Ang Pinakatatangi kong si Kat

158 4 1
                                    

Ito na yata ang pinakamaligayang araw ng aking buhay. Ang babaeng aking pinakamamahal, dahan-dahang naglalakad sa altar. Kat, ang pinakatatangi kong si Kat. Sino nga ba ang mag-aakalang totoo pala ang kasabihang sa hinahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy? Akala ko kathang-isip lang 'yon pero heto kami ngayon. Ilang sandali na lamang, makakamtam ko na ang pinakamatamis niyang "I do." I can't wait to begin my forever kasama ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko, ang nag-iisang babaeng unang kita pa lamang ay hindi na nawala sa isipan ko.

"Josh, okay ka lang ba?" tanong ng pinsang kong si Ey.

"Y-yeah", nabubulol kong sagot.

"Alam mo, lutang ka", reklamo ni Ey. "Sige nga, ano nga ulit pangalan niya?" paninigurado nito.

"A-ah", nagba-blush kong sambit.

"Kat", nakangiting salo ng magandang babae sa aming harapan sabay abot ng kanyang kanang kamay.

At mula nga ng sandaling 'yon, nagising ang puso kong matagal na natutulog. Ayaw niyang tumigil sa pagkabog. Kamay niya pa lang ang nahahawakan ko pero hawak niya na ang buong mundo ko. Si Kat, ang napakagandang si Kat. Oo, tama! Siya nga ang kabuuan ng babaeng pinapangarap ko.

"Medyo mabo-bore ka dito pero akong bahala sa 'yo", nakangiting kindat sa akin ni Ey.

Mabo-bore? Hindi siguro. Parang kabaligtaran ng boredom ang mararamdam ko. Feeling ko, ito na ang simula ng maliligayang araw ko.

Ring! Ring! Ring!

"Excuse me, guys. Mama's calling", at naputol ang aking pagdi-daydream.

"Kat, mamaya ah. Susunduin kita ng mga seven o'clock", nakangiting baling ni Ey kay Kat.

"Ano ba dapat ang isusuot ko?" hila nitong bulong kay Ey.

"Wala", pilya nitong sagot.

"Anong wala?" kunwari ay naiinis na tanong ni Kat.

"Joke lang, ito naman", sabay akbay ni Ey sa matalik na kaibigan.

"Ano ba 'yan, Ey? Kung magjo-joke ka 'yong nakakatawa naman", sabay tanggal ni Kat sa kamay ni Ey sa kanyang balikat.

"Fine, fine", nakadipang paghingi nito ng dispensa sa tila hindi natutuwang si Kat.

"So, ano nga ang isusuot ko?"

"Okay, ganito", seryosong sagot ni Ey kay Kat. "Kahit anong isuot mo, maganda ka, okay?"

"Joke na naman ba 'yan?" nakasimangot nitong tanong.

"Maganda ka, Katarina Manuela Bernardino, maganda ka", titig na titig na papuri ni Ey sa matalik na kaibigan. "Pero utang na loob naman, maligo ka", dagdag nito kasunod ang malakas na tawa.

"I hate you", nakasimangot na sambit ni Kat kay Ey.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Title YetWhere stories live. Discover now