|| Fanfiction

6K 212 31
                                    

NOTE:

Ni-repost ko ito rito. Ito 'yung ginamit kong piece no'ng nilaban ko sa MHIAMB One-Shot Story Constest ni YanaJin. So, ibig sabihin... sa kanya ko ito i-de-dedicate. Ito rin yung ginamit kong One-shot na sinelf-publish namin sa naganap na PogingWattpadWriter Project. Remind ko lang, this is just a #FANFIC. Hindi ito related sa mismong story ni YanaJin, at saka mahahalata naman. Aysus! :)

PS. Wala na 'tong Part 2!

MAINGAY. MAGULO. MASAYA.

Isang normal na gabi para sa mga taong nandirito ngayon sa bar sa may Cubao. Sayaw dito, giling doon. Halos dito mo lang makikita ang mga taong gustong sumaya, magliwaliw, at gumimik. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng iyan para sa akin. Para sa normal kong gabi.

"Tol, tama na 'yan. Lasing na lasing ka na oh."

Nilingon ko si Sebastian. Isa mga kaibigan ko at kasama ko kanina pa rito.

"Kung gusto niyong... umuwi, mauna na kayo. Iwan niyo nalang ako rito."

Napapailing hindi lamang si Sebastian maging sina Vash, Kaizer at Jacob sa aking tinuran. Bakit ba nila ako pinipigilang maging masaya kahit ngayong gabi lang? Ayos lang naman sa akin kung iwan nila ako rito mag-isa dahil kaya ko pa namang magmaneho mamaya.

"C'mon, dude. Hindi mo na kakayaning magmaneho pa mamaya.” Anas ni Jacob.

“Pare, kaya pa. Kaya ko pa.” Saad ko sa maliit na tono ng boses.

“Gago mo, luluray luray ka na nga d’yan ta’s sasabihin mong kaya mo pa?” Utas ni Vash na kinainit na ng aking ulo.

“Sabi nang iwan niyo muna ako eh!” Bulyaw ko sa kanila sabay bato ng shot glass na ginagamit ko.

Naramdaman ko ng mga oras na iyon ang tinginan sa akin ng mga tao. Ngunit hindi ko sila pinagpapapansin at inutasan na lamang ang waiter na dalhan ako ng basong tatagayan.

“Hayaan niyo nga 'yang mokong na iyan rito.” Anas ni Kaizer.

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom ko rito.

Habang hawak ko ang kopita ay hindi ko naiwasang hindi ito pagmasdan. Bumuntunghininga ako ng malalim at kapagkuwa’y nilunok ang laman nito.

Sabi nila, may dalawang dahilan daw ang isang tao kung bakit umiinom ng alak. Ang una, dahil sila ay masaya. Masaya na maaaring may naabot na tagumpay, o ‘di kaya nanalo sa lotto o 'di naman kaya ay nasagot na ng taong nililigawan. At ang pangalawa raw, dahil sa lungkot na nararamdaman. Lungkot na maaaring dala ng problema sa pera o pamilya, nakipagbreak ang iyong syota sa araw ng inyong monthsary at maaaring wala na sa mundong ito ang isa sa mga taong pinagkakaingat-ingatan mo.

Alin nga ba ako sa dalawang dahilan na ito? Bakit nga ba ako nag-iinom ngayong gabi? Maaari kayang may nangyaring maganda o may sakit ng damdamin akong iniinda?

Nakasandal ako sa sopa ng inuupuan ko habang pinapakiramdaman ang sarili kung nakakaramdam na ba ako ng pagkalasing. Sinubukan kong tumingin sa isang bagay sa itaas at tiningnan kung hindi pa ba blur ang aking paningin.

Nung una’y malinaw pa naman ngunit maya-maya’y bigla itong nagiging malabo, kung hindi malabo nagiging madami.. Ugh! Shit, 'di pwede. Kaya ko pa.

Napatigil ako nang marealize ko ang ginagawa ko. Oo nga pala, tinuro sa’kin ‘to ng isa sa mga naging kaibigan ko. 'Di ko tuloy naiwasang maalala muli ang araw na tinuro niya sa’kin iyon. Dito rin iyon sa bar na ito.

“Anak ka nga naman ng pitumpu’t puting tupa, Zeke oo! Naglalasing ka na naman?” Dinilat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng isang napakatinis na boses na nanenermon sa’kin.

Beyond Expectation (One-Shot)Where stories live. Discover now