Chapter 1

0 0 0
                                    

Kiss me baby

"Hey, why you cryin'? " Tanong ng kakadating lang na si Jhea.

"Duh, ask your best friend" Pananaray na sagot ni Mayu habang tinatahan ako. She was caressing my back.

"Si Carlos? Bakit anong meron? " Naguguluhan nyang tanong at sinilip ako kung naiyak ba talaga ako.

"Hindi ba nasabi sayo ni Carlos na sila na ni Isabelle" Avery said that made me burst into tears. Carlos was my ultimate crush. Tumingin si Avery sakin ng parang hindi makapaniwala na umiiyak ako dahil sa lalaki at pinagpatuloy nya ang paglalaro sa phone nya.

Kaya di sya nagkaka-bf eh. Puro ba naman barilan ang linalaro. "Gaga! Hindi pa sila" Sabi ni Jhea kaya napatingin ako sa kanya. Unti unti akong tumahan.

Tinawanan naman nila ako. Shiz what's funny!? I told Jhea kung anong nabalitaan ko at sinabi nya sakin na hindi yun totoo dahil liniligawan palang ni Carlos si Isabelle.

Jhea knows everything about Carlos kasi best friends sila. Minsan nga iniisip ko parang sila eh pero sinasabihan ako ni Jhea na wag daw maissue.

Nagkkwentuhan pa kami ni Jhea tungkol kay Carlos nang dumating yung mga kaibigan naming lalaki kasama na si Carlos. Napansin kong may dalang pagkain si Isaac ang aking kambal kaya dali dali akong lumapit sa kanya at nakikain.

Tinawanan naman ako ni Jeremiah "Eto ang takaw takaw pero di nataba hahahaha" Sabi nya rin at inakbayan ako. Sumusulyap ako kay Carlos na nag-gigitara at kumakanta.

Isa ring dahilan kung bakit ko sya nagustuhan dahil sa boses nya. Napakasarap pakinggan at nakakagaan ng loob. Alam ng lahat ng kaibigan ko na gusto ko sya at alam kong alam nya rin.

"Hoy baka matunaw" Sabi ni Jeremiah na naka-akbay parin sakin. Narinig ata ni Carlos ang sinabi nya kaya lumingon din ito sa direksyon ko, agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Hays why are you so perfect? They say no one is perfect, then I must say you are no one.

*****

"Sabi ni Mayu umiyak ka raw dahil kay Carlos, at bakit? " Tanong ni Isaac sakin. Nasa ibaba ko lang sya ng double deck kaya kahit di ko sya nakikita naririnig ko sya.

Napaka daldal talaga ng babaeng yun. "Nag usap kayo? " Tanong ko rin pabalik, sa aming magttropa silang dalawa ang palaging magka away kaya naman palagi namin silang inaasar na baka sila ang magkatuluyan

"Don't change the topic. Sabi ko naman sayo wag ka na umasa kay Carlos, wala kang mapapala doon" Hindi ko na sya sinagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Tsaka binasted sya ni Isabelle" Dagdag pa nya. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako pero agad ding napawi nang naisip ko si Carlos. Grabe naman si Isabelle talagang sya pa may ganang mang busted ha.

Malungkot siguro sya ngayon, ikomfort ko kaya sya kaso wag na baka sabihin nya pa ang harot ko. Kasi naman kung ako nalang sana ang niligawan nya edi sana di sya masasaktan. Sasaya pa ang buhay nya.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw tinignan ko ang wall clock at nakita kong 10:00 na. Matutulog pa sana ako kasi sabado naman nang nakarinig ako ng tawanan sa baba.

Dali dali akong bumaba ng di pa naghihilamos. Pagdating ko sa sala nakita ko sila Isaac, Jeremiah, Logan, Avery, Mayu, Jhea, at CARLOS.

"Camilla HAHAHAHAHA" Tumatawang tawag sa akin ni Logan dahilan ng pagkabalik ko sa wisyo. Napahawak ako sa gilid ng labi ko at naramdaman kong may nanuyong laway doon, magulo rin ang buhok ko, at gusot gusot ang pajama ko.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 12, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Loving You SucksDove le storie prendono vita. Scoprilo ora