Timing.

123 5 0
                                    

"Timing is a bitch."

"Indeed, it is." I whispered as I paid attention to Robin and Ted on the TV. I don't know how we managed to lie down side by side with her legs dangling into my body and my left arm around her. Although, yes. She has like 3/4 of the couch and I can barely watch the show because I kept looking at her.

Ang takaw kasi niya. Medyo tumataba na nga siya dahil bakasyon nanaman.

Pero, wala eh. Ang ganda niya.

"Bakit naman?" I stiffed for a brief moment but caught my composure back as I kept my eyes on the TV.

"Wala, kasi baka siya na talaga pero bad timing lang." Hiniling ko na sana hindi halata na siya talaga iyon, I wished it sounded hypothetical.

"Bakit? Sino bang 'siya?'" Naramdaman ko ang pagkunot ng noo niya dahil masiyado kaming malapit sa isa't isa.

"Ha?" Patay malisya kong tanong at saka sinulyapan siya saka ibinalik ang tingin ko sa pinapanood namin.

"Sinong siya? Anong bad timing? Baka naman kasi babagal bagal ka," Natawa siya.

"Kung pwede lang naman, edi sana matagal na."

"Sino ba kasi, Ly? Yung med student ba? O yung archi student?"

Natawa nalang ako at bahagyang napailing.

"Wala. Si Ted at Robin lang naman kasi. Kung ano ano kasing sinasabi mo diyan." Inirapan ko siya.

"I don't buy it. Di ka nagsasabi ng totoo." Pangungulit niya.

"Magtatanong pero di maniniwala sa sinagot." I pouted. Ayaw niya kasi noon.

"Mukha ka nanamang maitim na pato." Naramdaman ko ang pagalog ng balikat niya senyales na tumawa siya at ayaw kong lumingon.

Naalala ko tuloy iyong nabasa ko sa twitter noong makalawa.

"I watched you laughed and darling, I was out of breath."

"Alam mo, pormahan mo na kasi. Sigurado ako yung med student yon. Iba ka kasi makatingin doon eh."

Napabuntong hininga nalang ako at bahagya akong umusog para matingnan siya.

Ang ganda talaga ng mga mata niya. Mga mata niyang kung pwede ko lang titigan buong magdamag. Habang buhay.

"What?"

Napakurap ako ng dalawang beses at saka umiling. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa TV. Pero hinawakan niya ang kanang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya at pinilit niya akong tingnan siya.

"Is there something you want to tell me?"
Napalunok ako. Masiyado siyang malapit. Natatakot ako na baka maramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko.

Baka nga ito na yung tamang oras para sabihin sakaniya ang nararamdaman ko. Baka ito na yung hinihintay kong timing.

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga.

"I..."

Kaso, biglang tumunog yung cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa sa tapat ng sofa. Nagsorry ako sakaniya at dahan dahang bumangon para sagutin kung sino man itong panggulong to.

"Ate Ly!" Sigaw niya mula sa kabilang linya at napairap nalang ako ng malaman kung sino ang tumawag.

"Ano?" Irita kong sagot.

"I got the med student's name na. You wanna know?"

"Did you seriously disturbed me to tell me that?" I rolled my eyes again.

"What? Kakasabi mo palang sakin last time na alamin ko kung anong name niya, right?"

"Oo nga pero-"

"Wait, why are you annoyed ba? Siguro kasama mo nanaman si ate Miks no? Did I just interrupt something?" She said. I can imagine her smirking at me and I just want to spike it off her annoying face.

"Yes. You most certainly did. And for the record, I don't care about her name. I was just kidding last time."

And she laughed. Mas lalo lang akong nairita.

"I'm hanging up, Beatriz." Tinanggal ko yung phone sa tenga ko at akmang ibababa ko na nang sumigaw siya.

"Wait!"

"Ano nanaman?"

Niloud speaker ko nalang, tutal magpapaalam na din naman siya.

"Dennise Lazaro."

"Ano?" Takang tanong ko.

"That's her name. Bye!" And she hung up.

I stared at my phone for seconds until I decided to look at her.

"That was uh, nothing," I chuckled nervously. I said, while I glanced at my phone.

"I was right then." She smiled. Pero yung ngiti na hindi umaabot sa mata. Walang buhay.

"No, Miks. Dare lang yun." I said as I slowly walked towards her. I held her hand.

"Wala lang yun."

Hindi ko alam. Hindi ko alam pero gusto kong maramdaman niya na siya lang.

Hindi ko alam pero hindi ko gusto kung ano mang nakikita ko sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung nasasaktan siya. Pero imposible naman yun. Bakit naman siya masasaktan, wala namang dahilan.

Hindi ko alam kung kailan ko siya minahal. O kung mapapagod pa ba akong mahalin siya.

"Siguro hindi palang ngayon, pero balang araw. Pero sa dami ng hindi ko alam, sa kabila ng lahat, isa lang naman ang malinaw, ang tanging bagay na sigurado ako ay mahal ko siya. Mahal na mahal."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7 minutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon