C h a p t e r O N E: Ikaw?

139 6 0
                                    

         Ibinagsak ni Elton John ang kanyang katawan sa kama at tinitigan ang kisame. May inis at galit pa rin sa kanyang mga mata. Bumalik ang kanyang diwa mula sa pagmumuni-muni nang biglang nagring ang kanyang cellphone.

"Hello! Pasinghal na sagot ni Elton.

"El! Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ng lalaking nasa kabilang linya. Napahawak sa noo si Elton at minasahe ito.

"Sa tingin mo ayos talaga ako? Alam niyo kung dumating lang kayo ng maaga, sana di ako minalas" Sagot ni Elton.

"Sorry na. Pero, hindi mo ba talaga nakuha yung pangalan?"

"Hindi. Sige na, bro. Kitakits na lang bukas. Maaga ako papasok." Muling naalala ni Elton ang nangyari kaya bakas na naman sa kanyang mukha ang pagkainis.

"Nice one. Sipag sa first day of class. Sige na. Bye."" Ani ng kaibigan.

Napatingin si Elton sa orasan at bumuntong hininga. Panibagong school year na naman. Masasabi mong niloo-look forward niya ito, ngunit bakas sa kanya ang pressure. Pressure mula sa mga magulang na nage-expect sa mga achievements ng kanilang anak.

Kinabukasan. . .

Agad na inakbayan ni Maximus at Rafael si Elton nang pumasok ito sa kanilang classroom. Halata sa binata na di maganda ang gising nito.

"Okay ka na bro?" Tanong ni Rafael. Tumango at umupo sa bakanteng upuan sa pagitan ng upuan ng kanyang dalawang kaibigan.

"Ayos na. Move on na lang. As if makikita ko pa yung babaeng yun" Sagot nito.

Abalang nag-uusap ang magkakabarkada nang mapatingin sila sa may pintuan. Laking gulat na lang ni Elton at agad naman itong napansin nila Rafael at Max.

"Huy!" Tinapik ni Max ang kaibigan.

"Siya...siya yung babae?" Nauutal na sagot ni Elton.

"You mean? Yung sa bar?"

Napatango na lang si Elton. "Oo, di ako pwedeng magkamali. Bakit siya nandito?"

Sinundan nila ng tingin ang babaeng dumating. Umupo naman ito sa may bakanteng upuan sa harap na malapit sa bintana. Siya si Maddison. Isa siyang shifter mula sa business administration. Kasalukuyang kumukuha siya ng BS Psychology at ito ang una niyang semester sa bagong kurso.

Dumating naman agad ang kanilang professor sa una nilang subject at agad din itong nagpagawa ng activity ang ginrupo ang mga estudyante. Napanganga na lang si Elton ng tawagin na ng professor nila ang magkakagrupo.

"Seriously? Are you kidding me?" Napabuntong hininga si Elton at natawa lang sila Maximus at Rafael.

"Tadhana nga naman. Sadyang mapaglaro. Hoy Elton, in five minutes magmi-meeting tayo. Umayos ka." Sita ni Max sa kaibigan. Mayamaya, lumapit na si Maddison sa kanila matapos ituro niya ipagtanong sa mga kaklase kung sino ang mga kagrupo niya.

"Hello. Ako nga pala si Maddison. Maddie for short." Pakilala ng dalaga sa tatlo. Agad naman kinamayan ni Maximus ang kamay ni Maddie sabay nagpakilala at sumunod naman si Rafael habang si Elton ay nakatingin lang sa kanila. 

"Hoy pre. Ano na?" Ani ni Max. Nang mapansin na wala na sa mood ang kaibigan ay bahagyang natawa na lang ito.

"Pagpasensyahan mo na Maddie itong kaibigan namin. Siya si Elton. Medyo di maganda ang gising eh." Paliwanag ni Max at tinapik ang likod ni Elton. 

"Okay lang. Hi Elton." Masiglang tugon ni Maddie habang iniabot ang kamay sa harap ni Elton. Tinignan naman ni Max nang masama ang kaibigan at napilitan na si Elton na kamayan ang dalaga. 

"Magmeeting na tayo para matapos na to." Ani ni Elton. Ramdam na ni Maddison na tila di gusto ng binata ang presensya niya ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya ito. 

"Oo na. Yes, master. Ikaw na lang kaya leader namin?" Suhestiyon ni Maximus at tumango rin naman si Rafael. 

"Bahala kayo." Sagot ni Elton. 

Ibinigay sa kanila ng professor ang buong class period para sa kanilang meeting. Nang matapos na ito ay agad namang nagpaalam si Maddison sa mga kagrupo dahil pupunta na ito sa kanyang susunod na klase.

"Bro, mukhang mabait naman si Maddie. Parang di nga marunong manakit kahit lamok." Komento ni Maximus.

"Baka naman di siya yung nameet mo sa bar." Dugtong naman ni Rafael. Ngayon ay nagtataka at naguguluhan din si Elton dahil tila di siya namukhaan ni Maddison. 

"Imposible. Malay niyo nagpapanggap lang. She made a scene last night at dinamay pa ako. Ni hindi ko nga alam bakit siya galit? At in the first place, hindi ko siya kilala. Imposibleng di niya maalala mga pinaggagawa niya." Sagot ni Elton. 

*flashback*

  Hinihintay ni Elton ang dalawa niyang kaibigan ng bigla na lang may babaeng humablot sa kanyang braso at bigla siyang sinampal.

"WTF?!" Hinawakan niya ang kanyang pisngi at tinignan nang masama ang babae.

"Gago ka. Ako pa lolokohin mo." Ani ng dalaga at binigyan ng isang suntok si Elton sa kanang braso. Pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit wala pang pumipigil sa babae.

"What's wrong with you woman? I don't even know you." Pasinghal na sagot ni Elton. Pinapakalma na lang niya ang sarili dahil ayaw niyang patulan ang dalaga na tila lasing na lasing na. 

"Akala mo maloloko mo ako? Huh?! Pwes. Neknek mo!" Hinablot nito ang pinakamalapit na baso at tinapunan si Elton sa mukha. Bago pa man magreact si Elton ay dali-daling tumakbo ang dalaga.

*WTF WAS THAT?!*

*end of flashback* 

"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw yun, Maddison Dale Eusebio. Ipapaalala ko sa'yo ang kahihiyan na ginawa mo that night." Napatingin na lang si Elton sa pangalan ni Maddie na nasa index card na hawak niya.

.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No One Else But . . . You?Where stories live. Discover now