Cold Hearted 🔥 Vampire 1

12.3K 281 54
                                    

Brooke

She's Brooke Brinkley. Twenty six of age and she stood five seven. Only child of Brian Brinkley. Her mother? Wala. Sumama ito sa ibang lalaki nong bata pa siya. Her father started controlling her at a very young age hanggang sa magsawa siya. Kung noon, tinutulungan niya ang daddy niya sa pagpapatakbo sa kompanya nito. Ngayon, hindi na.

She was pissed because her dad's a control freak. Kahit anong gawin niya ay lagi siya nitong napupuna. She did her best when she's still studying pero ngayong nag-t'trabaho na siya sa sarili niyang kompanya. Pinagsasabihin pa rin siya nito na parang bata and she hated it!

He doesnt have the right to do that, for petes sake! She's old enough already to know what's good for her. Kung tutuosin, pwede na siyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Well, sorry for him kung hindi ito kailanman nakontento sa lahat ng achievements niya. She's not a kid anymore para sabihin nito ang dapat at hindi dapat niyang gawin. Matagal na siyang tapos sa pagiging pet nito.

All her life. Sinunod niya lahat ng gusto nito. She wanted to give her best para maging proud ito sa kanya but she never heard anything from him. Lahat ay pagiging dismayado o pamimintas. Lumayo na nga ang loob niya rito dahil sa hindi magandang trato nito sa kanya.

In exchange of that. Hindi rin naging maganda ang pakikitungo niya sa ibang tao. Na parang lahat ng hinanakit niya sa pang-iiwan sa kanila ng kanyang mommy ay binaling niya sa mga nakapaligid sa kanya. Aminado siyang mali iyon at hindi tama pero iyon na ang kinalakihan niya.

She's snob and cold hearted.

Wala siyang pakialam sa kahit sino maliban sa mga kaibigan niya na minsan ay nasusungitan rin niya. She's bad, she was sure of that but she couldnt change the way she is. At wala siyang pakialam sa opinyon ng ibang tao basta magawa niya ang gusto niya.

"Leave me alone, dad."

Kita niyang nagngalit ang mga ngipin nito sa kanya at tumalim ang titig nito. Hindi na siya natatakot hindi gaya noon na ayos lang na sinisigaw sigawan siya nito. She's not gonna let him do like that to her. She's not Brooke Brinkley for nothing.

Kung mabagsik ang ama niya. Tama lang na naging anak siya nito dahil dito siya nagmana.

Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"You know your way out Mr. Brinkley kung ayaw mong ipa-ban kita dito sa company ko. You don't come in my territory and demand things to me. Whatever we have in the past, burado na iyon sa hinaharap so don't act like we're close because.. we are not."

Dinuro siya nito habang namumula ang mukha dahil sa galit pero siya? She's acting cool like always. Hindi siya padadaig sa taong kagaya nito. Mas higit pa ang kaya niyang gawin kesa sa kahit sino at walang pwedeng umapak sa kanya. She's going to make sure that person will pay, big time.

"From now on. You are no longer my daughter!"

"I was never your daughter from the moment my mom left you or rather us. Hindi ka nagpakaama sa akin. I dont really care dahil kontento naman ako sa kung anong buhay na meron ako. Infact, I should thank you for making me heartless like you. In that way, kaya kong pagalawin ang kahit sino kagaya mo."

Mabilis itong nakalapit sa lamesa niya't sinuntok nito iyon. She just smirked at him na waring hinahamon pa ito. Kaya siya nitong saktan sa pisikal? Tignan lang niya kung saan ito pupulotin.

"How dare you!" Kitang kita niya ang litid sa leeg nito dahil sa sobrang galit.

She just crossed her arms at mas lalo pa itong napikon sa kanya. She could see that flare burning in his eyes and she matched it with her death glare.

"Are you done? Kung wala ka nang sasabihin Brian. Ngayon din, gusto kong lumayas ka't huwag na huwag ka ng babalik pa dito."

Ng ipatayo niya ang sarili niyang kompanya, kasabay non ang paglalayas niya sa bahay nila. She bought her own villa at doon na siya tumira. Hindi siya kailanman ulit tumapak sa pamamahay na iyon. It was hell with Brian Brinkley.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo Brooke!"

She stood up, still crossing her arms in her chest at taas kilay niya itong tinignan ng deretso.

"Ako ang taong walang pagsisisi, walang konsensya at maitim ang budhi. Pasensyahan tayo at nagluwal ka ng katulad mong matigas ang puso." Tumalikod siya rito. She inhaled at nakataas parin ang isang kilay niya.

Sasaktan siya nito? Go on. She can do better than that. Iyon nga ang ikinagagalit nito sa kanya because she could run her company better than he can. What could she say? Mas matalino siya kesa rito. Idagdag pang kasosyo niya si Max Hetri. Ang negosyanteng daddy ni Margaux Hetri.

She couldn't blame her father dahil nga nakuha niyang makipagsosyo kay Max Hetri na dapat ay dito. Noon pa man hangad na ng daddy niyang maging kasosyo ito sa negosyo pero tinanggihan ito ni Max Hetri at siya nga ang nakakuha.

Masakit mang isipin pero talagang doon ito nagagalit sa kanya. He doesnt like to admit to his own self that she's better than him, in any way.

She's on her own. And nobody dare to over rule her but only and only her own self at wala siyang pakialam kay Brian Brinkley.

Kung tinuturing siya nitong kaaway. She's going to treat him the same way. Fuck the family rules dahil simula noong una. Hindi sila naging pamilya.

"You will find someone who will destroy you one day, never forget that Brooke!"

She smirked kahit hindi siya nito nakikita dahil nakatalikod siya't pinagmamasdan ang mga building mula sa glass window niya.

"Kung merong kayang magkontrol sa akin Brian kaya ipanalangin mong may maligaw sa landas ko dahil sisiguradohin kong pagsisisihan din niya ang araw na nakilala niya ako."

Wala na siyang narinig pa mula dito maliban sa mga yabag nitong mabibigat. He's leaving, good! Narinig pa niyang binalibag nito ang pintuan niya pasara.

Wala siyang ginustong hindi pa nakukuha. She can play dirty kung madumi ring maglaro ang kalaban niya. Because she's Brooke Brinkley and she's the law.



____

No revision . Babalikan ko lahat ito para irevise . I just dont have the time kaya kung mixed ang words at may mga baliktad . pagpasensyahan na kesa pasensyahan sa update . Thanks babies 😘

I will take my time in writing this dahil last series na ito ng vampire . May reunion ang mga masusungit . AVA . MARGAUX . BRANDY and addition si BROOKE .

The Cold Hearted Vampire _Series 6 (Last Part Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon