2019

9 0 0
                                    


Limang taon na ang lumipas. Limang taon na akong nabubuhay ng wala ka. Limang taon na tayong hindi nagkikita.

Limang taon. .

Madaming nangyari, madaming nakilala.

Hindi ko alam kung maniniwala kayo. Kasi ako mismo sa sarili ko di ako makapaniwala.

Tumingin ako sa iba. Nagmahal muli. Pero wala ni isang pumantay sayo.

Limang taon na pero mahal na mahal pa din kita.

Limang buwan lang tayo noon.

Hanggang ngayon ikaw pa rin.

Yung limang buwan pa din na iyon ang pinakamasasayang araw ng buhay ko.

Tama ang mga pangako ko noon sayo at sarili ko.

Wala akong ibang mamahalin katulad ng pagmamahal ko sayo.

Na kahit lumipas man ang mahabang panahon, ikaw at ikaw pa rin.

Kumusta ka na kaya? Naaalala mo pa ba ako?

Kasi ako, gabi gabi pa din kitang naiisip.

Nag iisip ng mga "Pano".

Pano kung tayo pa? Pano kung di mo ko iniwan? Pano kung pinilit natin? Pano kung pinili mo ako?

Pano pag nagkita ulit tayo? Pano kita makakausap ulit?

Ang naaalala kong huling usap natin ay nung nag hitch hike ako.

Sinend ko sayo yung plate no. ng motor.

Paraparaan ko yata yun para makausap ka ulit.

Alam mo kung bakit di na kita kinulit pagkatapos non?

Kasi halatang ayaw mo na sakin samantalang ako halatang patay na patay pa din sayo.

Alam mo ba kung ano ang pinagdarasal ko lagi mula nang maghiwalay tayo?

SANA NAGING LALAKI NA LANG AKO.

Oo. Parehas tayong babae. Kaya tayo naghiwalay. Kaya mo ako iniwan.

Kasi hindi tama. Kasi hindi normal. Kasi nakakadiri.

Ilang beses kong ginustong patayin ang sarili ko.

Naiisip ko palagi na sana sa susunod na buhay, kung mabigyan man ng pagkakataon, gusto kong maging tamang tao para sayo.

Kapag tama na ang mali gusto kong makita ka uli. Gusto kitang makilala uli. Gusto kitang mahalin uli.

Sana sa susunod na buhay natin.. Sana ako na ang piliin mo. Sana wala nang dahilan para iwan mo pa ulit ako.

Mahal na mahal kita. Mamamatay akong mahal na mahal ka pa din.

Minahal mo ako ng mali ako. Sana ako pa din kapag tama na.

Sana dumating pa ang tamang panahon, tamang pagkakataon para sa ating dalawa.

Sana maging tama ako para sayo.

Paulit ulit pa din akong susulat ng mga kwento tungkol satin.

Balang araw mabubuo ko din ang lahat ng tagpi tagping kwento para magawang libro.

At kapag dumating na ang araw na yon..

Ilalagay ko sa dulo ng libro ko ang dating nakalagay sa likod ng notebook mo.

I Love You at Full Name mo naman imbes na pangalan ko.

Araw araw akong ipapadala sayo ang mga libro na yun.

.


.

.Hanggang sa Muli nating pagmamahalan Genicah.

Micah'tokWhere stories live. Discover now