Isang Pluma, Isang Kape.

35 11 10
                                    

Wala sa hinagap kong magtatrabaho ako sa isang hamak na coffee shop na 'to. Ayaw na ng boss ko na i-renew ang kontrata ko sa kumpanya nila, malas daw ang hatid ko dahil nagkanda-lugi lugi sila.

Lang'ya, ako pang sisisihin gayong sila ang nagbaon ng sarili nila sa utang at hindi makabawi dahil nagsipulasan ang mga kliyenteng sa una lang magagaling. Anong kinalaman ko sa pagkasulot ng mga hinayupak na kliyenteng 'yon?!

"Brad, kunot na kunot na naman ang noo mo. Hindi sasarap ang timpla mong kape dahil walang sangkap na pagmamahal. Isapuso mo ang ginagawa mo, ang aga aga mukha kang problemado agad. Chill lang, okay?" nabungaran ako ni Miguel na wala sa huwisyong hinahampas ang mamahaling coffee mixer nila. Pilit kong kinalma ang sarili.

"Pasensya na, Brad. Naalala ko lang ang panggagagong ginawa sa'kin ng boss kong demonyo. Ayos pa naman 'tong mixer niyo, huwag kang mag-alala." ngumiti ako sa kaibigan ko kahit na nanggagalaiti parin ako dahil ang inaasahan kong resignation payment mula sa siyam na taong pagtatrabaho ay wala 'kong napakinabangan ni piso.

"Wala 'yon, Charlie. Ang mahalaga makakapagsimula ka na ulit." salamat na lamang sa kaibigan kong 'to. Kung 'di dahil sa kanya tutunganga kaming magkakapatid sa gutom. "Oh, gawa na pala 'yang kape mo. Dali't i-serve mo na sa maganda nating costumer, kanina pa 'yon naghihintay sa'yo."

Napangisi naman ako sa tinuran ng kaibigan ko. Mukha siyang tangang nakangiti sa kawalan. Tumikhim ako para maibalik siya sa katinuan. "Pinapaalala ko lang sa'yo Brad, may syota ka. Tigilan mo 'yang paghaharot mo at baka makarating kay Marie, sinasabi ko sa'yo magpapaalam 'yang pagkalalake mo."

Napairap naman siya sa hangin. "Oo alam ko, may jowa ako. At mahal na mahal ko 'yon. Sadyang 'di ko lang mapigilang humanga sa kagandahan nitong si Miss Angel. Tignan mo'ng sinasabi ko at makiki-"

"ANONG PANGALAN NIYA?" sa gulat ko'y naisigaw ko ang tanong na nasa isip ko lang. Matapos takpan ang kanyang tainga, sinapak ni Miguel ang braso ko.

Ininda ko ang sakit dahil sinilip na kami ng manager para siguro tignan kung ano nang nangyayari sa kitchen niya. Tinitigan lang kami nito nang masama at umalis na rin agad.

"Pasensya na, nagulat lang ako dahil may naalala ako sa pangalan niya. 'Eto na nga't ihahatid ko na 'tong kape sa customer natin. Table 18 siya, tama?"

"Oo, Charlie. 'Wag ka sanang madapa pag nasilayan mo na ang kagandahan niya."

Sinaluduhan ko siya ng isang malutong na pakyu at tuluyan nang lumabas para hanapin ang kostumer kong nag-aadik sa kape.

Hindi naman mahirap hanapin, dahil sa mga oras na 'to dadalawa pa lamang ang mga costumer namin. 'Yong isa matandang lalaki, kaya matik nang doon ako pupunta sa babaeng nagkakalat ng mga nilamukos na papel.

Ito na ba ang "Angel" na sinasabi ni Miguel? Kababaeng tao ang burara. Huminto muna ako saglit at mataman kong pinagmasdan ang kabuuan niya.

Hindi narin masama. Aakalain mong isa siyang artista o anak-mayaman sa postura at pananamit niya. Natutuwa akong pagmasdan ang paglukot ng mukha niya dahil lumalabas ang mga dimples niya sa pisngi.

Nagising ako sa ulirat nang bigla niyang hampasin ang walang kamuwang-muwang na coffee table na hindi naman kaniya. Nagsiliparan ang mga nalamukos na papel pero mukhang wala siyang balak na pulutin ang mga iyon. Dismayado akong nagpatuloy sa paglalakad upang mai-serve na ang kape at nang sa gayo'y mawala na siya sa landas ko.

Pero tanginang sintas 'to. Napatid ako nang wala sa oras kung kaya hindi sinasadyang nabitawan ko ang platito at sa malas nga naman nabuhos ang laman ng isang tasang kape sa kawawang lamesa.

"Punyeta ang laptop!"nagulat ako sa bilis ng reflexes ko at nahagip ko agad ang mamahaling laptop para masigurong hindi ito nadamay sa pangkukulam na ginawa sa'kin ng tarantadong Miguel na 'yon.

Isang Pluma, Isang Kape.Where stories live. Discover now