Finish Line

5 0 0
                                    



Sigurado akong nanlalaki na naman ang butas ng ilong ni Red sa mga oras na ito. Ngayon ang first day ng Sports Festival ng Luciana University kaya masyadong kina-career ni Red ang mga laro niya. Karamihan naman sa mga basketball playes ay pasikat at mayabang kaya normal na lang para sa akin ang ugali na meron si Red.


Kahit alam kong galit na galit na siya dahil sa bagal kong kumilos, pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko sa mahinhin at masinop na galaw. Mas mabuti siguro kung plantsahin ko pa yung buhok ko after kong i-blower? Hmmmm.


Wag na nga lang. Bukod sa matagal, tinatamad na rin ako dahil napagod na ako sa mga ginawa kong kaartehan para sa umagang ito. Thankful talaga ako na one week ang Sports Festival ng school namin dahil one week even means one week free style ang mga studyante. College man or senior high, walang required na color coding so mas masaya kasi di nila made-determine kung nasa mababang batch ka or nasa mataas.


Pagkatapos kong gawin ang mga kaartehan ko ay nagpaalam na ako kay Tita na pupunta na ako sa school. Wala akong sariling sasakyan pero meron naman kaming family car na ginagamit ng kahit sino at syempre, hindi ako ang magd-drive non. May driver na kinuha si Mama dahil wala siyang tiwala sa aming magkapatid na maingat kaming driver with a student license. Reene Del Mundo ba naman ang mama ko kaya paano ko mauuto yon? Matatag pa yon sa mama ng lahat hahaha char lang.


Tirik na tirik na ang araw nang makarating ako sa gymnasium ng university. Kung hindi nga ba naman ako isa't kalahating tanga na nagsuot ng black t-shirt and boyfriend jeans sa ganitong panahon, edi sana hindi ako mukhang hagardo versoza ngayon. Binaba ko ang mga dala kong gamit sa bleachers ng gymnasium at agad kong hinanap ang panyo ko sa bag ko.


Sa kalagitnaan ng paghahalungkal ko ng gamit ko, biglang may tumuon na kamay sa balikat ko kung kaya't napaupo ako at nabitawan ang bag na kapit ko.


"Rei-rei!" nakakainis na boses ng kaibigan ko ang narinig ko. 


Inis kong nilingon ang mapangahas na nilalang at ginantihan ng pagkurot sa tagiliran. "Kupal ka Ardee! Kita mong hirap na hirap na ako sa ginagawa ko tapos inabala mo pa?"


"Ay galit si Rei-rei hahahaha pero mas galit na si Papa Red bruha ka! Kanina pa bangko yung kapatid mo, ikaw na lang ang inaantay kaya hindi makalaro!"


"Seryoso?" medyo kinakabahan kong tanong. Kilala ko si Red, hindi naman yon nagagalit sa akin, minsan lang. Hehe. Pero baka inookray lang ako ng baklang ito eh. Nang titigan ko si Ardee, walang bakas sa mukha nito ang pagbibiro kaya napalunok ako. Mabilis kong inabot sa kaniya ang gamit ko at dinampot ang mga gamit ni Red. "You know what Dee? I got to go! Sunod ka sa akin ha? Itatakbo ko lang ito."


Tumakbo na ako patungo sa covered court na pinaggaganapan ng basketball tournament. Grabe maka-tournament tong school namin akala mo naman nba na ang labanan. Bago pa ako tuluyang tumakbo ay kita ko pa ang pagnganga ni Ardee dahil sa pag-iiwan ko ng gamit ko sa kaniya kaya tatawa-tawa akong naglalakad takbo.


Nasa bungad pa lang ako ng covered court ay kitang kita ko na ang naglalakihang butas ng ilong at kunot na kunot na noo ni Jared Adrian. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako at matatakot o matatawa dahil pangit na pangit ako sa kaniyang itsura ngayon. Tumayo ang toro at tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa paglalakad. Oo, naglakad lang ako ng medyo mabilis kaya takbo na rin yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Starting Point at the Finish LineWhere stories live. Discover now