1

16.8K 205 2
                                    

Isang Linggo na ang nakalipas simula ng umamin ang dalawa sa kanilang nararamdaman. Alam narin ng parents ni Jema ang nangyari sakanilang dalawa at tuwang tuwa naman ang tatay nito. Si Deanna naman pinaalam narin niya sa parents niya at hindi na sila makapaghintay na makita si Jema.


"Ano ba yan Deanna! Yan ulit! Ilang beses na yan! Paulit ulit nalang!!"


"Tsk! Shut up!"


"Abat ginaganyan mo ko?! HOY DEANNA WONG! Ipapaalala ko lang sayo na..."


"I said SHUT UP!!!"pagsigaw ni Deanna kaya natahimik nalang si Jema







Isang oras na mula ng sigawan ni Deanna si Jema at ito nakakulong lang siya sa kwarto niya iniisip kong bakit nagawa yun sakanya ni Deanna. Hindi parin pumapasok hanggang ngayon si Deanna kaya kung ano-ano nalang ang sumasagi sa kanyang isipan. Napabalikwas siya ng makarinig siya ng isang katok sa pintuan ngunit tumulo nalang ang luha niya dahil si Mafe ang nakita niya at hindi ang taong bumabagabag sakanya.


"Oh! Anong iniiyak iyak mo dyan?!"


"Si Deanna kasi sinigawan ako kanina"


"Oh tapos? Iyak ka na non?"



"Ayoko ng sinisigawan ako. Ang sakit kaya!"




"Yan kasi, yan ang napapala ng mga taong ayaw manahimik."



"Alam mo kong wala kang magandang sasabihin umalis ka na!"



"Alam mo ikaw ate OA mo rin eh no? Panong di ka sisigawan nong tao eh ang kulit kulit mo!"




"Anong makulit dun? Sinuway ko lang naman siya dahil paulit ulit nalang siya, nakakasawa rin kaya ang ganon. Kabisado mo na lahat tapos siya ayon tutok na tutok na parang first time niya."



"Eh sa masaya siya don, baka nga mas masaya pa siya don kaysa sayo eh"




"Pag yun di pa tumigil talagang idedelete ko yang pinapanuod niyang yan! Paulit ulit nalang pag nanonood siya di na niya ako kinakausap. Kabisado ko na nga lahat ng mga sinasabi nila dyan samantalang siya kong makanuod akala mo first time"



"Nako ate yan ang huwag na huwag mong gagawin kong ayaw mong mapalayas ng wala sa oras dito sa bahay"




"Tignan lang natin kong hanggang saan ang tapang niya. Ako pa ba? Si Jema pa ba? Nako di ako magpapatalo Mafe"




"Baka nakakalimutan mong bahay niya to? Alam mo ate kasi ganito yan, pag yan nakaconcentrate sa pinapanuod niya huwag na huwag mo siyang guguluhin at talagang sisigawan ka nyan. Kung ako lang ang tatanungin mo ate sanay na sanay na ako kay Deanna kung tutuusin nga mas masungit pa yan sayo may pagkachildish lang talaga yan minsan. Kailangan mong intindihin ate na yang manliligaw mo hindi pa masyadong mature yan kaya ikaw bilang mas nakakatanda kailangan mo siyang intindihin."



"Haba ng sinabi mo, kailan ka pa nagkaroon ng ganyang pag iisip ha? Pero mali naman ata na ako ang umintindi wh ako tong nililigawan.




"Simula nong nanligaw si Sheena sakin, always niyang nireremind sakin na dapat give and take kaming dalawa na dapat fair kami sa isat isa. Kung san masaya yung isang dapat isupport nong isa para ang ending maging masaya kayong dalawa"





"Eh kasi nakakainis kaya si Deanna dahil lang don sisigawan niya ako. Ang imature masyado para siyang fetus nakakainis."



"Fetus na mahal na mahal mo?"


"Oo naman sobra."


"Nga pala kaya ako pumunta dito para tawagin kang kumain. Ayaw ka kasing tawagin ni Deanna alam kasi niyang galit ka sakanya at natatakot siya sayo"


"Pagkatapos niya akong sigawan sa tingin nya matutuwa ako sakanya? No way manigas siya"


"Huh?! Yan kayo sa pride eh! Di palang kayong dalawa pataas na kayo ng pride! Mas mabuti pang basted nalang siya kaysa sa ganyan kayong dalawa!"





Inutusan naman ni Mafe na mag ayos ito ng sarili niya para di malaman ni Deanna na nag emote siya. Nang matapos siyang mag ayos ay agad naman silang lumabas para makakain na. Ngunit di naman nila nakita si Deanna sa dinning table.

"Manang nasan po si Deanna?"tanong ni Jema



"Wala po ba siya sa kwarto niyo? Kanina kasi nasa pinto siya akala ko pumasok sa loob"




"Shit Mafe mukhang narinig niya tayong dalawa"




"Hayaan mo na yun, baka nagpalamig lang ng kanyang ulo, babalik rin naman siya mamaya di ka non matitiis."

Finally It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon