Prinsesa ni Papa

11 0 0
                                    

Nakatunganga lang ako sa isang napakagandang kalangitan habang ang mga butuin ay kumikinang kasama nito ay isang bilog na bilog na buwan,

Ang sarap namnamin ng katahimikan,
Katahimikang antagal ko nang inaasam asam,
Ang sarap langhapin ng napakasariwang hangin,
Ang hanging tanging yumayakap sa akin,
Ang ang sarap sa pakiramdam na alam mong magiging malaya ka na,
Malaya sa lahat ng bagay,at ikay mawawala na

Habang akoy nakatunganga at iniisip ang nakaraang handa ko nang kalimutan at iwan

-*-

"Mellisa,nandito na tayo sa iyong kwarto"sabi ng lalaking umaakay sakin

"Mang perding,hindi bat masyado namang malaki ito para sa akin?"nagugulumihanang pagtatanong ko

"Sa iyo talaga dapat iyan,mellisa kung hindi ka lang nawalay sa iyong ama't-ina"

Ako pala,ako pala ang tagapagmana ng ari ariang pinundar ng aking ama't Ina,
Ang sabi nila pumanaw na raw ang aking ina sa sakit na leukemia,kaya si ama nalang ang natira sa mansion na ito dahil ako'y nawawala nga dati

Ngayon na andito na ako,ndi ko alam kung kaya ko bang gampanan ang tungkulin ko

---

"Mellisa,anak bakit hindi ka pa bumababa"katok ni ama sa aking kwarto,
Hindi ko iyon mabuksan dahil namimilipit ako sa sakit ng Ulo,
Kahit pag bulong ay hindi ko magawa,ni huminga ay nahihirapan ako

Bumukas ang kwarto at iniluwa non si ama,
Ang amang nagaalala sa kanyang prinsesa,

"Anak,anong iyong nararamdaman?"bakas sa kanyang mga mata ang pagkabalisa at kalungkutan,

Hindi ko tuloy mapigilang magisip kung ganon rin ba ang mararamdaman ni Ina kung sakaling ang kanyang anak ay nanghihina na,
Hindi ko mapigilang magisip kung
sana hindi ako nawala noon?masaya at buo pa ba ang pamilya ko ngayon?Edi sana naranasan kong magkaron ng buo at napakasayang pamilya,
Nanghihinayang ako,dahil sana kung hindi ako nawala,mas marami pa akong mabubuong memorya sa magulang ko,

---

Akoy dinala ni ama sa doctor at pinatingnan ang aking kalagayan,hindi nako nagulat sa aking nalaman,matagal ko nang alam at matagal ko na rin iyong nilalaban,
Kaso ang hirap makipaglaban kapag alam mong sa huli Ikaw pa rin ang talunan,

Lumipas ang mga araw,buwan,at taon,habang akoy nanghihina anjan si ama para ako'y muling ibangon,lagi niya akong kinukwentuhan kung pano sila nagkakilala ni Ina,alam kong masakit para sakanya na makita ang anak na nanghihina at wala siyang magawa,

Kahit na hirap na hirap ako tuluyan parin akong lumalaban,gusto ko pang makasama ang aking ama na kahit sa konting panahon lang makabuo kami ng masayang ala ala,

Kaso sadyang katawan ko'y nanghihina na,hindi ko na yata kaya,pero natatakot akong mawala,dahil pano na si ama,kawawa naman siya,nawala na nga si Ina ng dahil sa sakit ng leukemia pati ba naman ang kanyang prinsesa,

Araw araw kong pinagdadasal si ama,na sana maging maayos pa rin siya pag akoy sumuko na,na sana muling manumbalik ang kanyang saya katulad ng kami ay muling magkita,na sana alagaan niya ang sarili niya,tulad ng pag aalaga niya sa kanyang prinsesa,

"A-ama"nanghihina kong sambit

"Prinsesa ko ikaw muna'y magpahinga,wag ka munang magsasalita"marahan at malaman na pagkakasabi ni ama

Sinimulan kong titigan si ama pinupunasan niya ng maligamgam na panyo ang sobrang payat kong katawan,

Pati si ama at nangangayayat na,ang kanyang napakagandang mata ay may nangingitim na sa bawat gilid nito,ang kanyang napakakinis na mukha ay nagkakakulubot-kulubot na rin,hindi ko namamalayan na habang tinitingnan ko si ama ay nagsisimula ng tumulo ang aking mga luha,
Unti-unti akong nagdasal na sana hayaan niya na matapos ang araw na ito dahil alam kong kinabukasan tuluyan nakong mawawalan ng lakas

"Ama patawad,"yan nalang ang tangi kong nasambit habang nakatitig kay ama

"Anak ko,alam ko,pinapatawad kana ni papa"sumilay ang ngiti sa kanyang mukha pero alam kong iyon ay peke lamang,alam kong pinapagaan lamang ni ama ang aking kalooban,

"Ama patawad,"paulit-ulit kong sinasambit sa kanya

"Prinsesa ko,naantok kana ba?"malumanay na tanong ni papa

"Patawad ama kung susuko na ang iyong prinsesa"at doon tuloy tuloy na lumandas ang luha sa aking mga mata,

"Anak alam ko,alam kong pagod kana at nahihirapan,patawad anak kung naging makasarili si papa"sabi nito ay hinahalik-halikan ang aking likod ng palad,

"P-papa"pahina ng pahina ang aking boses dahil pinipilit ko nalang magsalita

"Anak ko matulog kana,doon na matutulog si papa sa kwarto nila ni mama,pahinga kana anak,hindi kayang matulog ni papa sa tabi ng kanyang prinsesa,salamat anak sa kaunting Oras na ibinigay mo sa akin,salamat kasi nakilala ka manlang ni papa bago ka umalis,ang daya lang kasi kayo ni mama mo magkakasama na,maiiwan na ulit si papa na nagiisa"habang sinasabi iyon ni papa parang milyon milyong kutsilyo ang tumutusok sakin,ang mga luha ni papa na diretsang bumabagsak mula sa kanyang mga mata ay nakakapanghina,ayokong nakikita si papa na umiiyak,nakakalambot ng Puso,

"S-salamat p-papa"tanging sambit ko,

Hinalikan naman ako ni papa sa noo

"Sige na anak ko,aalis na si papa,pahinga ka na huh,mahal na mahal ka ni papa"sambit nito at humihikbing lumabas ng aking kwarto

"Paalam papa"mahinang sambit ko at doon na niya tuluyang sinara ang pintuan

---

Unti unti nakong nahihirapang huminga,kinakapos nako sa hininga,at unti unti na ring sumasara ang talukap ng aking mga mata

"Paalam papa hindi na talaga kaya ng iyong prinsesa,mahal na mahal kita"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PRINSESA NI PAPAWhere stories live. Discover now