North Star

7 0 0
                                    

A/N: This story is not perfect. it has some typographical and grammatical errors.

North star
written by: Alexander Rogue Fernandez (brightest_star09)

Wearing my pajamas and white shirt, lumabas ako at naglakad papuntang 7/11. gamit ang earphones ay pinatugtog ko ang kantang your song by Parokya ni Edgar.

Alas-dose na ng hating gabi kaya ko-konti nalang ang nakikita kong tao sa daan. ang ilan sa kanila ay pauwi galing sa trabaho at ang ilan ay pauwi galing sa gala.

pasalamat lang talaga ako dahil tahimik na lugar ang Sta. Fe, kung hindi ay hindi na ako maglalakas ng loob na lumabas.

nang makarating ako sa 7/11 ay dumeretso ako sa vending machine para bumili ng inumin at binayaran ang isang sandwich sa counter.

"Salamat." walang emosyong sabi ko sa kahera, tumango lamang ito at ngumiti. ang weird lang kasi medyo maluha luha siya, pero nang sulyapan ko ang cellphone niya bukas iyon at may isang video na naka-pause.

tumango ako at nagkibit balikat nang mapagtantong nanonood lamang siya ng palabas, sabagay wala naman akong pakealam sakanya.

ang totoo ay wala naman talaga akong gana kumain, hindi rin naman ako gutom kahit pa magtatatlong araw na akong walang kain.

lumabas ako ng 7/11 at naglakad papunta sa likod na kung saan matatagpuan ang napaka payapang dagat.

umupo ako sa bench at ipinatong doon ang binili kong Iced coffee na vanilla ang flavor atsaka binuksan ang sandwich.

napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang payapang dagat habang yinayakap ako ng napakalamig na hangin.

binuksan ko ang cellphone ko at pinalitan ang tugtog. bago ko ito muling patayin ay kinunan ko muna ng litrato ang isang lamppost at pinost sa IG.

Tell me where I can find my north star?
tell that it is not too far.
I need it, I need my Polaris,
I will find it, I will find my happiness.
Tell my Polaris to bring me back home,
Tell my Polaris that I don't wanna be alone

Kakainin ko na sana ang sandwich ng may lumapit na aso, nakatingin ito sa sandwich na para bang gusto niyang humingi.

nilapitan ko siya at sinapo sapo ang makakapal na balahibo niya, may tag pa ito na siyang patunay na hindi ito asong gala.

malaki itong aso at mabalahibo, ni minsan ay wala akong nakitang asong kalye na ganito.

"Hey, saan ang amo mo?" Tanong ko dito, kahit pa alam kong hindi naman iyon sasagot.

"Steve." basa ko ng tag niya, "Hi, Steve. nasaan ang amo mo?" tanong ko pang muli habang sinusubuan siya ng sandwich.

napangiti ako ng bahagya, ngiting hindi naman umaabot sa mata.

inakap ko ang aso na para bang isa itong tao at bumitaw rin matapos ang ilang sandali.

nang maubos ang sandwich ay bigla iyon tumakbo palayo, ayoko namang habulin. baka bumalik na iyon sa amo niya.

wala na akong pagkain, 'di bale 'di naman rin ako gutom.

Tatlong oras ang nakalipas ay ubos na ang iced coffee na binili ko, paunti unti ko itong ininom dahil 'di ko magawang ideretso, wala talaga akong gana.

matapos ay agad rin akong umalis upang maglakad muli pabalik sa apartment ko.

habang naglalakad ay hindi ko alintana ang dilim ng nilalakaran ko, magkakalayo kasi ang mga lamppost kaya medyo madilim. nasasanay na rin ang katawan ko sa lamig na yumayakap sa akin.

North Star (ONE SHOT)Onde histórias criam vida. Descubra agora