#1

6 1 0
                                    

Lyra Jean Delos Reyes

Nagmamadali akong nagbibihis.

Hindi ko alam kay Nanay Beth. Pinapadali ako.

"Hoy Lyra! Laksiha dida!" Sigaw ni Nanay Beth. (Trans: Hoy Lyra! Bilisan mo diyan!)

Napangiwi naman ako. Ginamit na niya ang language niya na hindi sinasabi sakin kung ano. Pero naiintindahan ko naman.

-___-

"Opo Nay!" Sigaw ko pabalik at mabilis na nagbihis.

Pagkatapos non ay bumaba na ako. Baka hambulusin ako ni Nanay Beth ng tsinelas 'pag hindi pa ako bumaba.

Harsh talaga ni Nanay Beth.

-___-

Pero mabait naman. Hehehe.

Dumiretso na ako sa hapagkainan. Pero palapit palang ako ay naririnig ko na ang ingay ng mga pinsan ko.

Grabe, wala ba silang bahay at dito pa kumain?

Narinig ko pa ang pag-aaway ng kambal at mga tawa ng pinsan ko.

Pumunta na ako doon at umupo na. Hindi ata ako napansin.

Bahala sila. Tsk.

Nakinig nalang ako sa away ng kambal kong pinsan.

"Jhonna, alam mo naman na mas cute si Pikachu kesa kay Snorlax."

"Johann, alam mo naman na mas cute si Snorlax kesa kay Pikachu."

"Hindi ako makakapayag! Mas cute si Pikachu!"

"Hindi rin ako makakapayag! Mas cute si Snorlax kesa kay Pikachu!"

"Mas cute nga si Pikachu!"

"Mas cute nga si Snorlax!"

"Si Pikachu nga!"

"Si Snorlax nga!"

"Pikachu nga!"

"Snorlax nga!"

"Pikachu!"

"Snorlax!"

"Tumahimik nga kayo!" Sigaw ni Janna. "Mas cute si Waddles!" Habol pa niya.

-___-

Akala ko naman ay ipapatahimik niya ang kambal. Ginatungan pa niya.

Bwiset.

Tumawa naman ang iba kong pinsan. Mabuti pa si Lily, ang tahimik. Tumitingin lang sa kanila pagkatapos non ay yumuyuko na. Pero weird lang siya.

Masanay nalang kayo na ang tahimik niyan.

Ngumiwi naman ang kambal.

Napairap naman si Jhonna. "Yucks! Si Waddles?! Eh, baboy yun!" Sabi niya.

"Eww! Baboy!" Gatong pa ni Johann.

Geez. Ang babaw naman ng pinag-aawayan nila. Mas cute pa nga ang mga care bears.

Sige. Makisali ka sa kanila Lyra-pot.

-___-

"Mataba naman sa inyong paningin ngunit cute pa rin!" Sabi ni Janna at bumangon pa galing sa upuan.

Nagpalakpakan naman ang mga pinsan namin.

Mga gago.

"Grabe! Nagbago na ang pananaw ko sa buhay dahil sa sinabi mo!"

"Sh*t! Nakaka-inspire ang sinabi mo Janna!"

"Nakaka-inspire talaga sa buhay ang sinabi mo Janna!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming YouWhere stories live. Discover now