DAHAN - 81 -

350 29 0
                                    

Nagsimulang maglakad si Ion kasama si Nanay Zeny papunta sa altar.

Nang marating ni Ion ang altar ay huminga siya nang malalim. Pinoproseso niya pa ng maigi ang nangyayare sa utak niya.

Eto na ba talaga yun? Talaga bang natutupad na yung pangarap ko? Sabi ni Ion sa utak niya.

Ang entourage ay patuloy lang habang si Ion ay paminsan minsang ngumingiti sa mga pumapasok. Mas marami ang bilang ng pagtingala niya dahil hindi pa man niya nakikita si Vice ay naiiyak na siya.

Ganto ba talaga yung pakiramdam kapag ikakasal ka na sa taong talagang pinangarap mong ikasal ka? Tanong ni Ion sa sarili.

Nang makita ni Ion na isa isa nang nagsisipasukan ang mga kapatid ni Vice ay umayos na ito ng tayo, muli siyang huminga nang malalim para tuluyang ikalma ang sarili.

Nang makapasok ang lahat ay isinara ang pinto ng simbahan at nagsitayuan naman ang mga kaninang nakaupo.

Si Ion ay hindi inaalis ang kanyang tingin sa pinto, hindi na siya makapag-antay na makita si Vice.

Hindi nagtagal ay unti-unti ring nagbukas ang pinto at ngayon ay tanaw na tanaw na ni Ion si Vice at ganun din ang isa.

Awtomatikong napangiti si Ion sa nakita pero mas nangibabaw ang luha niya lalo na noong unti unting maglakad si Vice papunta sa kinatatayuan niya.

Mabagal ang paglakad nito at paminsan ay lumilingon sa paligid upang batiin ang mga nandoon. Pero nang marating niya ang gitna ay hindi niya na inalis ang tingin niya kay Ion.

“Oh my gosh…” mahinang sambit ni Vice habang pinipigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

Napakagat si Ion sa labi niya upang pigilan ang mas maraming luhang nagbabadya na naming tumulo.

“Kalokaaa” sambit ni Vice nang malagpasan niya sila Jhong at tuluyang makalapit kay Ion.

Saglit nilang tinitigan ang isa’t isa.
“Hi…” bulong ni Vice. Nanginginig ang boses nito dahil sa kanina niya pang pagpigil sa iyak niya.

“Hi, miss… is” natawa silang pareho at saka naghawak ng kamay at sabay na humarap sa altar.

---

“Do you, Benigo Dungo Perez, take Jose Marie Borja Viceral to be your wife, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor her, to love her faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with her this day?”

Ngumiti si Ion. “I do.”

“Do you, Jose Marie Borja Viceral, take Benigno Dungo Perez, to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?”

Pabirong tumawa ng pabebe si Vice kaya naman nagtawanan ang lahat.

Pero agad din siyang nagseryoso ngunit ang ngiti sa kanyang labi ay nandoon pa rin.

Saglit niyang tinignan si Ion at saka nagsalita. “I do.”

Huminga nang malalim si Vice bago itapat ang mikropono sa bunganga niya.

“Ion, we both know that this relationship was never easy… Kahit na kailan at kahit saang anggulo mo tignan, walang naging madali at agad na nabigay sa relasyon nating dalawa” pumiyok si Vice kaya saglit siyang napakagat sa labi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now