Debut

37 0 0
                                    


Saktong alas sais ng gabi magsisimula ang seremonya ng ika-18 na kaarawan ni Lianna at naandito na ako bago pa man pumatak sa oras ng pagtitipon.

pagod... pagod na pagod pa ang aking katawan at utak galing eskwela, pero sino ba namang makakahindi kapag ang nililigawan mo na ang humingi ng pabor

iba't ibang bisita na ang dumarating. Napupunan na rin ang mga bakanteng upuan, nadargdagan ang ingay, nadarama ko na mismo ang kaba at takot. Bahala na, 'ika ko sa aking sarili.

'Nasaan na kaya si Lianna?'

Siguro'y hindi pa tapos ang pagpapalagay nito ng kolorete sa mukha, kaya nagpasya akong itono na lamang ang dalang gitara.

maya-maya'y dumating na rin ang iba pa niyang kaklase, bitbit ang mga regalong panigurado ay malaki ang halaga.

ako? heto't bitbit lamang ang aking sarili para sa kaniya.

napapalibutan ako ng mga taong magagara ang damit, mamahalin, at di maipagkakailang bagong-bago ang mga ito.

'may panahon na ako naman ang magsusuot ng magagarbong damit tulad ng mga iyan'

ako? suot ko lamang ay slacks na pinagpasa-pasahan pa ng mga nakakatanda kong kapatid, lumang black shoes na pudpud ang sintas, at long sleeve na hiniram ko pa sa aking pinsan.

Wala e, sa hirap ba naman ng buhay, mas pipiliin mo na lang na bilhin ang pangunahing pangangailangan para mapagkasya ang pera.

"May we all stand for the prayer...."

ramdam ko na ang kaba noong nagsimulang magsalita ang emcee, few minutes from now, lalabas na si Lianna, isasayaw ko siya sapagkat isa ako sa 18 roses, at paglalahadan ng himig o "serenade" kung tawagin.

mas tumindi ang bilis ng tibok ng puso ko nang tumugtog ang entrance song, lumaki ang mata, halos lumuwa na kakatitig sa kaniya...

'payat, flat -chested, walang pwet, but one thing's for sure, napakagandang nilalang, God-oriented, Family-oriented, at music lover, tulad ko'

bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang suot, ang kaniyang buhok, mata, ilong, pisngi, labi, lahat, perpekto.

Iba talaga ang mahikang nagagawa ng make-up, sapagkat noong napatingin ako sa palibot, makikita ang reaksyon ng karamihan sa bisita, katulad nang sa akin.

tumigil ang pag-iilusyon ko nang maupo ang lahat. Habang si Lianna naman, may sarili upuan sa harapan.

itinaas nito ang kaniyang ulo at tila bang may hinahanap, at noong mahagilap niya ako, bigla itong ngumiti...

"my heart!!!!!'

ngumiti ako pabalik.

"Ayiiiiieeee"

sabay na sambit ng kaniyang mga barkada na kasama ko sa isang table sapagkat napansin nila iyon.

"baliw! tigilan niyo ko"
sagot ko

nagtawanan lamang ang mga ito.

"Bakit ba kasi ako pa ang napili niyang kumanta"

"Okay lang yan Enzo, tandaan mo, hindi lang kami ang manonood sa'yo, pati na rin whole family niya"
'ika ng isa niyang kaibigan

"So you better get yourself together bruh, at sungkitin ang puso ng Rodriguez family!"
dugtong naman ng isa

by that time, seryoso na ang lahat.

'Suportado ang mga 'to sa akin e.'

Habang nagsasalita ang emcee ay agad ko namang kinuha ang tubig na nai-serve sa table, kasi alam ko ako na ang kasunod.

pumunta ako sa bandang gilid ng entablado kung saan ko nilagay ang aking gitara.

kinuha ito at nilagay ang strap sa aking balikat.

wala akong background sa music o sumali sa workshops o guitar at voice lessons, at dahil lamang sa kahiligan ko nito, hindi ko lubos maisip na may magkakagusto.

"ready sir?"
tanong ng emcee

"ah, o-opo"
sagot ko sabay buntong hininga

kinuha ko ang mikroponong iniabot niya sabay lakad papuntang gitna ng entablado, binigyan ng ngiti si Lianna, mga kapatid, at magulang niya.

humarap ako sa audience.

nang nagsimula akong kumuskos ng intro ng kakantahin ko, tila wala na akong maramdaman na kaba sa dibdib, nakapagtataka...

wari'y sa pakikinig ko ng mga tonong nililikha ng aking gitara'y bumabalik ang lahat ng nakaraan.

nanlaki ang aking mga mata at ang tibok ng puso ko'y iba na, hindi na dala ng nerbyos, o katulad ng nadarama ko kay Lianna, kungdi tulad ng pagtibok nito sa nakaraan....

bigla na lamang may pumatak na luha sa mga mata ko, at para hindi mapansin ng mga tao'y, nagkunwari akong nasisilaw sa mga ilaw, sabay pahid sa mukha.

Celine... bakit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Long Lost LoveWhere stories live. Discover now