Changes

257 13 7
                                    

Hi? I've found this one shot on my drafts from months ago. I've actually written it after that day na biglang umiyak si Jackie habang kausap si Vice. Here it is.


Jackie

Have you ever experience changes in your life? Naranasan niyo na bang parang lahat sa paligid niyo nagbabago? Na iyong mga dati niyong nakasanayan ay hindi na katulad ng dati? Malamang oo, diba? I don't even know why I'm asking it because as the saying goes, change is the only permanent thing in this world. Wala namang masama sa mga pagbabago. It is normal. There are changes that have to be made in order for us to grow. Paano nga naman tayo makaka move forward kung naka stuck lang tayo sa past diba? There are positive and negative side of change. It'll either make you or break you. Either way, life must go on.

Sabi ko nga normal lang iyong mga pagbabago pero hindi ko naman sinasabi na madali para sa lahat na tanggapin lahat ito. Ang masakit pa doon ay nakikita mismo ng sarili kong mga mata ang unti-unting pagbabago. Katulad na lamang ng nasasaksihan ng mga mata ko sa pagkakataong ito.

He was blatantly flirting at Ion infront of hundreds of audience including me. He look happy while I'm stuck here behind him, pretending so hard to smile like I'm enjoying what I'm watching. Well, some part of me is happy. The friend in me who cared so much for him is happy seeing that he finally found someone who can make him happy. But the bitter side of me, that I don't know where came from, ay gusto siyang hilain at ipagdamot sa iba. Pero wala akong karapatan. Anong karapatan kong ipagkait sakanya ang kasiyahan na alam kong deserve na deserve niya? Kung mayroon mang taong deserve ditong maging masaya ay siya iyon. Ilang taon na rin niyang inuuna ang kasiyahan ng iba at panahon na upang siya naman ang makatanggap nito. I should not feel anything but happiness towards him. I should be supporting him. I should be okay with it but the problem is I'm not. Hindi ko mapigilang masaktan sa mga nakikita ko. I don't even know where all of these feelings are coming from.

Noong mga unang buwan, I was fine when Ion came into the picture. I understood that time na kailangan ng kaunting spice sa encounters namin ni Vice. Wala naman sa akin noong dumating si Ion. Confident naman ako na matatag ang tambalan namin ni Vice. People love us. Inaabangan at kinakikiligan kami. Sa amin lahat sila nakatuon. Tinanggap ko na may kahati na ako sa lahat. I'm fine with it. Wala rin naman akong choice. Kahati ko siya sa spotlight, sa mga raket, sa fans at sa atensyon ni Vice. Wala naman sa akin iyong naaagaw ni Ion ang kaunting spotlight mula sa akin. The audience was very fond of the way he dance stupidly but we, yes including me, find it cute na tinatry niyang pasayahin ang mga tao kahit magmukha siyang tanga. I was okay before. Well that was before. Until I finally realize that Ion is slowly taking all away from me.

I tried to be okay nung unti unti kong mapagtanto ang mga nangyayari. Hindi ko siya pansin nung una. Kampante naman kasi ako sa kung anong meron kami ni Vice. We're good friends. He said I'm special to him and I believed him. He's always there to support me sa lahat ng bagay. And then the news came that he and Ion are dating. I was shocked. I mean I didn't see that coming. I thought there are just times when Ion was just hanging out with Vice and his friends. Pero iyong mga pagkakataon pala na inaasar nila Kuya Vhong si Vice about sakanya ay may nangyayari na pala without me knowing.

Okay naman ako eh nung nalaman ko iyon. I tried to support him the way he never failed to support me. Okay ako. Kahit na napapapansin kong ang ibinibigay na lang ni Vice sa akin ay dalawang minuto ng atensyon niya, okay ako. Kahit na halos hindi niya na ako mapagtuunan ng pansin sa tuwing nasa stage kaming dalawa, okay ako. Kahit na hanggang hi hello at kamusta na lang ang usapan namin, okay ako. Wala akong ibang choice kundi maging okay. Kahit na nagbabago na lahat sa paligid ko pinilit kong maging okay. I pretended to be fine with all the changes for months.

But not this time. Not today. Ngayon, hindi ko kayang magpanggap na okay ako. There's something heavy in my chest. I feel like someone's choking me that I find it hard to breathe. Nakaya kong maging okay for three months pero what happened today? Maybe the fact that Tom broke up with me last night gave it away? It's been so long since I'm bottling up this emotion in my chest at ngayon nga gusto ko ng sumabog. Gusto ko ng ilabas lahat. I'm not okay and it felt like no one notice it. Mas ngayon ko naramdaman kung gaano ako nag-iisa. Para bang lahat sa paligid ko masaya tapos eto ako hindi maintindihan ang mga nararamdaman ko. I'm frustrated. Hindi ko alam kung bakit una pa lang nararamdaman ko na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Changes (ViceJack one shot) Where stories live. Discover now