Chapter 1

28 0 0
                                    

Robert's POV

Naglalakad ako papuntang school dala-dala ang 5 cartolina na black, 3 white, tsaka 2 Green. Ito kasi yung in-assign sakin ni Rachellyn eh. Magde-design kasi kami. September na at Science Month kaya aasikasuhin namin ang theme para ngayong Month.

Bakit may pa ganyan? Ewan ko sa school.

Malapit lang ako sa school namin, Thauseova University, kaya linalakad ko lang may shortcut rin naman kaya mas mapapadali ako.

6:28 na ng umaga. Ang aga ko nga eh. Alas-otso pa pasok namin pero dahil Secretary ako ng TUSC ( Thauseova University Student Council)
kailangan kong tumulong sa kanila.

Malapit na ako sa gate at natatanaw ko na ang dalawa kong tropa na nasa gate.

"HAHAHA pucha ginawa mo yun?! Qaqo kaa!"

"Ano pa nga ba? Pogi ako eh!"

Tumawa na naman si Jerich at saka sya napalingon dito at nakita ako.

"Oh! Andito na pala ang mas pogi kay JM!"

"Lah! Hayup ka Jerich!" sigaw ni JM kay Jerich sabay batok. Hayyy nako

Tumakbo palapit sakin si Jerich sabay pabigat sa balikat ko. Tunguna!

"Ano ha? Sipag mo kasi masyado Secretary Pogi!" sabi sakin ni Jerich.

Kinuha ko yung 2 Green at 3 white na cartolina at hinagis sa mukha nya. BOOM SAPUL!

"Qaqo ka! Dalhin mo na yan! Lagot ka sa Dragon! HAHAHAHA!" sabi ko at tumawa ng tunawa. HAHAHA eh kasi naman, pag nagagalit yun mukha syang sasabog at magbubuga ng apoy! HAHAHAHA

"HAHAHAHAHA" tumawa kaming tatlo.

"Ha-Ha-Ha.." pahina ng pahina na tawa nila JM..Problema neto?

"Oh? HAHAHHA bat kayo tumahimik? Laptrip kayaa! HAHAHAHA qaqo sakit na ng tyan ko! HAHAHAHA---"

"JOHN ROBERT PANOON PAJUELAAAS! HUMANDA KA SAKIN!" tengena!

"Ra-Rachellyn...Ha-ha. Chill! T-Tekaaa!" takteng iniwan ako nila Jerich!

Tumakbo ako ng mabilis at lumiko liko! HAHAHAHA sanay na kami sa isa't-isa ganyan talaga kami! First year pa lang magka-klase na kame at magkasama sa mga Organization or Club.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapunta ako ng Garden.

"Hooo! Nakakapagoood!" sigaw ko tsaka naupo sa isang bench. Tch!

Napatingin ako sa paligid. Napangiwi na lang ako at napailing.

"Aiish.. Ang ganda nga ang baduy naman." bulong ko.

"Mas baduy ka"

O_O

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jheanada na biglang umupo sa tabi ko. "Mr. Secretary, ang lugar na toh ang pinakamaganda sa school at pinakapayapa.. " lumingon sya sakin "...kaya wag mong masabihang baduy toh." sabi nya saka inayos yung uniform nya at palda.

"Tss. Umayos ka nga! Kababae mong tao ganun ka umupo" sabi ko tsaka linagay yung bag ko sa gilid. Inayos ko rin yung 5 cartolina na naiwan sa...kin

"Sh8t! Nahulog yung dalawa!" takte dagdag atraso ko kay Rachellyn!

"Ano ba yan! Mamaya pa bukas ng supplies dito!" kamot ulo kong sabi.

"Tch." napalingon ako kay Jheanada at nakita ko syang pumikit at dinama ang hangin.
Maganda na toh eh. Ang angas lang pumorma, kala mo di babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of FantasyWhere stories live. Discover now