"Walang Lugar sa Mundo"

59 16 21
                                    

     PAPAUWI na galing sa eskwela ang binatang si Simon nang hapong yaon; ang mabagal nitong hakbang ay napalitan ng kaliksian nang matanaw nito ang grupo ni Maria—lider ng mga bakla. Takot siya sa mga bakla:

        
     “’Kala mo naman ikinaganda nila ‘yang labis na pangkokolorete; nagmukha lang silang coloring book ng isang 5 years old,komento nito sa nakita niya

     Nang makarating na ito sa kanilang bahay ay kaagad itong dumiretso sa loob ng kaniyang kwarto sa ikalawang palapag. Inilagay niya sa sabitan na pako ang backpack niya at hinilata ang sarili sa kahoy na kama para tanggalan ng sintas ang sapatos niya nang bigla-bigla ay sumalangsang sa tainga nito ang boses ng kaniyang ina na animo ‘y nasa kusina sa baba:

    Ano ba iyan, Josepeno, pati isang takal ng bigas aydi mo magawa. Ano ang ipakakain mo sa mga anak mo ngayon? Ha?!dinig nitong ulirat ng kaniyang ina sa ama niya.

     ISA lamang na magsasaka ang ama ni Simon na si Mang Josepeno; minsa’y nakapag-aani ng marami at ipinagbili pero mauubos din kaagad ang kita dahil sa inunahan na nila ng utang sa tindahan at may panahon ding walang-wala sila dahil nga napipiste ang pananim nila.

     Maging si Simon ay  namomroblema sa panghapunan nila nang hapon na iyon dahil may mga bunso pa itong dapat kaawaan. Muli nitong itinali ang sintas ng sapatos at pinalitan ng mapusyaw na T-shirt na meron siya ang polo shirt nitong isinuot at saka nagmamadaling lumabas ng bahay at hinayaan ang sarili kung saan mapadpad.

     Sa isang kanto nakatagpuan niya ang kaniyang kaklase na si John. Nang mapansin siya ay nagbitiw ito ng masiglang ngiti at saka inambaan si Simon.

    “O, Monmon! Bakit napakasimangot mo? Sige ka,” panunudyo nito kay Simon pero sumeryoso ito kaagad nang nagkapakawala ito ng buntong-hininga.

      Kailangan ko talaga ng pera ngayon, John. May alam ka bang mapagkunan? pagtatapat nito sa kaklase

     “Ah! Sama ka sa ‘kin, Mon.” Pinapasunod nito si Simon. Pumasok sila sa isang eskinita. Kumatok si John sa isang kahel na pintuan at may nagbukas nito.

     “O, John, may problema?” ma-prangkang tanong ng bakla. Napalanghap ng hangin si Simon sa napagtanto—ang lugar na yaon ay kampo ng mga kinatatakutan niya.

     “Kailangan pala ng pera ang isang ‘to. Puwede na ba ‘to?” diretsong sagot ni John

     Pinasadahan naman nang tingin si Simon mula ulo hanggang paa ng bakla. Tumaas ang kaliwang kilay nito.

     Ibalik moyan sa kagubatan. Hayaan mong pagtiyagaan niya ang saging.”
 

 

              ~End~

Ano ang ibig sabihin ng bakla?
Anong klaseng tao ba si Simon?

 

     

Salamin Ng BayanWhere stories live. Discover now