stalker to each other(short story)

466 10 2
                                    

------------------------------------------------------------Stalker to each Other--------------------------------------------------

“kailan kaya magiging tayo?” bukambibig ko habang pinagmamasdan ko siya mula  sa malayo,nandito ako ngayon sa labas ng gym, nakaupo sa isang bench at pinagmamasdan siya habang nagdidrible ng bola , palagi akong nandidito at ito na ang naging  tambayan ko, lalo na pag vacant ako, ang mga  barkada ko, minsan lang sila tumambay dito, busy kasi sila sa lovelife nila, ako lang naman ang walang bf eh, NBSB ako, at isa pa, hindi ako nagbbf hanggat hindi lang din naman siya ang magiging boyfriend ko.kung hindi lang din naman siya wag na lang, tumanda na lang akong dalaga.sorry guys, choosy lang talaga ako.

*sigh*Kailan niya kaya ako mapapansin? Kailan niya kaya ako makikilala? Kailan ko kaya siya makakausap? Kalian ko kaya siya makakasama? At----------------kailan niya kaya ako mamahalin???kailan niya kaya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya?

Yan ang mga tanung na hindi ko masagot-sagot,  hindi ko alam kung hanggang kailan, Kung hanggang kailan ko siya mamahalin. Ewan ko ba sa tangang pusong to, este ako, ako tanga,ako mismo,bat kasi siya pa nakita ng mga mata ko, ayan tuloy, pati puso ko, tinamaan ,  tibok kasi ng tibok sa taong hindi man lang alam na nag –eexist pala ang isang tulad ko.

1st yr. Highschool pa lang ng magkacrush ako sa kanya.schoolmate ko lang siya, nasa 2nd section siya, samantalang ako sa 1st section.magkatapat lang classroom namin at sa kinauupuan ko, kitang kita ko siya sa bintana, hindi ko alam kung paano nagsimula yung pagkagusto ko sa kanya, ang totoo kasi niyan, malimit ko siya makita,pati sa imagination at panaginip ko nandun siya, and then one day, I realized na crush ko na siya,mali,! mahal ko na pala siya. Halos lahat at bawat detalye inalam ko sa kanya,ganoon naman diba pag crush niyo ang isang tao? Diba? Kaya lang ang sa akin, inalam ko ito ng palihim,ni walang nakakalam na may crush ako sa kanya, ni mga friends ko hindi alam,si lord lang at ako ang tanging may alam, Inalam ko ang lahat ng information about sa kanya,  facebook niya, kung may twitter ba siya o tumblr,  mga hobbies niya, schedule niya, kung saan ba siya pumupunta,kung sino girlfriend niya, kung ilan ba silang magkakapatid, mga favorites niya , favourite color,food, ,ang address nila, pati pangalan ng aso niya inalam ko, ganyan ako ka-obsessed sa kanya. Pati school at pinasukan niyang kolehiyo ay ginaya ko na rin , kahit hindi ko ito gusto. Pero talang mailap ang tadhana para saming dalawa, talagang talaga, as in, magkaparehas na nga kami ng course, pero di naman kami magkaklase, kahit sa isang subject, hindi ko man lang siya naging classmate. Ang saklap no? Hindi ko nga din maintindihan, sinundan ko naman siya ng nag enroll siya, at inenroll ko din pati subjects na kinuha niya, pero dun sa schedule, dun kami nagkaiba..

-_________- How rude, pero ok na yun, everyday ko naman siya makikita at mapapagpantasyahan, dahil nasa iisang school naman kami, palagi ko pa rin siyang makikita at masusulyapan..

Bat kaya hindi niya ako mapansin?mabait naman ako, friendly, Maganda  din naman ako, infact, ms. Enginering nga ako, ayoko sanang sumali sa pageant nun, pero dahil sa inisip ko na baka dahil dito makilala niya ako whhay not diba?, kaya ayun sumali pa rin ako, and guess what guys? yung banda nila kumanta nun sa pageant namin, kaya naman kahit papano, nagkaroon ang ng confidence at nanalo ako, .. haaay,,,,marami naman nagkakagusto sakin, kaya lang certified zander lang talaga ako. kay zander pa rin ako, kahit na 4 years na walang progress tong pag-ibig ko para sa kanya,,nakakahiya kasi, kung ako na mismo ang lalapit at sasabihin sa kanyang-------

“hi zander, crush na crush kasi talaga kita eh, pwede ba tayo maging friends?” o kaya naman"can you be my bf zander? matagal na kasikitang minamahal eh"Hindi naman pwedeng ganun, nakakahiya, at baka mas layuan ako ni zander, baka maturn off siya pag ginawa ko yun. parang obssess lang ang kinalabasan ko.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Sep 24, 2013 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

stalker to each other(short story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora