KABANATA 1

47.1K 822 103
                                    

Please read My Mother's Job first before this, para maunawaan niyo ang takbo ng story..

May part 2 na siya at heto uumpisahan ko na... Tutuldukan ko na sana siya sa part 1 palang, pero iba ang sinasabi ng isip ko.. 😂

Maybe this is short story..

********

KABANATA 1

TIAGO

Tinungga ko ang alak na inorder ko habang narito sa vip room mag-isa. Sarap kasing tunggain, nakakawala ng wisyon. Sana nga pang matagalan ang epekto para tuluyan na akong maka-move on.

It's been 4 years, pero hindi ko pa rin matanggap na ang Lucy'ng minahal ko ay abo nalang na naka-display sa bahay na pinagawa ko. Halos para akong tanga na nakatingin sa urn niya at litrato. Halos dalawang taon din akong parang wala sa sarili, hanggang ngayon naman. Dinala na nga nila ako sa psychiatrist para ipagamot pero hindi ako pumayag, Para saan? Hindi naman ako baliw.

Napailing ako at muling tinungga ang alak. Napapikit na ako ng mata sa pagkalasing ng maisipan kong tumayo na at umuwi.

"Iron, I'm home!"

Pasuray-suray na pumasok ako sa bahay at pabagsak na naupo sa sofa.

"Papa!"

Napadilat ako at napatingin sa almost four years old kong anak. Agad na umakyat ito sa sofa at pumunta sa akin. Agad na niyakap ko ito at hinalikan sa ulo.

"Kuha mo ako ng tubig." utos ko.

Tumango ito at sinunod ako. Napapikit ako habang nakasandal sa sofa. Pagod na pagod na ako, gusto ko na rin mawala.

"Papa, water."

Dumilat ako at napatingin kay Iron na may dalang basong tubig sa bagong kamay niya. Napagawa na siya at nasanay na ang bata.. Parang robot tuloy ang kamay niya..

"Good. Go to your bed and sleep." utos ko at kinuha sa kanya ang tubig pero ayaw niyang ibigay kaya nagtaka ako, "why?" nagulat ako ng isaboy niya sa mukha ko ang tubig.

Natawa siya kaya napahilamos ako ng mukha at nag-init ang ulo ko.

"Why did you do that?" gigil kong tanong at hinawakan siya.

"I thought you want water?" pilosopo niyang sabi.

"Yes! I want water to drink not to spill to my face. Damn it!" tumayo ako at dinala siya sa kama, "you are hard headed.. Sleep now or else I leave you.. See, your Mama leave you, too. Because you are a bad son."

Umiyak ito at dumapa na umiyak. Napasabunot ako ng buhok at tumayo.

Damn it! Lucy, this your fault.. You leave me.. Hindi ko alam paano ko kokontrolin ang sarili ko.. Pati anak natin ay naaapektuhan.

Tumingin ako kay Iron at muli akong naupo. Binuhat ko siya at pinaupo paharap sa akin.

"I'm sorry, Son. Wala lang sa mood si Papa. I'm sorry…"

Niyakap ko ito at pinatahan na nagawa ko naman. Nang makatulog ay maingat na hiniga ko siya at tinitigan. Hindi ko mapigilan na maiyak at mapasuntok sa kama dahil kahit kaya kong ibigay ang lahat kay Iron, ang pagiging ina sa kanya ang hindi ko magawa. Hinahanap niya si Lucy. Kaya minsan umiinit ang ulo ko hindi dahil naiinis ako, kundi nagsasawa na ako sa paghahanap niya. Wala nang Lucy na babalik. Wala na..

-

"Kuya, baka need mo kumuha ng Yaya. Kung ayaw mong ipaalaga sa amin si Iron, then hire a Yaya." sabi ni Miracle habang kausap ko sa phone kinabukasan.

Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now