Hey, Mr thief!

40 2 8
                                    

WattPH :))

Hey, Mr thief!

"Ayun siya!"

"Bilisan niyo! wag kayong tatanga-tanga!"

"Hulihin niyo siya!"

Ngumisi lang ako at mas binilisan ang pag takbo. Tss. Maraming pera siguro ang nasa loob ng bag na hawak ko.

Nang maka pasok sa palengke ay bumagal ang takbo ko. Hindi nila ako makikita dito, sa dami ba naman ng tao?

"Ate magkano yan?" tanong ko at tinuro ang baboy. Pa simple akong bumili para hindi ako mahalata. This is called technique dude.

"230 isang kilo." sagot niya at bumaling sa ibang nag tatanong. Tumango ako at binuksan ang bag na dala ko. Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala nila ako hinahabol kanina. Tss.

Naglalaman siguro ng mahigit 50K ang perang ito? ngumisi ako at kumuha ng isang libo.

"Kunin ko na 'yan." at binigay ang pera sakanya.

"Wala ka 'bang barya?" umiling lang ako. "Keep the change." sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko at nataranta. Napa tawa ako ng mahina.

Mabilis niyang binigay sa akin ang plastic na nag lalaman ng baboy.

"Pwedeng paki eco bag?" tanong ko.

Mukha pa rin siyang natataranta nang tumango siya. Agad niya akong binigyan ng malaking eco bag. Matamis akong ngumiti sakanya.

"Salamat po."

Pagkatapos kong ilagay ang baboy sa eco bag ay tumingin tingin pa ako. Ano kayang masarap lutuin?

"Ayun siya!"

Tangina naman oh. Wrong timing.

Pasimple akong nag lakad para hindi niya ako makita. Mabuti at naka pony tail ang buhok ko.

"Mag tatanong lang po. Nakita niyo po ba ang babaeng ito?" rinig kong tanong ng isang lalaki na isa sa mga humahabol sa akin.

Unti unting bumilis ang lakad ko hanggang sa naging takbo na. Mabilis kong tinakbo at nilisan ang palengkeng yun.

Naka tingin lang ako sa daan habang tumatakbo ako. Unti unti akong napa ngiti. May ipon na naman ako.

"Bilisan niyo! ang kukupad niyo!"

Lumiko ako sa isang eskinita sa pag mamadali kong maka takas sakanila. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa naging tahimik ang lugar. Wala ni isang ingay ang naririnig ko.

Tumigil ako at napa upo sa sahig. Wala namang trycyle o sidecar na dumadaan. Hingal na hingal ako at parang kailangan ko ng tubig. Malamig na tubig.

Luminga linga ako, nag babaka sakaling maka hanap ng tindahan. Teka, nasaan ba ako?

Punyeta naman.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. 5pm na pala. Kailangan ko ng umuwi. Tumayo ako mula sa pag kakaupo ko. Hinihingal pa rin ako. Tumingin ako sa paligid.

May mga bahay pero tahimik, nasaan ba ang mga tao?

Bumalik ako sa tinakbo ko kanina. Paniguradong hindi na ako mahahanap nun. Ang babagal.

Hiningal muli ako kaya napa hinto ako at napa hawak sa dibdib ko.

Time out muna.

Ilang sandali ay nag lakad na lang ako. Habang nag lalakad ako ay may narinig akong ingay. Kumunot ang noo ko. Parang ingay ng TV? unti unti akong lumapit doon para maka sigurado.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey, Mr thief!Where stories live. Discover now