Help Me! (One-Shot)

852 13 17
                                    

Si Alice, na walong taong gulang ay isang matalino at bibong bata na kinagigiliwan ng lahat ng tao. Ang kanyang mga magulang ay may isang malaking negosyo sa ibang bansa. At sila nga ang pamilya Rodriguez.

Sila ay nagpagawa ng mansion sa Bulacan na may tatlong kwarto. Isa para kay yaya, kay Alice, at sa mag-asawa. Kakagawa palang nito at lilipatan na nila agad kaya masayang-masaya si Alice. Habang ibinababa ang kanilang mga gamit ay di mapigilan ni Alice na tumalon-talon.

Yehey! Yaya, excited na ako makita yung new room ko! Sabi ni mommy pink daw yun! Yehey!! Sabi ni Alice sa kanyang yaya.

Oh sya tara na sa loob para makapagpahinga na rin tayo ng maaga. Yaya ihatid mo na si Alice sa room nya. Masayang tugon naman ng mama ni Alice na si Merly.

Opo. Kaya pumasok na sila ng bahay at agad na dumiretso sa kwarto ni Alice na nasa ikalawang palapag.

Natapos na nilang ayusin ang lahat ng gamit at nakakain narin sila. Ngayon nga ay handa na si Alice na matulog. Dahil sa labis na pagod, agad na nakatulog ang lahat maliban kay Alice. Hindi nya alam kung bakit pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok.

Alam ko na! Turo sakin ni yaya magmi-milk muna para makatulog!

Hindi abot ni Alice ang switch mg ilaw sa hagdan kaya kahit madilim ang daan ay buong tapang siyang bumaba. Nang makarating sya sa kusina ay kinuha nya na ang gagamiting baso at nang kukunin nya na ang kutsara ay nagulat sya nang bigla itong gumalaw mag-isa.

Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! Malakas na tili ni Alice dahil sa sobrang gulat kaya nabitawan at nabasag ang kanyang hawak na baso.. Nagulat rin sya nang may humawak sa kanyang balikat at paglingon nya ay nakita nya ang isang duguang mukha ng batang babae.

Tulungan mo ko. Tulungan mo ko. Tulungan mo ko. Paulit-ulit na wika ng batang multo. Walang ibang nagawa si Alice kundi takpan ang kanyang tenga at napapikit at nagulat na naman sya nang may magsalita ulit sa likod nya.

Alice okay ka lang? Bakit gising ka pa?! Nakahinga ng maluwag si Alice nang makita nya ang kanyang yaya.

Ano ba kasing ginagawa mo dito eh gabing-gabi na! Tsaka bakit nabasag yung baso? Ikaw talagang bata ka! Sabi ng kanyang yaya habang pinupulot ang basag na baso.

Yaya may multo dito! Promise!

Tigilan mo nga ako Alice ha! Tara na sa taas matulog na tayo. Tatabihan nalang kita. Umakyat na nga sila at magkatabing natulog.

Kinabukasan ay maagang gumising sina Alice. Maagang umalis ang mommy at daddy nya dahil sa trabaho. Wala siyang magawa kaya naglaro na lang siya ng bola sa kanilang garden. Ang kanyang yaya naman ay naglilinis ng bahay at may narinig itong batang umiiyak. Sinundan nya kung saan nanggagaling ang tunog na iyon dahil nagaalala sya kay Alice. Habang papalapit sya sa kusina ay lalong lumalakas ang pagiyak.

Alice? Halika na dito baby bakit ka umiiyak? sigaw nya. Unti-unting nakaramdam ng takot si yaya. Tumaas ang kanyang balahibo at pagtalikod nya ay nakita nya si Alice na hawak ang kanyang bola.

Yaya, bakit mo po ako tinatawag? Tanong ni Alice na may pagtataka kung bakit ganun ang itsura ng kanyang yaya.

San ka galing? Tanong ng kanyang yaya.

Sa garden lang po.. Nakita nyo po ba yung multo dyan? She needs help. Sagot ni Alice na tila walang katakot-takot sa multo.

Ha? Ah--eh--anong tulong daw ba kailangan nya? Mahirap paniwalaan si Alice pero parang gusto na rin niyang maniwala dahil sa nangyari.

Ewan ko po yaya basta tulungan daw natin sya.

Hay nako tara na nga wag mo na lang pansinin yan. Sabay hila ni yaya kay Alice pabalik sa sala.

Sumapit na ang gabi at sabay-sabay silang kumain ng hapunan. Naglinis na sila ng kanilang katawan at handa na muling matulog. Bilang isang bata, nacu-curious si Alice tungkol sa batang multo imbis na matakot. Ang ginawa nya ay pumunta sya sa kusina ng mag-isa at buong tapang na tinawag ang multo.

Bata,bata nasaan ka? I'm here to help you. Mahinahong sabi ni Alice. At agad na nagpakita ang duguang batang multo.

Alice tulungan mo ko! Sabi ng batang multo na duguan ang mukha pero talagang hindi natatakot si Alice at naaawa pa ito sa kanya. Kasabay ng pagpapakita ng multo ay siya ring pagpasok ni yaya sa kusina at halos mahimatay ito sa gulat at takot.

Yaya wag ka matatakot. Tulungan natin sya! Bata, pano ka ba namin tutulungan? Tanong ni Alice sa multo.

Ilibing nyo ko ng maayos. IKAW! Sabay turo sa yaya ni Alice. Tulungan mo kong mahukay ang bangkay ko dito! Sigaw ng batang duguan.

A-a-anong ibig mong sabihin? Anong hukayin? Paano?! Naguguluhang tanong ng yaya.

Noong unang panahon pa, diyan mismo sa kinatatayuan ninyo, dyan ako pinaslang at nilibing ng walang-awang mga taong nag-massacre sa pamilya namin. Hindi ako nabigyan ng hustisya kaya ang gusto ko ay matahimik na. Pero hindi ko yun magagawa dahil nandito parin ang katawan ko! Halo-halo ang emosyon ng mag-yaya ngunit naiintindihan nila ang batang multo.  

Don't worry bata tutulungan ka namin. Nang lumapit si Alice sa batang duguan ay bigla itong nawala.

Natulog na ang dalawa at kinabukasan ay agad nilang kinausap ang mga magulang ni Alice. Kinuwento nila ang lahat ng nangyari hanggang sa maniwala na ang mga magulang niya.

Kahit na tapos na at maganda na ang pagkakagawa ng kanilang kusina ay ipinahukay nila ito at nakuha nga nila ang kalansay ng isang bata. Napag-alaman nila na patay narin ang pumatay sa bata. Inilibing nila ito ng maayos at mula noon ay hindi na sila muling dinalaw ng batang multo.

Habang kumakain ng hapunan ang buong pamilya ay nagpakita muli ang multo. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito duguan. Isa na siyang batang may maamong mukha na tila isang anghel sa suot niyang white dress.

Maraming salamat. Yun lang ang sinabi ng bata at naglaho na ito. Niyakap nila si Alice at sabay-sabay na nagdasal bago matulog.

Dahil likas na sa pamilya Rodriguez ang pagiging matulungin, sinimulan na rin nilang tumulong sa mga street children kaya lumaking isang mabuting bata ang kanilang anak na si Alice.

                                                                 -THE END-

Help Me! (One-Shot)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang