One Shot

39 5 0
                                    

“AGENT VENOM®”
–Jazmin Clavaton.

(Venom's point of view)

"Akin na lahat ng gamit mo."

Napahinto ako mula sa pakikinig sa kabilang linya ng hawak ko'ng telepono sa loob ng payphone malapit sa estasyon ng tren. Hindi ako gumalaw. Kunwari ay hindi ko siya narinig.

"Sinabi ng akin na lahat ng gamit mo. Ibigay mo sakin ang pera mo, mga alahas, pati na rin ang selpon mo." Pag-uulit niya.

Humawak siya sa balikat ko saka ko naramdaman ang bibig ng baril niya sa tagiliran ko'ng mainit-init pa. Napalunok ako hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa posibilidad na makapatay na naman ako ng tao.

"Sinabi ng! Akin na lahat ng gamit mo!"

Humarap ako sa kanya nang bitawan ko ang telepono'ng hawak ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Bakit?"

"A-ano'ng bakit? Hi-hinoholdap kita!"

Napairap ako sa sinabi niya. "Huwag mo'ng ubusin ang oras ko." Saad ko saka na lang siya biglang tumimbwang sa baba nang maiputok ko ang baril ko sa sikmura niya. "Tss." Hinipan ko pa ang bibig ng baril ko saka ko iyon binalik sa hip holster ko.
Hindi niya napansin ang pagbunot ko ng baril dahil kinakabahan siya. At dahil mabilis ang kamay ko, tss.

Muli ko'ng tinapat sa tainga ko ang nabitawan ko'ng telepono. "Ano iyong narinig ko'ng putok ng baril diyan?"

"Wala ka ng pakialam, Mc Arthy."

I heard him sighed. "Okay. Going back to our topic before you have clicked that trigger, kilala mo na ba ang target mo?"

"Oo. At gusto ko'ng dagdagan niyo ang ibabayad niyo sakin dahil hindi basta-basta ang tao'ng papatayin ko. Huwag ka ng magtanong kung sino, basta gawin mo na lang. Bago sumikat ang araw dapat ay na-transfer na sa account ko ang dalawang milyong dolyar, kung hindi… kayo na ang bahala sa tao'ng 'to."

"Ibang klase ka talaga, Venom. You're always making me captivated. But, don't worry… agad agad rin ay makakarating sayo ang karagdagang dalawang milyong dolyar sa account mo. Ang gusto namin, patayin mo ang lalaking iyan."

Sana nga ay mapatay ko ang tao'ng ito. Apat na taon na ako sa trabaho ko. Apat na taon na rin ako'ng pumapatay, ito pa lang yata ang pagkakataong kailangan ko'ng mamili.

"Oo. Give me two days and my target will vanish."

"Two days? Akala ko ba'y dalawang oras lang ay kaya mo'ng tapusin ang tao'ng iyan?"

"Huwag mo'ng pangunahan ang istilo ko, Mc Arthy. Kung ikaw kaya ang patayin ko?"

"Okay, sige na. Bahala ka."

Natapos ang pag-uusap namin kaya napagpasiyahan ko nang umuwi na sa bahay. I was tired. And now, I am tired again after seeing them inside my house."Maxx!" Halos sabay sabay silang lahat na nagsigawan matapos ako'ng makita.

Bakit ang saya saya nila?

Lahat ng mga kaibigan ko ay narito, kahit ang hindi ko kaibigan ay narito. Nakaupo sila sa couch, sa chaise lounge at sa chesterfield. Habang ang asawa ko ay nakaupo sa single sofa. Nakaupo naman sa arm rest ng sofa'ng iyon si Julia, ang childhood bestfriend niya na may gusto sa kanya kahit pa na may asawa na rin ito.

"Saan ka galing, Maxx?" Tanong ni Rovin, katulad ko rin siya'ng secret agent.

Let me just re-phrase. We're all agents. Nagkakilala lang kaming lahat dahil sa asawa ko, Rico. It was a fixed marriage.

"Bakit nandito kayo'ng lahat? May nagaganap ba'ng hindi ko alam?" Tanong ko.

"May gusto kaseng pag-meeting-an si Rovin kaya inimbita niya kaming lahat." Sagot naman Sonia, my childhood bestfriend.

Agent VenomOù les histoires vivent. Découvrez maintenant