CHAPTER NINE

22 3 4
                                    

SA mga sandaling iyon ay tuluyan ng binalot ng pangamba at takot si Oleene. Hindi lang para sa kanya, kung 'di para na rin sa kalagayan ni Oreojon.

Kitang-kita niya ang malaking hiwa nito sa tiyan. Kung saan aninaw niya ang sariwang dugo at laman ng binata.

Gusto niyang maduwal ngunit nagpigil siya, ang totoo napakahina niya sa mga ganito. May phobia na kasi siya dati noong bata siya, kung saan isang trahedya ang kinasangkutang ng mga magulang niya na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito at maagang pagkaulila naman niya.

Kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayari, kung saan kalunos-lunos at tigmak na ng mapupulang dugo ang mukha' t katawan ng mga magulang sa sarili niyang kandungan.

Unti-unting nanlabo ang paningin ng dalaga, dahil sa tuluyang pagtutubig ng kanyang mga mata.

Hindi na niya namalayang mahigpit na pala niyang niyayakap si Oreo, kasabay ng impit na pagtangis niya.

Sa totoo lang takot na takot siya sa mga oras na iyon, hindi dahil para sa buhay niya. Kung hindi para kay Oreo...

Hindi niya maintindihan ang sarili pero ayaw niyang isipin na may masamang mangyayari sa binata or worse ay mamatay din ito mismo sa kandungan niya.

"Please Oreo lumaban ka, gumising ka..."puno ng emosyon na patuloy sa pagbulong lang ang dalaga sa pagitan ng mabigat na pag-iyak nito.

Lalong nadaragdagan ang bigat sa dib-dib ni Oleene nang walang naging tugon sa binata.

Tila hindi na ito humihinga sa paningin niya.

Lalong hinigpitan ni Oleene ang pagkakayakap sa binata, ramdam niya ang lamig sa paligid dahil sa madaling araw na. Ngunit hindi iyon inintindi ng dalaga, ang kasalukuyang nasa isip nito ay kung paano na ang magiging buhay niya kapag nawala pa ang nag-iisang taong nagbigay sa kanya ng importansiyang mabuhay sa mundo.

"Oreo, 'wag mo kong iwan k-kailangan kita. H-Hindi ko kayang m-mawala ka, mahal na mahal kita."naisatinig ng dalaga, habang patuloy niyang yakap ang nakapikit na binata...

UNTI-UNTING iminulat ni Oreo ang mga mata, ramdam niya ang napakainit na hatid ng katawan ni Oleene sa kanya.

Na lalong nagbibigay sa kanya ng pagnanasa sa mga sandaling iyon. Lalo siyang nabaliw ng marinig niya ang kasunod nitong sinabi.

"Oreo, 'wag mo kong iwan k-kailangan kita. H-Hindi ko kayang m-mawala ka, mahal na mahal kita."

Mariin niyang ipinikit ang mata kasabay ng pagtubo ng kanyang pangil, lalo siyang naglaway ng maamoy niya ang mabining samyo ni Oleene.

Ang malambot nitong katawan ang takot nito na lalong nagpapawala sa katinuan ng binata. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

Sa isang iglap ay sakop na ng labi ang labi ni Oleene, tuluyan na niyang ginalugad sa pamamagitan ng dila niya ang bibig ng dalaga.

Maski si Oleene man ay nakipagsabayan na rin at hinayaan nitong matangay na rin sa mapangahas niyang labi.

Lalong nag-init si Oreo ng mula sa labi ng dalaga'y mamutawi mula roon ang mga impit ng ungol, lalo lang naging masigasig si Oreo sa mga lumipas na sandali.

Namalayan nalang ni Oleene ang unti-unting pagsandig ng likuran niya sa magaspang at maalikabok na lupa.

Kitang-kita niya ang mapupulang mata ni Oreo na nakatutok sa kanya. Tila siya isang masarap na putahe na naghihintay sa binata. Bagamat nagtataka na ang malaking sugat nito sa tiyan at tuluyan ng naghilom.

Marahang ibinaba ni Oreo ang labi kasabay ng pagdako ng mukha nito sa leeg ni Oleene. Inamoy-amoy pa niya iyon, bago tuluyang isakatupad ng binata ang ninanais.

BREAK THE WORLD (LID) COMPLETED Where stories live. Discover now