PROLOGUE

9 0 1
                                    

CHATMATE, taong 'di mo kilalang kilala, ngunit nakakausap mo. Taong makakausap mo kahit anong oras pero 'di mo alam kung nagsasabi ng totoo. CHATMATE makakausap mo gamit ang MESSENGER at FACEBOOK, swerte mo kung matatawagan mo at makaka video call mo. CHATMATE taong mapagsasabihan mo ng problema mo kahit 'di nya obligasyong makinig, pero swerte kung 'di ka nya huhusgahan sa halip makikinig sya at bibigyan ka ng payo at motivation.

....CHATMATE....

Paano kung nainlove ako sa isang ka chatmate ko? Paano kung magaan ang loob ko sa kanya? Paano kung naging kami? Magiging masaya kaya hanggang dulo? Paano kung minahal ko sya ng totoo? Patas bang mahalin ang isang chatmate na wala kang ideya sa pagkatao nya? Alam nya ang buhay ko, pero pili lang ang alam ko sa kanya. Alam nya ang kwento ko, pero malabo lang ang alam ko sa kwento nya. Alam nya ang mukha ko pero ni kilay nya di ko pa nakikita. Tanging boses lang nya ang narinig ko...

Wala akong sa ginagawa nya sa araw-araw. Wala akong ideya kung ano ang dahilan nya pag di sya nagpaparamdam.

May karapatan naman siguro akong magselos, dahil kami naman. O ako lang talaga ang nag-aasume na kami nga. Namimiss kaya nya ako, o ako lang ang nakakamiss sakanya? Naiisip kaya nya ako, o ako lang ang nakakaisip sa kanya kung ano ang ginagawa nya ngayon? Pag nag-aaway ba kami naapektuhan kaya sya? O ako lang ang umiiyak kada gabi. Gusto kaya nya ako makita nang personal? O ako lang ang nag nanais na makasama sya. OKAY lang to atleast nagiging masaya ako sa tuwing online sya. Kahit may konting tampo ako sa kanya. Pero minsan nagsasawa na ako sa sorry nya. Pero di ko kayang iwan sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHATMATEWhere stories live. Discover now