapwa kong Pilipino sa henerasyon ngayon. Mga sanggol na namatay ng walang kamalay-malay. Mga batang namatay na hindi naranasan ang pagmamahal ng magulang. Ako'y nagtaka at napahinto sa aking paglakad. Ano na nga ba ang nangyari sa ating bayan?

Nagpasya akong bumaba at bumisita sa aking kinagisnang istado.

Dahan-dahan, ako'y nasaktan. Parang may limang daang bala ng baril ang tumama sa aking dibdib. Ako'y napaluhod at umiyak sabay sigaw, "Ina, anong ginawa nila sa'yo!!?" Ngayon ay na bigyan ng sagot ang mga tanong ko.

Nagpatuloy ako sa paglakad at nakita ko ang aking monumento. Ito'y nakatayo at nagsisimbulo ng kalayaan sa bansa ngunit narinig ko sa batang paslit ang kanyang tanong. "Mommy? Who are those people standing with weird swords and shields? Are they the new features of Mobile Legends?" Ingles man ang kanyang mga salita ngunit naunawaan ko ito ng lubusan.

Mga basura ay nagkalat dahil sa mga taong kain ng kain, bili ng bili, ngunit hindi man lang minsan nirespeto ang lugar ng mga taong nag-tanggol sa kanila.

Nakita ko ang mga binatilyong binigyang ng pagkakataon na makapag-aral ngunit nandito sa pasyalan, nag-iinuman at muntik ng nanggahasa. Nakita ko ang mga magulang sa may ilog kasama ang kanilang anak na naliligo. Ngunit laking gulat ko na ang binibigyang pansin ng kanilang tatay ay ang manok na dala dala. Sinusumbatan ang anak magmadaling maligo at siya'y maylalakarin pa. Kinuha ang tabo sa kamay ng paslit at pinaliguan ang may pakpak na halimaw na sumisira sa mga pamilya ngayon. Hindi ako makapaniwala ng hinablot n'ya ang kanyang anak na lalaki na ang idad ay apat. Pinaliguan n'ya ito ngunit sinusumbatan kung bakit ang bagal n'yang matapos. Tinanung pa kung bakla ba ito.

Pagdating ko naman sa may kalye, may crimen na nangyari. Ayon kay Ale, may isang binatilyo raw na pinatay ang kanyang ina sa luob ng kanilang bahay dahil hindi ito binigyan ng pera. Ang rason sa likod ng bata, droga.

Nakita ko ang mga taong nagsasabing naglilingkod sila para sa bayan. Ngunit ang mga bulsa ay parang baluarte ng mga nilalang na papel na isa rin sa dahilan kung ba't may pagnanakaw na nagaganap.

Ang mga kabataan ngayon ay hindi na marunong mag mano, kahit mag bigay respeto sa mga nakakatanda. Po, at Opo.

Bigla ako napaisip, ako no'oy nag wika. "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Ngunit ngayon, parang gusto ko nang bawiin nag lahat ng iyon.

Marami akong naririnig na mga kabataan na hindi na marunong magsalita ng Filipino. Parang sila mismo ay mga banyagang isinilang sa Pinas. Paano ba naman, mismong asignaturang Filipino at Pampanitikan ay hindi na isinali sa pangunahing aralin sa mga kolehiyo ngayon.

Nabalitaan ko rin galing sa mga hangin, na mismong mga kadugo nating pilipino, mga itinuturing nating kapatid, ay sumusulong para sa sariling intensyon.

Ako ngayon ay napaluhod. Ang mga pangyayaring ito, ay ilan lamang sa mga nangyayari ngayon. Ang aking luha ay tumagas muli. Samo't saring emosyon ang aking nararamdaman. Nakaraang paligid ay biglang naisipan, ipinaghambing ang nakaraan, at mismong ako ay nasabing sayang.

Kung nanito rin lang ang mangyayari, sana'y noon hindi nalang nag buwis ng buhay. Inang bayan, ikaw ay aming pinagtanggol ngunit anong ginawa ng mga kapwa kong Pilipino?

Pinagtanggol ko, ngunit ginahasa n'yo.

Dahil sa makabagong teknolohiya, unti't unti namamatay ang layag ng buhay kalikasan. Nilalason ang ilog at karagatan, ngunit pinapatay n'yo rin ang inyong sarili sa inyong kinakain.

Gayon paman, ako parin ay naniniwalang ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit kaailangan nating magbago para sa ibabubuti ng ating kinabukasan.

Ako si Jose Rizal, at simula ngayon, patuloy kuna kayong gagabayan tungo sa magandang kinabukasan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinagtanggol Ko, Ginahasa Niyo (Manila Encounters) Where stories live. Discover now