Prologue

15 0 0
                                    

Blangko ang mukha ng isang lalaki habang nakatingin sa labas ng bintana ng isang silid. Napalitan iyon ng takot ng makarinig siya ng tunog ng isang motorsiklo at agad siyang napasuot sa isang sulok at panaka-nakang pagsilip sa bintana ang kanyang ginagawa.

Awa.
Awa ang mararamdaman ng sinuman na makakita sa kanya.

Maitim ang palibot ng mata, na animo'y hindi natulog ng isang taon. Malago rin ang bigote nito at balbas-sarado na. Ang kung sinuman na makakakita sa kanya ay hindi na siya halos makikilala. Kung noon ay nakikita sa kanyang mukha ang kakisigan ngunit wala na iyon ngayon. Wala na ang matamis nitong ngiti sa labi. Wala na ang kanyang msasayang tawa at wala na rin ang mga walang kwenta niyang biro na kahit ganun ay napapasaya nito ang pamilya. Ang lahat-lahat na iyon ay napalitan na ng lungkot at takot.

Dahan dahang pumasok sa loob ng silid niya ang isang babae. Mula sa bintana ay napalipat ang atensyon niya sa dumating. Mababakas sa mukha ng lalaki ang pag-iiba ng ekspresyon ng kanyang mga mata napalitan ito ng saya, pagmamahal at lungkot. Nakatitig lang siya sa babae na animo'y kinakabesa ang bawat sulok ng mukha nito. Maganda ang babae, mayroon itong maputi at makinis na balat-na parang anak-mayaman. Singkit ang mata, may mahabang buhok at mapulang labi na mas pinapula pa ng kolorete nito. Walang nagsasalita sa dalawa, namayani sa pagitan nila ang katahimikan habang parehas na magkahinang ang mga mata. Pero saglit lamang iyon.

"Lean," tawag sakanya ng lalaki sa mahinang tinig, waring ang pangalan ay isang mamahaling bagay na anumang oras ay maaaring manakaw o mabasag.

Umupo ang tinawag na Lean sa isang bangko sa harapan niya. "Samuel, kamusta ka na? Ayos ka ba dito ha? Magpakabuti ka ha. Huwag mong alalahanin ako at ang pamilya mo nasa maayos ang lahat. Samuel, pakiusap ayusin mo ang sarili mo. Nandito kami, ang pamilya mo pati na ang mga anak mo. Mahal kita tandaan mo yan" anas ng babae sa mahina at malambing na tinig.

Tangi tango ang sinagot ni Samuel kay Lean.

Namutawi muli ang katahimikan ngunit ang mata ng lakaki ay nakatitig lang sa babae, na animo'y kapag nalingat ay mawawala ito.

Mahinang katok at ang pagbukas ng pinto ang nagpabasag sa katahimikan sa pagitan nila. Sabay silang napatingin sa pintuan. May takot na nakapaskil sa mukha ng lalaki, unti-unti niyang si sinusuksuk ang katawan sa gilid ng kama.

"Paumanhin po, oras na po kasi para sa kanyang pag-inom ng gamot," aniya ng kapapasok lang na Nurse.

Tumayo na ang babae mula sa pagkakaupo at agad naming lumamit ang nurse kay Samuel. Tumayo lang ang babae malapit sa pintuan. Pinagmamasdan nito ang ginagawang pagpapainom ng Nurse dito.

Awa ang nararamdaman ng babae para sa asawa. Hindi niya lubusang matingnan ang nangyayari dito kung kaya't ipinukol na lang ang atensyon sa buong silid.

Maliit lamang iyon, ang tanging nasa silid ay ang maliit na kama at maliit na lamesa. Walang disenyo ang pader at tanging puting pintura lamang.

Isang malakas na sigaw ang namayani sa buong silid. Patuloy na nagsisigaw at nagwawala si Samuel. Hindi na tuluyang nakayanan ni Lean pagmasdan ang asawa kahit ipilig niya ang ulo kahit saan, rinig niya pa rin ito. Kahit ganun hindi hinayaan ni Lean na makita ng asawa ang pagpatak ng luha niya. Pinipigilan niya.

"Mabuti pa po hayaan na po muna nating magpahinga ang pasyente," pahayag ng nurse matapos ang paggagamot.

"Makakalabas ka rito at sana maayos kana. Sige Samuel, iiwan muna kita babalik rin ako bukas. Isang linggo lang ako rito at babalik na uli ako sa probinsya. Samuel magtiwala ka lang sa Kanya. Magiging ayos din ang lahat huwag mo lang kalimutan ang pagtawag sa Kanya" madamdaming wika ng babae.

Hindi na kayang magsalita pa ng lalaki dahil sa epekto ng gamot. Agad na lumabas ang babae kasama ang nurse. Sa paglabas ng babae ay doon na tumulo ang mga luha na kanina niya pa kinikimkim. Naaawa siya para sa asawa. Natatakot siya sa maaaring mangyari rito.

"Panginoon kayo na po ang bahala sa kanya" ang nasabi na lang ng babae habang magkasilop ang mga kamay.

Napatingin siya sa biglaang pagsasalita ng nurse "Nagiging ayos na po ang katawan niya. Kunting panahon na lang po. Magtiwala lang po tayo."

Isang tango at maliit na ngiti ang sinagot niya sa nurse. Nagpatuloy na siyang maglakad sa kahabaan ng pasilyo. May luhang gusting kumawala muli ngunit agad niya itong pinapahid. Magtiwala lang tayo sa Kanya.

Ngunit iba ang nasa loob-loob ng lalaki, para sa kaniya ay ang bawat hakbang na ginagawa ng babae papalayo sa pintuan ay nangangahulugan na papalayo ang babae sa kanya buhay, na unti-unti na siya nitong lilimutin na hindi na ito muling babalik, na wala na ang pagmamahal na sinasabi nito. Mag-isa na lang namang siya.

Hanggang sa tuluyan ng namayani ang katahimikan sa silid at tuluyan na siyang lamunin ng dilim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unbelievable WifeWhere stories live. Discover now