UNANG KABANATA:

3 0 1
                                    

Isang araw sa eskwelahan merong magkaibigan na nagngangalang "Franchlyn" at Joseph. Silang dalawa ay magkaibigan na mula pagkabata pa lamang, pati ang kanilang mga magulang ay magkakilala narin simula ng sila ay mga bata pa. Sabay na lumaki si Franclhyn at si Joseph sa lungsod ng "Laguna". Araw-araw silang dalawa ay sabay na pumapasok sa iisang eskwelahan, at silang dalawa din ay magkaklase kung kaya't ang dalawa ay nagtutulungan sa lahat ng mga bagay pagdating sa mga gawain nila sa eskwelahan, maging pag dating sa recess, lunch atbp. silang dalawa lang ang magkasama, kung kaya minsan silang dalawa ay madalas na asarin ng kanilang mga kaklase tungkol sa kung ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa, at ang palaging sagot ng dalawa sila daw ay mag "BESTFRIEND"lang. Dumating na ang araw ng kanilang graduation at ang lahat ng estudyante ng "Dila Elementary School" ay masayang masaya, lalong lalo na ang magkaibigan dahil silang dalawa ay magha-hischool na at silang dalawa ay magsasama paden sa iisang eskwelahan. Nang matapos ang graduation ang dalawa ay nagpaalam sa kanilang mga magulang na lumabas saglit upang mamasyal at kumaen sa labas, pinayagan naman ang dalawa kaya sila ay masayang masaya nung mga oras na yun lalo na nung mapunta sila ng Tagaytay, sinulit ng dalawa ang bawat oras na sila ay magkasama dahil bakasyon na at si Franchlyn at ang kanyang pamilya ay pupunta ng kanilang probinsya, at sila Joseph naman ay pupunta den sa kanilang probinsya kaya matagal tagal din silang hindi magkikita, bago umuwi ang dalawa ay may sinabi si Joseph kay Franclhyn na ("Sana pagkatapos ng bakasyon ay sya parin ang kaibigan neto.") Natawa naman si Franclhyn sa sinabe ni Joseph pero kanya parin itong sinagot, ("Syempre naman hahaha.") Nang makauwi ang dalawa agad na chinat ni Joseph si Franclhyn upang sabihin na ("Goodnight") nagreply naman agad si Franclhyn na ("Goodnight din may pa puso pa ito hahahaha.") Pero di pa dito natapos ang pag-uusap nilang dalawa kung kaya di na nila parehas namalayan ang oras na maghahatinggabi na pala. Kinabukasan maaga ang aalis ang pamilya ni Joseph kaya dali dali itong gumawa ng sulat para kay franchlyn at agad nya itong dinala sa bahay nila franclhyn ngunit tulog pa ito kaya iniwan na lamang ni Joseph ang kanyang sulat sa magulang nito at ibinilin na kung maari na wag nila itong basahin at pakibigay na lang kay franchlyn. Nang makaalis na ng bahay sila Joseph habang ito'y nasa daan at bumibyahe ay nagpicute pa sya para isend kay franclhyn at sabihin na malapit na malapit na ito sa kanilang probinsya. Pagka gising na pagka gising ni Franclhyn ay binigay kaagad sa kanya ng kanyang mama ang sulat na pinabibigay ni Joseph, habang binabasa nito ang sulat ay hindi maipinta sa muka ni Franclhyn kung gaano siya kasaya at palihim pang natatawa sa kanyang binabasa. Nang matapos niya itong basahin agad niyang tinawagan si Joseph para mag thankyou sa binigay nitong sulat.

Malapit nang matapos ang bakasyon at pauwi na ang dalawa mula sa kanilang bakasyon.Nang magkita ulit ang dalawa pumunta agad ang mga ito sa paborito nilang tambayan sa may bukid sa ilalim ng nag iisang malaking puno duon. Daig pa nilang dalawa yung ibang tao na ilang taon  ng hindi nagkikita sa sobrang dami nilang kwento sa isa't-isa, kinwento ni Joseph na kung saan saang dagat sila naligo sa kanilang probinsya, ganun din naman ang kwento ni Franclhyn. Kinabukasan sabay na nagpa enroll ang dalawa sa kanilang magiging bagong eskwelahan. Unang araw ng eskwela, sabay na pumasok ang dalawa at pumasok sa iisang classroom at ang dalawa ay nagulat dahil hanggang ngayon silang dalawa ay magkaklase paden. Marami sa kanilang mga nung nakaraang taon ang duon din nag aral kaya ang iba sa mga ito ay nagtataka na talaga sa dalawa dahil magkasabay na naman ito sa lahat ng gawain at halos di na ito mapaghihiwalay pa. Kinabukasan sa eskwelahan ay nagkaroon ng botohan sa kanilang klassroom para sa mga magiging class officers, si Joseph ang naluklok upang maging presidente ng kanilang klase at si Franchlyn naman ang naging muse, at ng magbobotohan na para sa escort ay may dumating na bago nilang kaklase na si Steven na late ito ng pagpasok dahil tinanghali daw sya ng gising. Si steven ay galing pa ng probinsya kung saan ay probinsya din kung san madalas magbakasyon si Franchlyn. Balik tayo sa botohan para sa escort ibinoto ni Franclhyn para sa escort si Steven at nanalo ito dahil may itsura din naman ito. Nang matapos ang botohan sabay din na natapos ang kanilang klase at recess na, si Franchlyn ay lumabas kasama si Steven para kumaen at si Joseph naman ay nagpaiwan na lamang sa loob ng klassroom. Oras na ulet ng klase at magkatabi ngayon sa upuan si Franclhyn at Steven, si Joseph naman ay nasa bandang dulo at nakikipag usap sa iba pa nilang kaklaseng mga lalake, mag uuwian na at inaaya na ni Franchlyn na umuwi si Joseph ngunit hindi ito sumabay sa kanya dahil mayroon pa daw itong gagawin kaya si Franclhyn at Steven nlng ang sabay na umuwi, habang paalis ang dalawa ay pasimple itong tinititigan ni Joseph na para bang nagseselos ito sa bagong kasama ni Franchlyn at yun ay si Steven. Kinabukasan si Steven at si Franclhyn ay sabay na pumasok habang si Joseph naman ay na-late na sa kanilang klase at ang nakapagtataka ay sa dulo na ulit pumwesto si Joseph habang si Franchlyn at Steven naman ay magkatabi sa may bandang harapan. Recess na naman at ganun parin ang nangyari si Steven na naman ang kasabay ni Franchlyn at si Joseph naman ay mag isa nlng na kumakain, at habang kumakain ay pasimpleng pinagmamasdan ni Joseph ang dalawa, napansin nyang masayang masaya ang dalawa at tila ba nakakalimutan na sya ni Franchlyn dahil kung dati na sabay silang kumakain at umuuwi kabaliktaran na ang nangyayare ngayon halos di narin sila nakakapag usap na dalawa. Sa mga oras nading iyon ay napapaisip si Joseph kung bakit sya nakakaramadam ng pagseselos sa dalawa gayung hindi naman nya girlfriend si Franclhyn at walang namamagitan sa dalawa maliban sa pagiging matalik nilang pagkakaibigan. Lumipas pa ang ilang mga araw at gnun padin ang nangyayari palagi nlng mag isa si Joseph sa mga bagay bagay at si Franchlyn at Steven naman ngayon ang palaging magkasama, kaya kinausap na ni  Joseph si Franclhyn upang tanungin kung may namamagitan na ba sa kanilang dalawa o nagsisimula na ba itong manligaw sa kanya. Natigilan bigla si Franclhyn sa tinanong ni Joseph sa kanya pero makalipas ang ilang saglit ay sinagot naman nya ang tanong ni Joseph sa kanya at sinabi nya na ("hindi...hindi nanliligaw saken si Steven at lalong walang namamagitan sa aming dalawa") sagot ni Franchlyn at sabay sabing ("eh bakit mo naman naitanong ang bagay nayan Joseph alam mo naman diba na halos lahat ng mga pangyayari sa buhay ko gusto ko ikw ung unang nakakaalam kasi mag besfriends tayo.") at dagdag pa niya ("kaya lng kami magkasama palagi ngayon ay dahil tinutulungan ko lng sya na makapag adjust sa mga bagay bagay dito sa lugar naten lalo na dito sa school naten.") Natahimik lng si Joseph habang nagsasalita si Franclhyn. Nang matapos ang recess ay naliwanagan na si Joseph at simula den nung araw nayun ay naging magkaibigan na si Joseph at Steven, at silang tatlo na palagi ang naging magkasama sa araw araw. Makalipas ang ilang araw dumating ang kababata ni Joseph na si Clarisse, siya at ang kaniyang pamilya ay galing ng Canada, umuwi sila ng pilipinas para magbakasyon sa loob ng isang taon o dito na lng manirahan depende sa kung ano ang magiging desisyon ng magulang ni  Clarisee. Si Clarisse ay matagal nadin na may lihim na pagtingin kay Joseph kaya ngayon na sya ay nakauwi na balak na nyang umamin at sabihin kung ano talaga ang tunay na nararamdaman nya kay Joseph. Araw na ng linggo at may balak na mamasyal sina Joseph, Steven, at Franchlyn nalaman ni Clarisse ang balak ng tatlo kaya lihim nyang sinundan ito papuntang tagaytay at ng makahanap ito ng tiyempo ay sinorpresa nya si Joseph, laking gulat ni Joseph nung nakita nya ito sa tagaytay kaya naman inaya sya ni Clarisse na kumaen muna at mamasyal sa mall sa may tagaytay din. Iniwan ni Joseph na magkasama si Steven at Franchlyn, kaya ang dapat na lakad ng tatlo ay nawala na dahil kay Clarisse. Masayang masaya si Clarisse nung mga oras nayun dahil nakasama nya ulit si Joseph makalipas ang matagal na panahon, at ganun din naman si Joseph, at nang malapit na silang umuwi ay inamin na ni Clarisse ang tunay nyang nararamdaman para kay Joseph, natulala nlng si Joseph sa kanyang narinig mula kay Clarisse at pasimple pa itong nangingiti dahil sa unang pagkakataon ay may babaeng naglakas loob na umamin nararamdaman nila para sa kanya at nagkataon din na may gusto din si Joseph kay Clarisse dati kaya di naging mahirap sa dalawa na magkapalagayan ng loob. Lumipas pa ang mga araw at lalong nagkakadevelopan ang dalawa mas lalo pa nilang nakilala ang isat isa at di nagtagal ay naging mag jowa na nga silang dalawa palagi na silang magkasama at sa tuwing uwian nila Joseph sa eskwela ay sinunusundo pa ito ni Clarisse para kumaen sa labas, walang kaalam alam si Joseph na nagseselos na si Franclhyn sa kanilang dalawa dahil huli na ng marealize nya na unti unti na palang nahuhulog ang loob nya sa "Bestfriend" nya pero huli na nga ang lahat dahil masaya na si Joseph kay Clarisse ngayon at mukang nakalimutan nadin sya ni Joseph dahil hindi na sya kinakausap o pinapansinan lng nito. Makalipas ang dalawang buwan ang mag jowa ay nanatili padin na masaya at marami nadin silang lugar na napupuntahan kaya lalo pang nasasaktan si Clarisse sa mga nangyayare, hindi naman nya masabi ang tunay na nararamdaman nya kay Joseph dahil ayaw nyang masira ang kanilang pagkakaibigan at higit sa lahat ay meron na itong girlfriend kaya inilihim nlng nya ang nararamdaman nya para sa kaibigan. Malapit na ang birthday ni Joseph kaya inaaya sya ni Clarisse na mamasyal kasama ang pamilya ni Clarisse para nadin maging legal na silang dalawa sa kanilang mga magulang. "September 6, 2018" kaarawan na ni Joseph at para sa kanya ito ang pinaka masaya niyang kaarawan dahil kasabay ng birthday nya ay ang monthsarry nilang dalawa at bukod pa duon ay magiging formal na ang pagpapakilala nila sa isat isa sa kanya kamya nilang mga magulang, at naging maayos naman ang lahat nuong araw nayun para sa kanilang dalawa pero hindi naging maayos para kay Franchlyn dahil nang pumunta sya sa bahay nila Joseph para ibigay sana ang kanyang regalo ay wala ito sa kanilang bahay kaya lalo itong nalungkot. Umuwi nlng ng bahay si Franclhyn at kinabukasan ay nagkita sila ni Joseph sa eskwelahan at duon nlng niya ito binati ng belated happy birthday, kaya inilibre nlng ni Joseph si Franchlyn ng recess at duon ay hindi na napigilan ni Franclhyn na aminin kung ano tlga ang tunay na nyang nararamdaman para sa kaibigan, nawalan ng imik si Joseph sa mga sandaling iyon dahil buong akala nya ay bestfriend lng tlga ang turing ni franclhyn sa kanya, walang ibang nasabi si Joseph sa kaibigan kundi ang salitang 'sorry' dahil hanggang pagkakaibigan lng ang kaya nyang ibigay at bukod pa duon ay meron na syang girlfriend. Mula nung araw nayun ay tinanggap na nga ni Franchlyn na hanggang magkaibigan na nga lng talaga silang dalawa at hindi na ito magbabago pa kahit na ano pa ang mangyari. Nang makalipas pa ang mga buwan at mga taon hindi parin nagbago ang turingan ng magkaibigan sa isat isa, at si Joseph ay nanatili na masaya kasama si Clarisse, at si  Franchlyn naman ay nakahanap nadin ng lalaki na magpapasaya sa kanya at ito narin ang kanilang mga naging kasama hanggang sa pare parehas na silang makapag tapos mg kanilang pag aaral, hanggang sa parehas na silang nagkaroon na ng kaniya kanyang pamilya nila. Silang dalawa ay nanatiling mag "Bestfriends" hanggang sa kanilang pagtanda, at pati ang kanilang mga naging mga anak ay lumaki ng magkakaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best FriendWhere stories live. Discover now