Teaser

6K 162 4
                                    

Nagbago ang lahat sa buhay ni Charlene nang mahanap siya ng bilyonaryo niyang tatay, at kasabay sa pagbabago ng buhay niya ang responsibilidad na kailangan niyang yakapin. Kailangan niyang maging doktor para mapanindigan ang pagiging tagapagmana. Dahil sa high profile niyang buhay, bigatin din ang mga taong nakilala nila at naging kaibigan sa university.

Nakilala niya si Hunter, ang lalaking hindi nagpapakita ng emosyon, mas mailap pa sa tigre. Hindi siya pinatahimik ng curiosity at pilit dumikit sa binata. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya rito. Handa siyang gawin ang lahat mapaamo lamang ang mailap nitong puso, ngunit isang nakaraan nito ang pilit nagpapalayo rito sa kaniya.

Nakukuha na niya ang loob ni Hunter, subali’t isang desisyon ng daddy niya ang sisira ng lahat. Kailangan niyang magpakasal sa anak ng business partner nito, kay Rain Laurel na kaibigan mismo ni Hunter. Susundin ba niya ang daing ng puso, o iiwas na lamang sa komplikadong sitwasyon?

Taming His Elusive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon