Chapter 2

71K 1.7K 485
                                    

Chapter 2

I can't believe this. Ikaros Vicente Maravilla is the freaking hot guy on the road! Naipagpasalamat ko pa tuloy ang near death experience ko. He have strong pair of arms for catching me. Literal talaga akong na-fall sa kanya.

This will be easy, isip-isip ko. I mean, have you seen me? Ang perfect ko kaya!

I wore my short shorts and halter top matched with strappy sandals. Kitang-kita tuloy ang makinis at mahaba kong biyas. I should really thank my Brazillian genes for that, credits to my father whom I never met. Ang sabi ni Mama nakalandian lang daw niya ito tapos hindi na nagpakita.

Siniguro ko munang magandang, magandang, magandang at humahalimuyak ako sa bango bago bumaba para sa breakfast. Nakalugay ang mahaba at tuwid na tuwid kong buhok. Huwag ka, hindi 'to rebond, all natural, no preservatives added. Habang pababa ako ay napapalingon naman ang mga maids na naglilinis.

Aba, dapat lang!

"Good morning senyorita," bati nila sa akin.

I give them my most charming smile.

Dumiretso ako sa dining. Naroon na si Mama at handa na ang pagkain. Lumawak ang ngiti ko nang makita ang aking future husband. Oo, kini-claim ko na. Advance kasi ako mag-isip. Go KAPA!

"Good morning hija," my mom greeted me.

I rolled my eyes at the back of my head. What a drama queen.

"Good morning po." I even kissed her on her cheek.

"Good morning Ikaros..." sabi ko sabay ipit ng buhok sa tainga. I got his attention. "Is it okay if I call you by your first name?" pa-demure kong sabi.

I sit in front of him.

"Ayos lang naman," sagot niya.

I nodded.

"Anyway, I haven't thank you enough for saving me last night." I flashed my dashing smile. "Maraming salamat talaga," madamdamin kong saad.

"Walang ano man."

"Let's eat?" sabi ni Mama na feel na feel ang pagiging donya.

I suddenly realized, this guy must be kind for letting my mother stay kahit wala namang iniwan sa kanya ang namayapang si Senyor. I shrugged my shoulder and started eating.

"Hijo, ano'ng gagawin mo para sa araw na ito?" tanong ni Mama.

"Tutulong po sa anihan," Ikaros answered.

Ang tipid niyang sumagot. Mom nodded.

"Maaari mo bang samahan itong si Vida mamasyal? O 'di kaya isama mo na lang siya para makita naman niya ang sakahan."

Nanlalaki ang mga mata ko sa lantarang pahayag ni Mama. Although, pabor iyon sa akin.

May narinig akong tumikhim, si Nanay Belinda, ang mayor doma rito. Sa totoo lang nakakatakot siya. The way she stares parang palagi kang hinuhusgahan. Ang sabi ni Mama ay matagal na siya rito at pinagkakatiwalaan ni Senyor Fortunato. She also warned me about her na mag-iingat. Clearly, hindi sila in good terms ni Mama.

"Hindi ba makakaabala iyon sa trabaho mo Ikaros? Bakit hindi na lang magpasama sa isa sa mga tauhan?" She said that while staring at me.

Muntik na akong masamid.

"Ayos lang naman, Nay. Wala naman na akong masyadong gagawin."

Mabuti na lang at pinagtanggol ako ni future hubby.

"Ikaw ang bahala," sabi ni Nay Belinda bago pumasok sa kusina. I saw my mom secretly rolled her eyes.

"Tita, it's okay, I can manage. Nakakahiya naman kay Ikaros. Masyado na akong nakakaabala." Sinulyapan ko si Ikaros na sumisimsim ng kape niya. S'yempre, dapat din galingan ko ang acting ko.

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon