Chapter One

3.2K 85 0
                                    

The Beginning:

"Jonaru, pwede ka ba ngayon? Samahan mo naman ako sa mall, may bibilhin lang ako. Please.." pilit ni Lorelei. Kaibigan ko siya at maraming lalaking nag kakagusto diyan dahil sa ganda niya. Kakatapos lang ng klase ko at gusto ko rin namang mag-gala kaya pumayag na rin ako.

"Uhmm. Cge ,basta libre mo ko ha." Sabi ko sabay ngiti.

"Yaman yaman mo pero puro ka libre. Pero sige ba, salamat!". Sabi niya at tuwang tuwa siya.

Nag ayos na kami ng gamit at lumabas na kami ng school. Hindi na ako nag text sa driver namin at ginamit nalang namin ang kotse ni lorelei, papunta sa mall.

Btw, ako nga pala si Jonaru Hizarrano. Masasabi niyong masyado akong mayaman pag tinignan mo sa malayuan, pero yun yung sabi nila, hindi nga ako naniniwala eh.

Pero sabi ni Lorelei na halata daw sa pag lalakad ko na disente daw akong gumalaw at kung paano ako kumilos ay masyadong disente rin. Nakung titignan daw parang walang kasalanang nagagawa sa buong buhay.

19 yrs old na ako at isa akong, alam niyo na, bakla. Hindi ako nahihiyang aminin yun dahil doon ako masaya. Pero kahit bakla ako marami parin na humahanga sakin na mga babae. Kadalasan panga naririnig ko sa kanila eh.

"Kahit bakla ka Jonaru wala akong pake basta may crush parin ako sayo!"

Pero siyempre hindi mawawala yung mga halpok na babae at kung anu-ano ang pinagsasabi tungkol sakin dahil sa inggit.

Maputi ako at tama lang ang laki ng katawan ko. Konting muscles pero tama lang para hindi mo masabing brusko ako. Hindi rin ako katangkaran at tamalang ang aking height.

Kararating lang namin ng mall at
bumaba na kami sa kotse matapos makapag park.

Ilang oras ang lumipas at kakatapos lang naming bumili ng gamit. Kaya pala nag yaya si Lorelei, dahil gusto niya daw bilhan ang mama niya ng gift dahil birthday na nito..

"Jonaru salamat dahil sinamahan mo ko. Next time, pag ikaw naman ang may kailangan tawagan mo lang ako at tutulungan kita." Sabi niya at ngumiti.

"Welcome. Okay lang na nagpasama ka. Bored narin kasi ako eh tsaka gusto ko rin bumili ng bagong damit para kay mama at papa." Sabi ko at tinaas ko pa ang hawak kong paper bag para ipakita sa kanya.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang may bumangga sa amin na isang lalaking naka-cup at salamin.

"Aba!, Bastos yung lalaking yun ha!" Nangigigil na sabi ni Lorelei.

"Magnanakaw! Tulungan niyo ko ! Kinuha niya wallet ko!"

Napabaling ako sa likod at nakita kong tumatakbo ang isang babae na may buhat buhat na anak. Nasa 3rd floor kami ng mall at kitang kita kong tumatakbo yung magnanakaw.

"Jonaru satingin ko, kailangan mo siyang tulungan." Sabi ni Lorelei.

"Pero masyadong maraming tao." Sabi ko pero napabaling ako sa babaeng kasalukuyang hinahabol ang magnanakaw at nakita kong umiiyak na siya at ang bitbit niyang sanggol.

Nakonsensya naman ako at tinignan pa ako ni Lorelei na parang nag sasabing "Anu na ??"

"Takpan mo ko. " Sabi ko at agad namang ginawa ni Lorelei.

Naramdaman ko namang nag bago na ang kulay ng mata ko at tinignan ang magnanakaw na kasalukuyang nagmamadali sa pagbaba sa escalator ng mall.

Medyo sumakit ang ulo ko dahil masyado siyang malayo pero hindi ko tinantanan ang tingin sa kanya. At ng maramdaman ko na konektado na ang katawan niya sa isip ko ay agad kong minanipula ang kanyang katawan.

School For Peculiar PersonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon