Sa buhay na sa aki'y ibinigay
May mga bagay- bagay at kwentong makulay
Mayroong saya at lungkot pangamba ang minsa'y dulot ,Ngunit lahat ay may pag-asaManalig ka lang di ka nag-iisa
Isa lang ang hiling
Ikaw ay aming makapiling.
.
.Nasaan ka munting bituin ?
Sa langit ikaw ay hahanapin
Kakausapin si Bathala
Na kamiy muling ipagpala
Basbasan nawa , ng pagkakataong makapag- aruga
Ng munting supling
Ito ang aming hiling.
.
.Binulong sa hangin
Aming panalangin
Sana'y dinggin at bigyang pansin
Ang aming Munting hiling.
.
.Ngayon Anak, ika'y aming kapiling
Ang tanging hiling ,
Lumaki kang maayos
Na may takot sa Diyos
Magalang at MakataoMapagmahal at may dangal
Iyan ang turo ko
At utos ng Amang may likha sayo
.
.
.Binulong sa hangin
Aming panalangin
Sana'y dinggin at bigyang pansin
Ang aming Munting hiling. . . .
*Isinulat noong ika-26 ng Desyembre 2019
Nota ng may akda:
Ang tulang ito ay isinulat ng may malayang taludturan. Ang tema ng tula ay tungkol sa mag-asawang nais magkaroon ng supling, at kahit sinabi na ng mga dalubhasa na mahihirapang magkaanak ang asawang babae ay di pa din sila nawalan ng pag-asa nanatili silang naniwala at nanalangin na ipagkaloob ng Maykapal ang kanilang munting hiling.
Minsan ang ating panalangin ay hindi agad agad binibigay, kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa at tiwala. Manatili tayong manalig dahil lahat ay dumadating sa tamang panahon at sa tiyak na pagkakataon.
Maraming salamat.
- Cheemie D.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Tungkol sa Sanggol
PoetryIto ay collection ng mga tula na isinulat ng may akda para sa kanyang bagong silang na anak. Sa pamamagitan ng mga tulang ito naipapahayag ko ang aking ibat ibang emosyon kalakip na dito ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak. Nais kong ibahag...