Rhythm of Every Strum (One-shot Story)

4 0 0
                                    


RHYTHM OF EVERY STRUM

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo, may minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito."

Iyan ang musikang sumalubong sa aking mga tainga matapos kong tumuntong sa magiging silid aralan ko para sa taong ito.

First day of school noon nang una kitang makita. Transferee ako sa university na ito kaya wala akong kausap. Well, except for my cousin that was fortunately my classmate, though we're not that close.

"Uy Nikki, nandiyan ka na pala. Buti nakita mo 'tong classroom natin. Kahit ako nga na halos 9 years na sa campus na to, hindi ko agad makita ang classroom eh. Halika dito ka na umupo sa tabi namin", wika niya sabay mustra sa'kin ng vacant seat sa tabi niya.

Agad naman akong umupo sa upuan na inilaan niya para sa akin. Aarte pa ba ako? Eh kahit naman di kami masyadong close ng pinsan kong iyon, kailangan kong magpaka-feeling close para naman maka-survive ang social life ko.

"Wait lang. Pakilala kita sa mga tropa ko", sabi niya kaya naman otomatiko akong napatingin sa mga nakaupo malapit sa kaniya na nakatingin at nakangiti sa'kin.

"Guys, pinsan ko", saad niya habang nakalahad ang kanyang kamay sa direksyon ko.

"Hi Nikki! Ikaw pala yung pinsan nitong si Lariza", bati ng isa sa mga tropa ng pinsan ko. Binati rin ako ng ilan sa mga babae at lalaking malapit sa kaniya na kaibigan pala niya. Friendly pala si Lariza.

"Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipaparanas sa'yo? Ibinubunyag ka ng iyong mata, sumisigaw ng pagsinta", natigil ang pagkanta ng chorus ng lalaking katabi ng pinsan ko at ang pag strum niya ng gitara nang mapansin ang presensiya ko. Hindi ko rin kasi agad napansin na siya pala yung kanina pang kumakanta. Masyado kasi akong na-overwhelm at nataranta sa mga atensiyon na ibinibigay nila sa akin. Ang hirap talagang mag adjust pag bigla kang nakalabas ng comfort zone mo.

"Eros", sabi mo sabay lahad ng iyong kamay. Lumabas rin ang mga ngipin mo na naka-braces pala. Kung sa ibang bansa at sa wattpad, nagmumukhang nerdy pag naka-braces pero let's be real. Dito sa Pilipinas, aminin man natin o hindi, nakakadagdag ng appeal ang braces at nagmumukhang rich kid. At isa ka sa mga 'yun.

The moment na mahawakan ko ang iyong kamay, 'dun ko na-realize na crush kita. Ikaw ang kauna-unahang kaklase ko na nag pakilala sa'kin at nakipag shake hands sa'kin. Ang lambot ng kamay mo. Nahiya bigla ang kalyo ko sa kamay. Well, ganun siguro talaga, galing probinsiya eh.

Ang ganda ng mga mata mo lalo na noong nginitian mo 'ko. Sa lahat ng mga gwapo kong nakita ngayong araw, the moment na makapasok ako sa campus na 'to, ikaw pa lang ang nakakuha ng atensiyon ko.

Ang ganda rin ng pilik mata mo, kasing haba ng pilik mata ko. Your brows also caught my attention. Kabaligtaran ng sakin. Tama lang yung kapal at hindi sabog. Ang tangos rin ng ilong mo at ang mga labi mo na mamula mula. Almost perfect na ang iyong physical appearance. Matangkad ka rin eh. Ang gwapo mo. Hindi bagay sa tulad ko. Ha. Ha.

"Nikki, uy, ayos ka lang?", tanong sa'kin ni Lariza habang ikinakaway ang kamay niya sa mukha ko. Napatulala pala ako. Nakakahiya kay Eros. Tumango lang ako sa pinsan ko at pilit na ngumiti kay Eros na nagmukha nang ngiwi.

"Okay lang yan. Ganyan talaga pag una pa lang. Makaka-adapt ka rin sa paligid mo", wika ni Lariza sabay thumbs up sa'kin.

Napatingin muli ako sayo. Sana isa ka sa mga tutulong sa'kin na makapag-adjust. Sana maka-close kita.

"Good morning class. Welcome to the senior high school. Today marks the start of your senior years and I'll be the one to guide you to your journey. I'm Miss Sante, your class adviser", sabi ng aming guro sa unahan na di ko namalayang nakapasok na pala.

Rhythm of Every StrumWhere stories live. Discover now