Prologue

7 3 0
                                    

Ilang araw na lang at malapit na ang completion day! Sa wakas! Matatapos ko na rin ang Junior High School days ko.

Makakapag completion ako nang hindi iniisip ang mga balance ko sa aming sinking fund. Jusko! Sa laki ba naman ng babayaran ko dun!

Hindi ko na rin iisipin ang research paper namin na parang hindi nabigyan ng sapat na atensyon! Paano ba naman kasi, ang daming mga eklavu na extra curricular activities sa school, paniguradong mahihirapan talaga akong magkaroon ng sapat na panahon upang ipagbuti pa ito.

At ito pang responsibilidad ko bilang panganay sa bahay. Kailangan kong alagaan ang aking kapatid kasabay pa nito'y ang kalinisan sa aming bahay!

Naku! Naiistress ang bangs ko!

Kaya't hindi na talaga ako makapaghintay na magbakasyon at matapos na ang klase!

Ngunit nang dumating ang taong ito'y parang gusto kong bumalik muli sa umpisa...

Hiniling kong sana'y noong una pa lang ay nakilala ko na siya... ay teka mali.. SILA pala!



AN : heyo wassup! bagong katarantaduhan na naman ang nagpagising sa aking diwa at nagudyok sa akin na gumawa ng panibagong storya 😂 naway patnubayan ako ng diyos at nang matapos ko ito sa madaling panahon! aja! wag niyong kakalimutan na basahin rin ang ibang storyang akin ring nilikha! Salamat! ♥ xxB

Sucker PunchWhere stories live. Discover now