"Oh, Ella. Ano ba ang nagawa ko na sa hanggang sa aking hindi niya ako nakayang puntahan." Talaga pa lang masakit magmahal lalo na kung ikaw lamang ang nagmamahal. Hanggang sa ngayo'y mamatay na ako ang tangi ko na lamang hiling ay masulyapan ang mukha ng aking pinakamamahal. Ang mukhang minahal ko mula pa lamang noong bata ako hanggang sa ngayon.

"Anastasia, pagpasensiyahan mo na ang kuya ko siguro ay naipit lamang siya sa traffic papunta dito." Payak akong natawa at dahil doon biglang sumikip ang aking dibdib at malakas na napaubo. Kitang-kita sa mukha ni Ella ang pag-aalala ng may mga dugong napunta sa aking mga nakaharang na kamay. Dahan dahan niya akong pinahigang muli na siya naming aking tinanggihan.

"Ella, kahit na alam kong walang katiting na katotohanan ang iyong sinabi maniniwala ako kasi sabi ng ni Cinderella-

"Have faith in dreams and someday your rainbrow will come smiling through no matter how your heart is grieving if you keep on believing the dream that you wish will come through" na siya na namang ikinatawa ko na nagsimula na naman ng aking pag-ubo. Napatigil ang aming pag-uusap ng may kumatok. Kumabog ang aking dibdib na siya namang naireplekta sa heart monitor pero ang lalaking pumasok sa aking silid ay hindi ang lalaking nasa aking puso.

"Oh bakit bumaba yang heart monitor na iyan, ayaw mo ba akong maktita?" Matipid na ngiti ang tanging naiabot ko kay Duke. Tinatanggap ko na. Na kahit sa kahit na kalian ay hindi ko na siya makikita. Ang dapat ko ng gawin ngayon ay magpaalam sa mga natitirang taong nagmamahal sa akin.

"Duke. Ella. Huli na itong hihilingin ko sa inyo." Lumuluhang umiiling si Ella. Inabot ko ang kanyang kamay na siya namang hinawakan niya ng mahigpit. Tinignan ako ni Duke at tumango...

Ngayong mamatay na ako siya pa rin ang aking mahal at sa huli sa kanya pa rin ako babalik. Ang huli kong hiling ay dalhin nila ako sa burol kung saan una ko siyang nakilala. Papunta roon ay binaba ko ang bintana ng sasakyan at dinama ang malakas na hangin. Kahit na hirap na akong huminga ay nakangiti kong sinasalubong ang hangin. Binuhat ako ni Duke papuntang damuhan pagkarating doon, ginawa ko siyang sandalan at mahinang inabot ang kamay ni Ella.

"Mahal na mahal ko kayo, pero sadyang sinumpa ata ako na mahalin ang taong hindi ako mahal. Kung kaya ko lang utusan ang puso ko, matagal ko ng ginawa Duke. Matagal na kitang pinili Duke. Sa susunod na buhay ko Duke sisiguraduhin kong ikaw ang laman nitong puso ko sisiguraduhin kong hindi ko na guguluhin ang buhay ni Chris. " Umiiyak na umiiling ang dalawa, hinawakan ko ang nakayukom na kamay ni Duke at pinilit na ibinuka iyon gamit ang natitira kong lakas.

"Ella, pagkatapos ng araw na ito kunin mo ang mga sulat sa drawer na katabi ng aming kama sa Villa De Luna, pakibigay sa mga taong nararapat na makatanggap nito." Noong nalaman ko na hindi na ako magtatagal, sinimulan ko ng humingi ng tawad sa mga taong naistorbo ko. Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Naalala ko lahat, Christopher. Ang sakit na dinanas niyo ni Kim dahil sa akin. Dahil mahal na mahal kita humihingi ako sa iyo ng tawad at sana sa susunod na buhay ko ay hindi na kita mamahalin dahil hindi ko na din kaya ang sakit. Sakit na di mahalin. Pitong taon akong nagdusa. Ayoko na. Pagod na ako pero mahal na mahal pa rin kita. Sumasakit ang dibdib ko at nahihirapan na ako huminga. Hindi na kita mahihintay sa Christopher.

"Sorry."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lotus HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon