Ibang Mundo: Pangalawang Pagkakataon

95 1 0
                                    

          "Paki-usap, maawa ka." Pagmamakaawa at pag hingi ng tawad ang tanging nasa isip ko ngayon. Ako'y nasa harapan ng aking matalik na kaibigan na akala ko'y itinuturing din akong kaibigan. Subalit, ako ay kanya lamang kina-ibigan upang ako'y gantihan at patayin. Dahil sa mataas kong ambisyon na maka-angkat ng katayuan kaysa sa nakararami ay marami ang aking pinahirapan, tinapakan at pinatay upang matupad ang hangarin kong ito. Iyon na siguro ang karma ko, ang parusa sa mga naging kasalanan ko.

           Ang huli ko nalang inisip at hiniling ay, "Kung maibabalik ko lang ang panahon, sisiguraduhin kong itatama ko na ang mga pagkakamali ko at mabubuhay bilang isang mabuting mamamayan. Paki-usap."

           "Haa, haa, haa," Nagising ako sa taon na 2000, ang taon kung kailan nag-simula ang lahat. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Ramdam ko pa rin kung paano tumusok ang mga patalin sa iba't-ibang parte ng aking katawan, ang sakit na aking naranasan, kawalan ko ng pag-asa at ang pakiramdam ng pagtataksil niya, ang taong aking minahal at itinuring na pamilya. Ang huli ko nalamang naalala ay ang aking hiling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dagli Mula SakinWhere stories live. Discover now