1

11 0 0
                                    

Nakadungaw sa bintana ang dalagang si Kaye habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Napakaganda naman ng mga bituin sa langit." Sabi ng dalaga.

"Gusto ko rin maging isang bituin na nagniningning.
Sana matupad ko ang mga pangarap ko, gusto ko talagang maging singer pangarap ko talagang umawit sa entablado." Saad niya.

Sa ilang sandali ng pananatili nya sa bintana, pumukit sya at nanalangin sa Panginoon na sana ay matupad ang kanyang mga pangarap.

Hindi parin tumigil si Kaye sa kanyang pag iinsayo.

Isang araw, na imbitahan sya ng kanyang pinsan na dumalo sa isang kasalan upang gawing mang- aawit, at ito'y hindi nya tinanggihan.

Sa kasalan ay buong galak na umawit si Kaye. At lahat ng tao na imbitado sa kasal at pati narin ang bagong kasal ay talagang humanga sa angking galing sa pag awit ni Kaye. At ang hindi alam ni Kaye ay meron palang isang taong nakamasid sa kanya at ito ay walang iba kundi si Mark Bautista.

Si Lorenz Bautista ay isang sikat na aktor sa pilikula at isang sikat na mang- aawit din. Lumapit ito kay Kaye at nagpakilala. At kinuha niya ang kanyang cellphone number ni Kaye.

Isang araw habang pauwi galing sa paaralan si Kaye , ay biglang tumunog ang kanyang c.p. Nang kanyang sagutin nabigla sya dahil ito pala ay walang iba kundi si Lorenz Bautista. At walang pagsidlan ng kanyang kagalakan dahil inimbitahan sya ni Lorenz sa kanyang concert. Hindi lamang para manood kundi para umawit.

BituinWhere stories live. Discover now