May mga negosyanteng nagme-meeting. Pananamit pa lang nila ay halata ng mga mayayaman o may mga matataas na posisyon sila.
" Mr. Trinidad, may naisip ka na bang ideya?" tanong ng isang lalaki na hindi makakailang may mataas ding posisyon na pinanghahawakan.
" Mr. Zamora, huwag ako ang tanungin mo kundi si Mr. Garcia." sagot nya kay Mr. Zamora.
" Huwag nyo akong idamay, dahil wala akong ideya. Dapat na magbigay ng ideya dito ay yung may anak na babaeng ipapakasal sa mga anak natin." sagot ni Mr. Garcia.
"Pero,hindi naman pwedeng lahat ng anak natin ay pakasalan nya." sabi naman ni Mr. Adonis.
"Alam ko na! Pagsamahin natin sila sa iisang bahay at hayaan nating pumili ang anak ko ng mapapangasawa niya sa mga anak nyo sa araw ng debut nya." sagot naman ni Mr. Guevara.
Sumang-ayon naman ang lahat.
"Pero,ayos lang ba sayo? Puro lalaki ang makakasama ng anak mo." tanong naman ni Mr. Trinidad.
"Oo. Marunong naman syang makipagbugbugan eh." sagot naman ni Mr. Guevara.
" Basagulera ba ang anak mo?" tanong naman ni Mr. Adonis.
"Hindi,tinuruan ko lang syang makipaglaban."
Tumango naman ang mga kasama nya.
" Thank you gentlemen sa pagpunta nyo. Kailangan na natin itong sabihin sa mga anak natin."
Tumango sila at nagsi-alisan na.
AFTER:
Sa Garcia Residence,
"Pa?! Hell no! Ano ako nabebenta at nabibili?!" ito ang reaksyon na pinakita ni Simon sa papa nya.
"No anak,para ito sa future mo at maganda naman yong babae eh." sagot naman ng papa nya.
"Porket babaero ako papa,yan na ang gagamitin mo para mapapayag ako."
Napakamot na lang sa ulo nya si Mr. Garcia.
"Oo na. Kanino ba yang anak para mapag-isipan ko kung papayag ako?"
"Kay…Mr. Guevara."
"Ha! Eh dapat kanina mo pa sinabi sa akin. Sino ba yung panganay na anak? Diba may asawa na yun?"
"Hindi yun,yung bunsong anak na babae."
"May bunso ba silang anak na babae? Sa pagkakaalam ko ang bunso nila ay lalaki." nagtatakang tanong ni Simon.
"Hindi pa kasi nila pinapakilala dahil sa hindi pa sya handa."
"Maganda ba talaga yan?"
"Syempre!"
"Edi payag na ako."
"May problema nga lang nak."
"Ano naman pa?"
"Palaban na babae sya."
"Ah,gusto ko yan para challenging."
"Kay,settled na!"
* Sa Zamora Residence:
" Please anak,pumayag ka na." pagmamakawa ni Mrs. Aya Zamora.
"Ma, kawawa naman ang MGA syota ko kapag pinagawa nyo yan sa akin." sagot ni Jin Zamora.
"Anak naman, for us please!" pangngumbisi ni Mrs. Aya.
"Oo na ma, basta huwag nyo na ako papakialaman sunod."
"Yehey!"
"Parang bata.Tch!" inis na tugon ni Jin sa kanyang mama.
*Sa Trinidad Residence:
Nakaupo sa upuan ang isang lalaki ng biglang lumapit sa kanya ang papa nya.
"Van, sige na pumayag ka na."
"Papayag lang ho ako basta makita ko ang mukha ng babaeng iyan."
"Ah,yun lang pala. Syempre makikita mo sya, kasama yan sa usapan namin eh. Thank you anak."
"Ang hirap talaga maging gwapo,ang daming gustong magpakasal sayo. Hayyyy!"
*Sa Adonis Residence:
"Ayoko ma! Masyado akong busy para sa mga kalokohan nyo ni papa!"
"Please Kyle, para sa papa mo,tumatanda na kasi sya at para rin naman ito sayo, please."
"Hayyy!Suko na ako sa inyo."
"Yess!"
*Sa Guevara Residence:
"Anak, naiintindihan mo naman ang daddy diba?" tanong ni Mr. Guevara.
"Oo naman dad,pero ayaw ko ng ganyang plano para lang makahanap ako ng mapapangasawa."
"Pero, para sayo naman ang lahat ng ito anak." sagot lang ng daddy ni Summer.
"Dad,ganyan ka na ba kadesperado na makapag-asawa ako ng papalit sa pwesto mo?"
"Hindi anak, kailangan lang kasi na makasigurado ako na mabait at hindi ka lolokohin ng mapapangasawa mo."
"Pero Dad,wala namang magbabago kapag ginawa ko yan diba?"
"Oo naman."
"Sure ka Dad?"
"Sure ako anak. Sorry kahapon nak ha. Ngayon,sinisigurado ko lang na hindi ka aatras sa napag-usapan natin kahapon."
"Kailan ko po ba sila mame-meet?"
"Next week at titira kayo sa iisang bahay."
"What?!"
"Hindi na pwedeng tumanggi. Umo-oo ka na."
'DA HELL!!!! Bakit nangyayari sa akin to?!!'
**********@^@******************
Hanggang dito na muna. Thank you sa pagbasa,sana nagustuhan nyo.
By:LULLABY_21 @^@