PUSO NG SAGING (Ang Saging Bow fanfic)

11.7K 377 156
                                    

This is a fan fiction of Ate Casper's Ang Saging Bow and I wrote this way back 2013 or 2014 pa ata.

I know you are in a happy place now, Ate, but we will miss you. Rest in loving peace, Ate Casper.

SiLi 💚

_________________________


EVA POV


Hi. Ako si Eva.

Ang ganda ng pangalan ko no?

Maganda ko. Sexy. Matalino. Mayaman. Asakin na lahat.

pero bakit nga ba yun ang pangalan ko?

EVA.

Isang modernong Eva.

Kung noon, mansanas ang kinagat ni Eba.

Ako naman, ang gusto kong kagatin..

ay saging.

Saging ni Adan.

"Hey bessy.. tara bumili ng saging kay Adan ^__^"

Kasama ko nga pala ngayon ang bestfriend ko. Wa na natin sabihin ang pangalan nya dahil hindi naman sya mahalaga sa kwentong to.

"Kakaiba ka talaga, pwede ka namang magpabili sa yaya mo sa supermarket ng saging eeh."

"Gusto ko kasing ako mismo ang bumili ng saging. Gusto kong ako ang mismong makahawak ng saging ni Adan. Kahit maghapon ko pang hawakan."

At nagtawanan kaming dalawa.

Pumunta na kami sa stall ni Adan.

Ang laki talaga ng saging ni Adan.

May mga katabi ring tindero si Adan na nagtitinda ng saging.

Iba't-ibang klase ng saging.

Merong nasobrahan na sa hinog at lalanta lanta na.

Meron namang hilaw pa at hindi pa pwedeng isubo.

Meron namang nasobrahan sa pagkadilaw na akala mo nakulangan sa dugo.

Meron ding mga saging na ready to eat na.

Nasa harap mo na..

hindi mo na kailangan pang ibaba ang..

balat.

Meron kasing saging na nakatuhog na..

sa stick.

Banana cue ba.

Meron namang saging namilipit na.

nasobrahan siguro..

sa pagmamasa.

Yun bang Maruya.

Pero wala pa ring makakatalo sa saging ni Adan.

Ang saging kasi ni Adan ay..

mabango

matamis

at

malasa..

lakatan ba.

Minsan ang saging ni Adan..

mataba

manipis ang balat

at may kaputian..

yun bang latundan.

Pero sa tingin ko depende sa mood ni Adan ang saging nya..

minsan kasi

maliit lang

pero kyut.

Pero kahit maliit

matamis pa rin ito.

Yun bang Senorita.

Lumapit ako kay Adan..

ang kasama ko umalis na,

sabi nya kasi pupunta sya kay Berto dahil mas gusto nya ang saging ni Berto..

malamig,

at nanunuot sa lalamunan..

Saging con Hielo.

"Adan, pabili naman ng saging."

"Uyy Eva, ikaw pala ulit. Anong saging ba ang gusto mo? Halika pili ka."

"Gusto ko sana yung mahaba."

"Meron ako nyan Eva!"

"Saka sana yung mataba."

"Sakto! Mahaba at mataba!"

"At sana yun ding masarap."

"Mahaba, mataba, masarap! Meron ako nyan Eva ^___^"

"Saka pala Adan, meron ka bang binebentang...."

Naputol ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan..

"Ano yun Eva?"

"Meron ka bang binebentang PUSO ng saging?"

Natahimik din sya.

Nagkatinginan kami.

PUSO ng saging..

"Sa tinagal tagal mong bumibibili dito Eva, ngayon ko lang ata naghanap ng puso ng saging."

"Hindi naman ang saging mo ang dahilan kung bakit ako pumupunta dito."

"Kung hindi saging ko ang dahilan ng pagpunta mo dito, anong dahilan mo?"

"Ang puso mo Adan."

Deretso kong sinabi yun.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

Nahihiya ako.

Ako ang babae

pero ako ang umamin.

NAKAKAHIYA >////<

Hindi ko namalayan na andito na pala sya sa harap ko..

at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Hinawakan nya ang mukha ko dahilan para magkatinginan kami..

"Eva, kung maging puno ako ng saging... anong una mong kukunin?? Ang puso ko? O ang saging ko?"

"Adan....











pwede bang both?"

THE END XD

PUSO NG SAGING (Ang Saging Bow fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon