1

22.6K 225 3
                                    


HUMUGOT NANG malalim na paghinga si Madelyn, upang payapain ang sarili. Kadarating lang niya buhat sa bayan niya sa San Roque, mga amin na oras rin ang biyahe niya. Bitbit ang isang di kalakihang maleta. Pumasok siya sa entrance nang malaking gusaling iyon. Hindi niya inaasahan na doon ang magiging bagong tirahan niya. Lumapit siya sa babaing malapad ang ngiti nang makita siya

"Hi, Ako si Madelyn Mendez, 'to iyong address na ibinigay sa 'kin." Anang niya saka inabot rito ang letter of transfer kung saan nakasad ang address nang magiging bahay niya.

She was a bank accountant back in the province. At ng bilhin nang isang malaking kompanya ang bangko na pinagtatrabahuan niya. Dahil sa pagbagsak noon, napilitan siyang tangapin ang trabahong iyon. She was order for transfer to work at Emerald Park Inc. Ang malaking kompanyang bumuli nang bangko. Limang taon na siyang nagtatrabaho roon, kaya kahit paano ay hindi niya maiwang makadama nang pangungulila. Idagdag pang naiwan niya ang magulang sa hacienda. Kung tutuosin hindi niya kailangan magtrabaho pa. Dahil nais nang ama niyang pamahalaanan ang lupain nila. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay roon, subalit ang hacienda nila, ay mas bibigigyang prayoridad ang pagtatamin nang iba't ibang napapanahong gulay. Maraming baka at kalabaw ang makikita sa lupain nila. Kaya masasabi niyang maalwa ang pamumuhay nila.

Subalit ang pananatili sa hacienda ay labis na nagpapalungkot sa kanya. At alam niyang nauunawaan iyon nang mga magulang niya.

"Nasa ika-apat na palapag po ang unit ninyo Ma'am." Ang tinig na iyon nang babae ang gumising sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito. Bago hinila ang maleta niya. Nagbigay ito nang instruction kung paano siya nakakarating doon.

Ilang sandali lang ang ginugul niya bago narating ang unit na nakalaan para sa kanya. Maingat na ipinasok ang susi sa doorknob. Hindi niya inaasaang makakarating siya sa Maynila nang wala sa plano niya. Her job didn't give much choice. And besides, maganda ang offer sa kanya nagkompanya. Kasama roon ang board and lodging niya. Pati na ang transportation allowance niya. Idagdag pang mas mataas ang suweldo niya. Malaking convience iyon para sa kanya lalo't napagpasyahan na niyang magsimulang muli. Sapat na marahil ang pitong taong pahihirap at pagdurusa niya.

Nagsalubong ang kilay niya nang tuluyang bumukas ang pinto. Hindi niya inaasahan iyon. May kalakihan ang unit niyang iyon. Too much for her alone. Puno rin iyon nang kagamitan. May sala set at television, dvd compartment. Nakakabit ang lahat nang mukhang manahaling kurtina. Pumasok siya sa kusina, naroong kompletong gamit para sa kanya. And the fridge was full. Maraming prutas ang naroon sa pang-apatang lamesa. Hindi na siya nagulat nang pumasok siya sa isa sa dalawang kuwartong naroon. Hindi tulad nang silid na nauna niyang binuksan. Isang di kalakihang kama ang naroon. May apat a unan, na may balot nang tela na sadyang tulad nang sa kuwarto niya sa probinsya. May maliit na lamp table sa tabi. Napapa-iling na naupo siya sa kamang naroon.

She was sure, na iyon ang kuwartong nakalaan para sa kanya. Pero hindi niya inaasahang pati ang mga personal niyang pangnangailangan ay sasagutin rin nang kompya. It was the least she did expected. Dahil parang ang titira na lang sa unit na iyon ang kulang. Dala nang pagod, kaya ipinasya niyang mahiga sa malambot na kama. Saka tinawagan ang magulang para sabihing nakarating siya nang maayos. She needed her energy. Para sa pagpasok niya kinabukasan.

Madilim ang pagilid nang magmulat nang mata si Madelyn. Nagtaka pa siya nang tila hindi pamilyar sa kanya ang paligid. Nagpalipas siya ng ilang segundo bago nang pasyang bumangon. Saka binuksan ang ilaw sa kuwarto. Nakalimutan niyang nasa Maynila na siya at wala sa probinsya. The room was filled with silence.

WAY BACK TO YOUWhere stories live. Discover now