1

88 3 0
                                    

Ara's POV

"Ara pumunta ka bukas ah!"

"Susubukan ko alam mo naman kung saan ako umuuwi 'di ba?"

"Bilis na Ara nung nakaraang taon nga ay hindi ka na sumama sa birthday ko! Bilis na may papakilala pa naman din ako sa'yo!"

"Wow Kim! Bakit kayo ganyan saakin ni Mika jowang jowa na ba ako sa tingin nyo? Pero ano ba ang pangalan nyan?" napahiyaw si Kim ng marinig ang huli kong sinabi at pinagpapalo ako sa braso. Hayop tuwang tuwa ah.

"Ikaw Ara ah! Wag kang mag alala mabait yun sobra tsaka malapit lang sa school natin yun! Pumunta ka na ha!"

"Oo na, oo na jusko kailan ba ako naka hindi sa inyo ni Mika, kahit iniwan nyo ako sa course natin.." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil inirapan na ako nitong kausap ko at pinag krus ang braso nya sa kanyang dibdib.

"Oo na sorry na po at hindi ko nasabi sa'yo na mag shishift ako. Alam mo naman ate na hindi naman kita iiwan dyan, sadyang hindi lang talaga to para saakin. By the way speaking of that samahan mo nga ako sa katapusan sa office kasi ipapasa ko yung letter of withdrawal ko kay dean."

"Sige sige tapos samahan mo ako sa accounting magbabayad ako ng balanse ko."

"Sige, Bukas ah sa may MOA tayo before lunch. MOA na yun besh hindi na lugi sa'yo ah baka naman mahuli ka pa!"

"Opo madame pupunta ako. Sige na uuwi na ako bye!!" pagpaalam ko sa kanya at naglakad na papunta sa may sakayan.

Nang makarating ako sa terminal ay laking ginhawa sa mata ko ng makita kong walang pila, kung kaya't umakyat na kaagad ako sa bus at umuo sa pinaka malapit na upuan sa pintuan ng hindi a ako mahirapan pa sa pagbaba ko.

Habang nag hihintay ng pag alis ng bus ay napasilip ako sa wallet ko at kinalkula kung kakasya pa ang pera ko sa pag alis ko bukas at sa pamasahe ko ngayon dahil nakakahiya naman kung hihingi pa ako kay tita ulit.

Habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ay napa isip ako na matagal tagal ko ding hindi makikita itong tanawin ito. Ngayon ang unang araw ng bakasyon namin sa eskwelahan at na-addjust ang school year calendar namin dahil sa August na ang balik namin sa pamantasan.Ito ang araw araw kong buhay school, byahe, bahay, malayong malayo sa kinagisnan ko nung highschool palang ako na pagkatapos ng uwian ay nakakapag gala pa ako kasama ng mga tropa ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil ginusto ko din naman ang mag aral sa Maynila at mag uwian sa Cavite.

Makalipas ang halos dalawang oras na byahe sa bus ay nakarating na ako sa destinasyon ko at muling pumila sa sakayan ng jeep para makauwi sa subdivision na tinitirhan ko.Mag aalas otso na ng gabi ng makauwi ako sa bahay namin at nadatnan ko ang pinsan kong kambal na si Cienne at Camille na nanood ng tv habang si Kianna naman ay kumakain sa hapag."Nasaan na si Tin? Nandyan na si tita?" banggit ko habang pinapagpag ang sapatos ko sa basahan.

"Pauwi na siguro yung dalawang yun ate. Kain ka na. Kumain ka na ba?" Sabi naman saakin ni Camille at naupo na din ako sa hapag.

"Bakasyon mo na ate?" tumango ako sa tanong saakin ni Kianna

"Awit ang haba ng bakasyon mo ate! Limang bwan halos anim nga e! Sana all"

"Sus naiisip ko nga limang bwan ako mabubulok sa bahay, pero iniisip ko maghanap ng summer job."

"Sino ang mag summer job?" parehas kaming napatingin ni Kianna sa may pintuan at nakitang dumating na pala si tita mula sa kanyang trabaho at ngayon ay pinapagpag ang paa nya asa basahan. Agad naman kaming nag sitayuan sa mga pinag uupuan namin upang mag mano sa kanya.

"Oh Ara simula na ba ng bakasyon mo ngayon?"

"Opo tita pero bukas po pala aalis ako kasi birthday mo ni Kim, kakain daw po kami sa labas."

Waltz of Six left feetWhere stories live. Discover now