The Ring of Strength and Power

2.6K 141 4
                                    

FREYN

Okay na ang aking pakiramdam kaya naman ay nag desisyon na akong mag lakad lakad around the labyrinth halls of Magic Ministry Council or mas kilalang Orno Gifted School kasama si Adam. Dahil sa aming pagsasama pinag titinginan na kami ng mga Ornopian na aming nakaka salubong o nadadaanan.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at ni isa sa'min ay walang imik, yun nga lang nahuhuli ko lagi si Adam na nag nanakaw ng tingin sa'kin, minsan napapansin kong gusto niyang mag salita ngunit nauunahan sya lagi ng kanyang hiya. I tried to read his mind, pero somehow I cannot reach him, parang may pwersang bumabalot sa isipan niya.

Napailing nalang ako at nakangiting pinag masdan ang paligid. Maganda at malawak ang buong lugar, may apat na malalaking gusali na mag ka harap sa isa't isa at merong napaka laking school ground at sa gitna nito ay pinatayuan pa ng statue ng aking ina na naka luhod sa harapan ng limang Elemental Gods. Hindi rin nawawala ang mga Tables at benches sapagka't ang school ground ay mistulang tambayan ng mga estudyante dito.

"Ang ganda pala talaga dito." Sabi ko para putulin ang katahimakan na bumabalot sa'min, nakaka bingi na kasi masyado.

"Ito palang nakikita mo, ewan ko nalang kong ano masasabi mo pag nakita mo pa ang nasa labas ng paaralang ito." Tugon nya at tiningnan ako.

Nagka titigan kami ng ilang segundo, at ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako natutuwa tuwing tinitingnan nya ako. Yung parang ako lang yung nakikita nya?

"So magkatrabaho kayo ni Dad?" Bigla kong tanong kay Adam to get rid of the awkward tension between us.

"Headmaster Ferid Claw?" Paniguradong tanong nya sa'kin kaya tumango ako bilang tugon.

"Oo, at napakabuti niyang nilalang." Dagdag nya pa na tila ba he's trying to impress me.

"Close ba kayo?" Tiningnan ko siya and I saw him smile.

"Oo, in fact natutuwa ako, kasi anak nya pala ang nakalaan para sa'kin, I mean who would've thought? Diba?" Sabay tiningnan niya ako ng nakangiti. Ramdam kong nag init aking pisngi kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Tigilan mo nga yan!" Reklamo ko sa kanya habang tinatago ang aking mukha sa kanya. Bakit ba kasi ganyan sya umasta sa'kin tapos ako naman basta basta nalang nakakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam.

"Tingnan mo nga ako." Utos nya sa'kin at huminto kami sa paglalakad. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at pinaharap ako sa kanya habang pilit tinatago ang aking mukha sa pamamagitan ng pagyuko.

"Look at me." Utos nya ulit pero umiling ako and I heard him chuckle.

"Freynrid Claw, Look at me, please.." Marahan na sabi niya, his voice gentle and deep, kaya nagulat ako nung tinawag niya ako by my full name.

Dahan dahan ko siyang tiningnan and the moment our eyes met, ngumiti siya and trust me ang gwapo niya pag ngumiti! I felt my cheeks getting warmer.

"You're Blu–" he bagan pero bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Say it and I will Kill you." Pagbabanta ko sa kanya dahilan kaya napa smirk siya at inilapit ang mukha niya sa'kin.

"You're being rough, and I like it rough, it's cute." Sabi nya at mas lalong inilapit pa ang mukha nya sa mukha ko. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na paghinga at diretsong nakatingin sa mata ko.

"B-bango ng h-hininga m-mo" Bigla kong nasabi kaya naman ay napa takip ako ng bibig.

Tangina di ko sinasadya yun! Bigla siyang tumawa ng malakas, at kasabay nito ang pag bagal ng takbo ng oras. Yung ngiti nya, yung mata, at yung magandang mukha nya. Bakit ba halos perpekto na sya sa paningin ko?

MAGE: Legend Of The Lost PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon