Chapter 1

28 5 0
                                    

Someone's POV

Pagkatapos ng school, nagsisimula na namang gumabi, dumilim kung kailan kailangan ko na namang bawasan ang krimin sa bansa.

It's not my choice, it's Dad's, pano ba naman kasi, pati kapulisan may katiwalian. Ako pa ba naman ang ginamit ng pangulo para matapos and lahat ng kaguluhan.

Agad akong umuwi ng bahay para magbihis. Hinanap ko ang hero costume ko. Pero pano nangyaring wala dito sa cabinet nang may kumatok sa pintuan ng room ko.

It was Dad, nakangiti siya sakin, "Hey, son, alam kong hinahanap mo....pinatapon ko na Kay manang...Ito na ang bago mo."

"What?? So alam na niya na...."

But before I could continue, he cut it off.

"It's not like that. Nilagay ko sa kahon, pinasunog ko din at binalaan ko siya na wag buksan."

"Ahh so where's the new one para ngayong Gabi?" Tanong ko

"Umm..here is it!"

"O-o good, ge dun ka na po, ayus to ahh, magbibihis lang po ko."

"Sige punta muna ako downstairs, opps - ayusin mo trabaho mo ha?"

"Ge po Dad, aayusin ko po as usual"

Ayus ang susuutin ko ngayon ahh. Black jacket w/ hood, face and eye mask. At may millennial jeans pa. Ito talaga si Dad nakikisabay pa sa kabihasnan.

Agad na kong nagbihis at lumabas ng bahay, sana hindi mahirap itunggali ang magiging kalaban ko ngayon.

Ahh, isa pala akong vigilante, utos kasi ni Dad to. Di ko puweding sabihin ang pangalan ko kasi bali-baliktad ang buhay ko. Sa gabi nagliligtas , sa umaga nang-aa---------

-Time Skip-

Ashley's POV
7:30 am

Luhh...ba't ngayon lang ako nagising? 1st time pa to ah. Siguro dahil sa kakastudy ko kagabi. Biruin mo 11 na ko nakatulog samantalang ang buhay estyudante ko natutulog 8 pa lang tapos gigising ng 6 am. Pero diba nag set naman ako ng 6:15 sa alarm clock? Bakit di ko narinig na tumunog ito kanina?

Chineck ko muna ang alarm clock ko....

Oops pano na'to? kaya pala di ako nagising kasi sira na, do an gumagana. Naman oh mahirap na nga ang tao mas pinapahalata pa. Wala akong pambili ng bagong alarm clock.

Pero kahit pa, para naman akong hindi sanay na walang mama na tumatalak para gisingin ako. Tuloy.. napaisip ako ni mama, matagal na kasi akong hindi nakauwi sa probinsiya.

Umuupa lang kasi ako dito sa bahay ng tinitiis kong engot na strikta, delikadesang may-ari nitong bahay.

Speaking of engot, total late na 'ko, mabuti pa siguro kung aabsent nalang para naman ligtas ako mula sa bully na yun, kala mo naman kagwapohan, naku! tama nga naman pogi sana siya eh, mistisohin, may katalinuhan, mayaman kaso natatakpan lahat ng yan ng galit ko sa kanya.

Siya pala si Paul John, ewan ko rin bakit marami paring nagkakagusto sa kanya, eh ang pangit ng ugali non.

Basta para sa'kin, si 'alyas hood' lang ang 'da one'. Yung ...super pogi kahit di nahahalata ang mukha, nabasa ko lang sa hood niya at sa tindig. Isa siyang vigilante. Hunk na, nagliligtas pa di katulad ng Paul na yun.

Nga pala, mabuti pa kung bubuksan ko ang TV ni Tiyang strikta para makita ko narin siya total di naman ako papasok kaya manonood nalang ako ng balita. I'm sure marami na naman siyang nahuhuling kriminal. Dito sa Manila halos lahat ng bangko may malinaw na CCTV kaya lubos ko siyang makikita. Gets??


-Time Skip-

5:17 pm


Boong maghapon linilipat-lipat ko ang channel sa TV para lang manood ng balita tungkol sa kanya. Panay din ang tawag ni Escie sa'kin kanina, pero di ko sinasagot kasi nga nahihiya ako sa dahilan kung bakit ako lumiban sa klase.

Nagsisimula nang lumubog ang araw na hindi pa ako nakakapagpakilala, ako pala si Ashley Dish Del Fuego, 18, nag-aaral sa Mendez-Sy University. Oo, medyo pangmayaman ang apelyedo ko tsaka pangmayaman din ang school, pero kabaliktaran yan sa totoo kong buhay.



Mahirap lang ako, nakapasok ako sa University na yan pero dahil lang sa bestfriend ko ang anak ng Principal, si Escie, ako madalas ang gumagawa ng art projects niya, pero siya naman yung tinatakbuhan ko kapag research na kasi... yun nga wala akong internet access o smart phone man lang.


Keypad lang phone ko. Poor me... minsan nagkakapera din ako kapag sumasali ako sa mga beauty contest, tsaka sa trabaho ko dito sa bahay ni Tiyang strikta. Mas pinahirapan pa'ko ng tadhana dahil kay Paul, yung buwesit na bullying yun. Alam niya kasi na di ako bagay sa University. Ano ba kasi pakay niya, ba't pinapahiya niya ko lagi.

Grade-11 na ako, tiniis ko lahat ng pang-aapi niya nung nakaraang taon. Bakit ko pa kasi siya naging classmate sa ABM 4??

The VigilantWhere stories live. Discover now