A Face With No Warranty

709 80 11
                                    

"Pangarap kong maging doktor."
"Parangap kong maging teacher!"
"Pangarap kong maging presidente ng bansa!"

"Buti pa kayo. Ako? Pangarap ko lang maging maganda."

Natigilan ang lahat nang marinig nila ang sinabi ko. 'Now, I have their attention.' Kumunot ang noo ng mga kaklase ko at nagsimulang magbulungan. Tumalim naman ang tingin sa'kin ni Mrs. Cayetano sa sinabi ko, "Paki-ulit nga, hija?"

I laughed sarcastically and stood up.

"Pangarap kong maging maganda. Masama po ba 'yon? Balita ko requirement daw sa lipunan ang pagkakaroon ng matangos na ilong, makinis na kutis, at mapupulang mga labi. The world has standards, and I want to reach those standards, ma'am.. Tulad nga ng lagi niyong sinasabi: Pretty girls go to heaven while ugly ones go to hell, right?"

"May equality sa mundo, Selena."

"Really? Then care to tell me why everyone loves the pretty girls? Nakakasawa na kasi. Nakakasawa na kasing palagi na lang naka-base sa face value ang pagmamahal sa'yo ng mga tao."

Hindi na sila umimik pa. Napabuntong-hininga na lang ang guro ko at nagsimula na ulit ng discussion. Kapansin-pansin na lalong lumayo sa'kin ang mga katabi ko sa upuan. Napabuntong-hininga na lang ako't lutang na nakinig sa itinuturo nila. Nakakatawang isipin na itinuturo sa klase ang pagkakaroon ng "equality" at "morals" sa lipunan, but outside the four walls of this damn classroom, everything goes back to those fucking "standards".

'At pagiging maganda ang isa sa pinaka-bias na pamantayan ng lipunang ito.'

Kaya't masama bang mangarap na kahit minsan lang sa buhay ko, maranasan ko na namang maging maganda?

Pagod na akong maging insecure. Pagod na akong lagi na lang pinagtutuunan ng pansin ang mga kaklase kong rebonded pa ang buhok. I want to do something about this...

Kahit ano pa ang kapalit.

*

Pagkauwi ko ng paaralan, mabilis akong nagkulong sa silid ko. I walked towards the mirror and looked at myself.

Marami akong pimples, maitim ang balat ko, makapal ang salamin ko't mukhang pugad ng manok ang buhok ko. I hate this. I hate staring at my reflection.. I hate this ugly girl in the mirror because no one loves the ugly girls!

"Nakakasawa kang tingnan." Sabi ng repleksyon ko. Hindi ko na namalayang nakangisi na pala siya sa'kin. "Kaya walang nagmamahal sa'yo. Hindi ka kasi kaaya-aya sa mga mata nila."

"Shut up."

"Pati magulang mo, hindi ka mahal. Plus, I doubt any boy would notice you.. Ilang beses ka na bang na-reject ng mga crush mo? Pinagpalit ka nila sa mga magaganda. Asa ka namang mapapansin ka nila."

"SHUT UP! H-Hindi totoo 'yan!"

"You can deny this to everyone, but you can't deny this to yourself, Selena. Poor, poor, ugly Selena."

Napatakip ako ng tainga nang humagalpak nang tawa ang repleksyon ko. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga sinasabi niya. Her voice still echoes inside my head. Her words drop like a blade to my heart. Making me bleed, so bad...

"Your insecurities will kill you, inside-out. Do something about it."

"A-At ano naman ang gagawin ko?"

Nababaliw na ba ako ngayong tinatanong ko ang opinyon ng repleksyon ko? Hindi ko na alam. Napapagod na akong maghanap ng sagot sa mga bagay na hindi ko naman maiintindihan.

That's when I saw it.

Isang poster ng bagong bukas na beauty clinic sa dulong bahagi ng Eastwood. 'The Mad Rabbit's?' Agad kong binasa ang mga detalye. Kumunot ang noo ko nang mapansing nag-iiba ang mge letrang naka-imprinta roon.

✔A Face With No WarrantyWhere stories live. Discover now